Chapter 637: LAST NIGHT

82 7 1
                                    

🏰SHANE🏰

I was staring at my phone, while thinking if I would say yes to Tally's invitation or not. I am actually hesitating, because of the story that she told me the last time we met. Hindi ko na siya kilala, kaya natatakot ako na baka may kung ano siyang binabalak sa akin.

What if, galit pala siya sa akin? I mean, up until now is may hinanakit pa rin? What if lang naman...

Hindi ako makapag-decide, dahil aaminin kong natatakot ako sa kaniya. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthink, dahil ang tagal na naming hindi nag-uusap tapos nagkita lang kami no'ng nakaraan, and now parang gusto niya na ulit makipag-close.

Fishy, right?

"God this is frustrating..."

"Shane?"

"Daddy?" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko sa sobrang gulat.

"Hindi ka pa uuwi? You can go home, take a rest."

Napangiti ako habang tinatapik ni Daddy ang likuran ko. Yumapos ako agad sa kaniya and do'n ko naramdaman ang relaxation na need ko.

"Daddy... I don't know what to do anymore."

"'Wag mo nang isipin si Sean, hayaan mo na siya."

"It's not about him, Dad." Nasanay yata siya na ang kapatid ko na lang ang pinoproblema ko, kaya naman 'yon agad ang nasabi niya.

"About a guy? May nanliligaw na ba ulit sa 'yo?" pabiro niyang tanong.

"Dad, ayaw ko nga..."

"I was just asking."

"Ayaw ko mag-boyfriend." Napairap ako nang hindi ko namamalayan. "It's about Tally. You still remember her?"

"Tally..? Tally..?" He kept on saying her name habang inaalala ang taong sinabi ko.

"Portman," I said the clue.

"Ah, the blonde girl."

"Yeah, the blonde b*tch girl."

"Watch your mouth."

"I am," I nodded. "Sorry, hindi ko sinasadya."

"It's okay, 'wag mo na lang ulitin. Oh, what about her? I thought you're not in good terms?"

"Right now, I think we're good?" Maski ako, hindi ko rin sigurado kung ano ang lagay naming dalawa.

"That's great, you used to be so close before. Maganda 'yong maging okay kayo ulit."

"She was inviting me, kaming dalawa lang."

"Tonight?"

"Yup," I nodded.

"Go, puntahan mo anak."

"Dad, I'm confused." Napabitaw ako sa kaniya at napabalik ng upo sa upuan ko.

"Confused? Saan?"

"Sa kinikilos niya," I said exactly. Sinikap kong mag-focus, dahil baka maikanta ko ang secret na sinabi sa akin ni Tally last time. Kahit naman gano'n 'yon, pinagkatiwalaan niya pa rin ako, so I should keep her secret a secret no matter what. "Bigla niya na lang kasi akong niyaya."

"Malay mo, that's her way of saying sorry. May mga tao talagang hindi expressive, kaya sa ibang paraan nila ipapakita."

Napakurap ako, 'cause I know hindi niya maiintindihan ang nararamdaman ko, dahil hindi niya naman alam ang kinuwento ni Tally. But for sure, kung alam niya 'yon ay hindi niya ako papupuntahin.

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon