Chapter 616: POOT

75 13 1
                                    

🏰ALEX🏰

Kanina pa ako pasilip-silip, dahil parang baliw si Mamaw na patakbo-takbo lang doon. Parang nakita naman niya ako kanina, pero wala naman siyang ginawa, kaya nag-alangan ako kung nakita niya ba talaga ako o guni-guni ko lang. Para kasi siyang si Mamaw na hindi, na parang si Mamaw talaga.

Naguguluhan na 'ko!

Gusto ko nang lumabas doon, pero hindi kasi ako sigurado kaya panay pa rin ang silip ko sa labas. Nang makita kong palapit na si Mamaw ay tinitigan ko talaga. "Si Mamaw talaga..." sabi ko habang nakatingin sa b**bie niyang nakasilip din yata sa akin. "Ded* niya 'yon eh!"

Napatayo na ako, dahil buo na ang loob ko. Lalabas na talaga ako. Nagmamadali akong naglakad papunta sa hagdan, kaso naalala ko na baka hindi ako payagan. Napailing ako at napaatras.

Naalala ko rin sila Mommy. Ayaw kong umalis nang walang paalam, pero alam ko naman na 'pag nagpaalam ako ay hindi ako papayagan. 'Yon kasi ang sabi ni Tanda sa kanila, kaya malamang ay susunod din sila ro'n.

Pumasok ako sa loob ng kuwarto ni Kuya Luke para maghanap nang masusulatan. Gagawa na lang ako ng excuse letter, para hindi ako ma-absent-an sa party mamaya.

Hehehe...

Nagpaalam ako na aalis at babalik na lang kung mali ako, kahit na sure naman akong si Mamaw 'yon. May plano naman akong bumalik, dahil 'yon sa mga chicken na posible kong makuha mamaya. 

Mabigat ang loob ko habang gumagawa ng paraan para tumakas. Ayaw ko naman kasing gawin 'to, pero kailangan eh. Naisip ko kasi na baka may bago ng baby si Mamaw kaya hindi na niya ako pinapansin. Hindi ko hahayaan na mangyari 'yon, dahil baka sa iba mapunta ang mga pera niya. Napakarami pa naman niyang wantawsan.

Napansin kong may paakyat kaya
nagtulog-tulugan na lang muna ako. Nang maramdaman kong wala ng tao ay itinuloy ko na ang plano ko. Doon ako sa may kuwarto ni Kuya Luke lumabas ulit, gaya no'ng ginawa ko noong nagpunta ako rito dahil sa damit.

Hindi ako nahirapan, dahil papatay-patay ang mga bantay. Palibhasa tirik na tirik ang araw, kaya naman hindi nila aakalain na may pupuslit, at ako na nga 'yon.

Habang naglalakad paikot sa kabilang street ay tatawa-tawa ako. Malapit ko na talagang mapagkakitaan ang galing ko sa pagbaba at pagtakas ng bahay. Parang gusto ko nang magtayo ng 'akyat-bahay gang', pero ang nanakawin namin ay mga chicken lang naman.

Chicken lang talaga, promise!

Umikot ako sa kabilang street dahil baka makita ako kung doon ako dadaan. Sumilip ako sa street nila Luke matapos kong umikot. Natanaw ko ang babae na pinaghihinalaan kong si Mamaw na pumasok sa loob ng bahay. Dahil ako ang bida rito ay sumunod ako sa kaniya. Iniwan niya kasing bukas ang gate na parang hinahantay talaga akong pumasok.

"Hu—" Balak ko sana siyang gulatin, pero ako ang nagulat nang biglang may tumakip sa bibig ko. Halos mahilo-hilo ako sa amoy ng panyo na gamit ng babae, hanggang sa hindi ko namalayan na natulog na ako dahil sa sobrang baho. 

Ramdam ko ang bigat ng ulo ko nang magising na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung paano nangyaring napunta ako rito sa pamilyar na kuwarto. Namukhaan ko kasi ang chandelier nito. Gano'n na rin ang lambot, lamig at amoy ng kuwarto na minsan ko nang natulugan.

Napabangon ako at doon ko nakita nang tuluyan kung nasaan ako. "Mamaw?" Napatingin ako sa pangit na nakaupo sa upuan na nasa tapat ng kama ko. "Mamaw!" Napatayo ako at nanakbo papunta sa kaniya. Kumalong agad ako, dahil baka layasan niya na naman ako. "Sabi ko na nga ba, ikaw 'yon eh!"

Walang mapaglagyan ang saya ko, dahil nakita ko siya ngayon. Sa wakas ay kasama ko na siya, kaya hindi na ako malulungkot ulit.

"Kumusta ang tulog mo?" malambing niyang tanong sa akin. Pinagki-kiss-an niya ako sa cheeks kaya napatili ako. "Ang landi naman."

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon