TEASER

280 21 18
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place and events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in reviews and certain other non-commercial uses permitted by copyright law.

•••

Nakakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa bahay na 'to. I was actually thinking twice kung tama nga bang bumalik pa 'ko rito. They treated me like a trash. They get my life even more f*cked up.

Naging mabuti ako sa kanila, lalong-lalo na sa anak niya. Nakisama ako. Pinilit ko kahit na hirap na hirap ako, dahil hindi naman ako sanay na inuutusan nang inuutusan.

My Mamá raised me like a princess. Talagang sampal na sa pagmumukha ko ang ginawa nila. I let them trampled my personality 'cause I want a complete family for my baby.

For my son...

I want a complete family for him. Gusto kong ibigay sa kaniya lahat ng bagay na wala ako. My life was complete, kung kilala ko ang Tatay ko. But I don't know him—not even his name.

Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya, kung bakit hindi namin siya kasama since then. I badly want to know him. That's one of the reason kung bakit ako nagpaalam na lumabas ng Paraiso.

Pero mukhang malabo nang mangyari ang pangarap ko, dahil wala palang kuwenta ang taong napili ko. I was scammed. Sean was no good.

Bahagya akong napahawak sa railings ng gate nila, dahil napaiyak akong muli. Hindi ako makapaniwalang magagawa niya sa akin 'yon. I trust him. I confide in him. But little did I know, binababoy niya na pala ako.

Mga baboy sila...

Pinahid ko ang luha ko. Kailangan ko nang makaalis dito, kaya kukunin ko na ang importante kong gamit. I have to go back in Paraiso, may importante akong ibabalita sa kanila.

I saw her! Hindi ako p'wedeng magkamali. Nakita ko na siya kanina! Kaya kailangan ko nang makauwi para masabi ko kina Mamá. Hindi ko kasi siya nahabol kanina, dahil ang bilis niyang maglakad. I could not run, 'cause I am pregnant. Makakasama 'yon sa baby ko. Siya na lang ang mayroon ako ngayon.

Pumasok na ako sa loob. This must be my last day here, kaya susulitin ko na. I'm gonna show 'em na mali sila nang binangga. Don't me! Just don't mess up with any of us. Hindi nila kilala ang pamilya ko. Hindi nila alam kung paano kumanti ang mga Guerrero.

Iniiwasan kong makarating kina Abuelo ang ginagawa sa akin ng pamilyang 'to. Sigurado kasi akong magagalit sila once na malaman nila. Ayaw ko naman dahil kay Sean, 'cause I thought okay siya. Si Tito Raymond na nga lang ang tinitignan ko eh, pero dahil sa nalaman ko about kay Sean and Mina hindi ko na alam kung kaya ko pang pigilan ang galit ko.

May relasiyon sila...

Kaya pala panay ang comment ni Sean sa mga post niya!

Sobrang sama ng loob ko, kasi 'yong sinend kong picture ng baby namin hanggang ngayon hindi pa niya sini-seen. Ang lakas pa ng loob niyang mag-party ro'n habang ako nandito, hirap na hirap makisama sa Nanay at Ate niyang demonyita.

Mierda...

Nagsimula na akong maglakad. Talagang umiinit ang ulo ko kapag nakikita ko ang bahay na 'to. Parang gusto kong sunugin.

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon