Chapter 3

558 33 2
                                    

Chapter 3
Garden

We didn't go to the mall that day. Nagbago ata ang isip ni Alistair dahil pagkalabas ko ng kwarto, sinabi sa akin ng isang bodyguard na hindi na raw kami tuloy. Hindi ko na rin inalam kung ano ang plano niya at nang mag-dinner ay kumain kami ng tahimik kahit sabay.

Naninimbang ang tingin niya sa akin habang ako nama'y nakatuon lang sa pagkain.

Hindi ko alam kung na-offend ba siya sa sinabi kong medyo controlling siya. Medyo napapaisip nga ako kung kailangan ko ba ipagpahingi ng paumanhin iyon eh totoo naman na controlling siya.

Pero parang ang tapang ko masyado lalo na't ako lang naman ang tinutulungan niya tapos ay sasabihan ko pa ng ganoon...

Totoo naman kasi!

Napasabunot ako sa buhok nang hanggang kinaumagahan ay iyon ang nasa isip ko. Great. Isang araw palang kaming magkasama, pakiramdam ko'y hirap na hirap na ako agad pakisamahan siga. Bahala ka, Amaryllis, kapag pinatalsik ka niyan dito sa rest house, kasalanan mo.

Pinusod ko ang buhok ko matapos mag-hilamos. I went out of my room. Ayon sa orasan, 6AM palang. Usually at that time in the hospital, maabutan ko si Aster sa kwarto na magdadala ng pagkain.

I wonder if they're going to visit here. Wala akong any terms of communication sa kanila ni Adalius at nakakalungkot na hindi ko manlang sila makamusta matapos ang kabutihang ipinakita sa akin.

Maaga palang ay nasa pwesto na agad ang mga bodyguards. Hindi ko nga alam kung natulog ba sila or iba sila sa mga nag-babantay kahapon. Para kasing pare-pareho sila sa paningin ko dahil sa uniform na suot at pare-pareho ding cut ng buhok.

"Good morning!" masigla kong bati sa isang bodyguard na nakasalubong. Sumulyap siya sa akin at tumango bago naglakad muli.

I pouted. Pinagbawalan kaya silang mag-salita? Hindi ba sila napapanisan ng laway?

Dumiretso ako sa kusina para uminom sana ng tubig. Pero naabutan kong naroon na si Alistair at ang chef na si Andre. They were talking about something. Alistair looks annoyed as Andre teased him. Natigil lamang sila nang mapansing dumating ako.

Ngumisi si Andre sa akin. May hawak-hawak pa itong sandok, mukhang may niluluto. "Good morning, Amary!"

Ngumiti ako ng tipid. "Good morning din. You're cooking?"

Kinurot ko ang palad ko dahil sa tanong. Obviously, Amary! He's cooking! Ano naman ang pag-gagamitan niya ng sandok kundi ang pag-luluto.

"Oo," Andre chuckled. "Breakfast."

"Morning..." singit ni Alistair. Napasulyap naman ako sa kanya. He's now sitting in his usual spot at the dining table, staring at his cup of coffee with his jaw clenched.

Kung makatingin sa kape ay parang may galit pa doon. Narinig ko ang mahinang paghagikgik ni Andre.

"Morning..." malumanay kong sabi kay Alistair bago dinirekta muli ang tingin kay Andre. Ngumiti sa akin ang chef at pinagpatuloy ang pag-luluto.

"Do you need any help?" Tanong ko. Nag-buhos siya ng itlog sa frying pan.

"Hindi na, Amary. Kaya ko na 'to?"

"Pwede ba akong manood?" I asked politely. Mahinang natawa si Andre. Sumulyap siya sa banda ni Alistair bago bumaling muli sa niluluto. "Oo naman, Amary."

"I do not know if I'm a good cook," sabi ko habang nakatitig sa niluluto niya. "But can you teach me how? Habang wala si Winona ay wala rin akong gagawin at makakwentuhan. Maybe I can learn how to cook while I'm here."

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon