Chapter 617: FUTURE PLANS

75 10 0
                                    

🏰DARLENE🏰

I just can't understand Mama lately. We are suppose to have fun today, dahil plano naming mag-bonding, kaya lang heto na naman siya at nangangarag na umuwi. Someone called her and after that she became flustered. Sinabihan niya kami na magmadali na dahil uuwi na raw kami. May lakad daw kasi siya.

Inis na inis ako ngayon, dahil nasira ang momentum namin. Ang saya-saya na namin kanina, pero naudlot na naman. Gusto ko lang naman magsaya kami, dahil ilang araw na kaming nase-stress sa mga bagay-bagay. 

"Next time na lang tayo," sabi ni Mama. Nakahalata yata siya na badtrip ako sa kaniya, kaya sinabi niya 'yon pampalubag ng loob.

Hindi ko lang maintindihan kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya at kailangan niya pang unahin 'yon kaysa sa amin. Dati-rati naman hindi siya gano'n, lagi niya kaming inuuna. Ngayon, tawagan lang siya iiwan niya na kami basta-basta.

"Oh? Akala ko uuwi na tayo? Ba't hindi tayo lumiko?" Napalingon si Darylle sa likuran nang dumiretso kami ng daan. Dapat kasi liliko na kami ro'n pakanan, pero nakadiretso lang si Mama.

"Nakalagpas tayo 'Ma," inis kong sabi, dahil hindian lang siya natinag. Pati sa pagmamaneho wala na sa sarili. "Ako na nga ang magda-drive."

"Alam ko ang ginagawa ko. Maupo lang kayo diyan."

"Saan ba kasi tayo pupunta? I thought we're going home?"

"Sa Tito David niyo, doon muna kayo."

"What?!" sa sobrang gulat ko ay napalakas ang boses ko. "Bakit naman?" I tone down my voice when I saw Mama giving me a dagger look.

"Tanong na naman," reklamo ni Mama.

Nagkatinginan na lang kami ni Darylle. There she goes again—keeping a secret from us. She isn't like this before. Lahat ng bagay tungkol sa pamilya namin ay updated kami. Ultimong sa pera na kinikita at nagagastos namin sinasabi niya, kaya naninibago talaga ako ngayon.

Bumabalik na naman siya sa dati, gaya noong nagtatrabaho pa siya. Lagi siyang wala noon at hindi talaga sa amin umuuwi—minsan lang. Nakasama lang namin siya noong namatay na si Papa.

A sudden pang of pain hits me, 'cause it seems like something is missing again in this family. Me and Darylle are fine. In fact, our relationship as sisters is getting stronger as we get old. Si Mama ang nagiging problema naming dalawa. I don't know if she's being distant o talagang may iba lang siyang pinagkakaabalahan.

We arrived safely at Tito David's house. I know we are welcome here anytime. Still, I'm not comfortable 'cause I know Mama is leaving. Alam ko rin na magtatagal siya, kasi kung saglit lang siya malamang wala kami rito ngayon.

Niyakap kami nila Tito dahil talagang natutuwa silang makita kami ulit. Wala na raw kasi si Alex, kaya ngayon na lang ulit may bumisita sa kanila. Maging ako ay natutuwa rin, kasi alam kong magiging masaya ang pag-stay namin dito.

Pero paano namin 'yon gagawin? Kung maski pupuntahan ay ayaw sabihin ni Mama? Paano kami matatahimik? Akala niya ba madali lang para sa amin ang tumunganga at maghintay?

Nangyari na 'to noon. Wala kaming kaalam-alam na mamamatay si Papa, kaya talagang nagulat kami ni Darylle nang mawala siya. 'Yan ang ikinatatakot ko ngayon, na baka maulit naman kay Mama.

Yes, malalaki na kami pero marami pa rin kaming dapat matutunan mula sa kaniya. Hindi pa namin kayang mabuhay na kami lang, kaya nga iniingatan din namin siya. Pero si Mama mismo ang nagpapasakit ng ulo naming dalawa.

"Ano'ng gusto niyong kainin mga ANAK?" Tawa na naman nang tawa si Tito Morgan, dahil naasar niya na naman si Mama. Maging kami man ay natutuwa sa katarantaduhan niya. Literal na 'happy lang' ang motto niya sa buhay.

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon