Chapter 9

241 17 2
                                    

Chapter 9
Close

"Where's Alistair?" I looked up at Adalius when I noticed that his brother isn't around. Umalis nanaman kaya ito?

Nakahanda na ang mga ulam sa hapag at sigurado akong si Andre ang nag-luto noon. Pero kahit si Andre ay wala para samahan kami sa pag-kain. It's only me, Adalius, and a man whose name I don't know. Bago ang mukha nito at tila hindi natutuwa na makita ako.

"May sinagot lamang na tawag pero babalik din 'yon," aniya. I simply nodded in response.

Napaisip tuloy ako kung ano talaga ang pinagkakaabalahan ni Alistair sa buhay. I don't know much about him. Kahit sa aking nagbalik na mga ala-ala, masyadong mababaw ang alam ko sa kanya. I only know he's a playboy, and that I hate him to the core because he likes to tease me. Hindi maganda ang iilang interaksyon namin noon. Pero dahil kumpirmado ko na magkakilala kami, naiintindihan ko kung bakit niya ako tinutulungan ngayon.

What I can't understand is why he trusted so hard that I wasn't the person who killed my father. Sa aking memorya ay wala akong naalalang naging bayolente ako ngunit ilang taon na ang lumipas simula nang mag-debut ako kaya maaaring maraming nangyari bago ang trahedya.

"Let's eat?" ngumiti si Adalius sa akin. Tinitigan ko naman ang aking plato at saglit na nag-isip kung hihintayin ko si Alistair para sabay na kaming kumain. Baka mamaya kasi'y matapos na kami lahat tapos ay mawalan siya ng kasabay.

"This is Alistair's girlfriend?" the unfamiliar man asked from a corner. Inangat ko ang tingin sa kanya. Nakahalukipkip ito't sinusuri ako.

"Uh, hindi po!" agap ko agad dahil siguradong ako ang tinutukoy niya. Ngumisi ang lalaki at umiling. "I won't be surprised kung sa susunod ay ibang babae na ulit ang narito."

Ibang babae? Bigla akong nakaramdam ng pait sa kanyang sinabi. May ibang babae pa na dinadala si Alistair dito, kung ganoon? Why am I even surprised...

"Don't feed her with unnecessary things, Pierce. Wala akong ibang babae na dinala dito bukod sa kanya." Napatuwid ako ng upo nang mag-tama ang tingin namin ni Alistair na kararating lang. Mukhang nakaligo na ito dahil sa basa pang buhok at nakapatong na towel sa balikat.

Ilang hakbang lang ay nasa gilid ko na siya, "Good morning, Amary."

"Morning..." iniwas ko ang aking tingin. Hinila niya ang upuan sa tabi ko at umupo roon. Ang kanang hita niya ay nakadikit sa likod ng silya ko habang ang kabilang hita ay halos dikit na sa kaliwang thigh ko.  He's way too close!

Pinilig niya ang kanyang ulo para titigan ako. Pinilit ko namang huwag mag-tama ang tingin namin dahil abot abot ang tahip ng dibdib ko.

"Well, the last time, we are protecting Axis's girlfriend. And now, your girl?" singhap noong Pierce. "Sino naman sa susunod? Girlfriend ni Adalius tapos ni Aster?"

Si miss Adaleah ata ang tinutukoy niya. She was protected by the Croix as well?

"How's your sleep? Remember anything yet?" he asked me playfully. Inignora lamang ni Alistair si Pierce na tila invisible ang presensya nito. This brute!

Sumimangot ako dahil alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko pa din nakakalimutan ang sinabi niya kagabi na kung naalala ko daw ba ang aming first...kiss. At first...

Uminit muli ang pisngi ko at marahas na hinablot ang mga kubyertos para magsimula na ring kumain.

"Wala akong girlfriend kaya 'wag kang mag-alala," natatawang sagot ni Adalius kay Pierce.

"She may be a spy," sabi noong Pierce. Kumunot ang noo ko habang nag-sasalin ng hotdog sa aking plato. Hindi ko naintindihan kung bakit magiging isa akong espiya. May tinatago ba ang mga Croix?

Beauty and DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon