Chapter 630: LUTO-LUTUAN

57 10 2
                                    

🏰ALEX🏰

Muntik ko nang akalain na fiesta ngayon dito sa amin, dahil sa sobrang dami ng pagkain. Talagang hindi magkandaugaga ang mata ko sa kakatingin sa mga pagkain na hindi ko alam kung kaya ko bang ubusin o saang parte ng katawan ko ilalagay, dahil lahat nga ay gusto kong malasahan.

Titikman!

Nang magising ako kanina ay si Mama ang una kong nakita, sabi niya kanina niya pa raw ako hinihintay dahil marami nga raw siyang pinahanda. Kaya naman matapos kong maghilamos ay dito na agad kami dumiretso, at hindi naman ako binigo ni Mama. Hinigitan niya ang expectation ko!

"Mama, birthday ko ba?" Napangiti siya nang malawak dahil sa naging tanong ko. Natatawa na hindi mo maintindihan—'yan ang reaksiyon niya. "Birthday mo 'no? Happy birthday!" Mabilis akong yumakap sa Mama ko, kaya naman napatawa siya nang malakas.

"No, it's not." Gigil niya akong hinagkan. "I'm just happy, 'cause we're finally complete."

"Dapat pala lagi tayo complete para marami laging pagkain!"

"Yeah, that's right." Ipinaghila niya na ako ng upuan. "Let's go princess, have a seat."

"Bakit princess?" Hindi naman ganiyan ang tawag niya sa akin.

"'Cause you look like a princess?"

"Weh? May pangit bang prinsesa?"

Nag-aalangang tumitig sa akin ang Mama ko. "You?" patanong niyang sagot, kaya natawa ako.

"Ang ganda mo pala magbiro Mama, sarap mo hambalusin!" Mabilis kong natakpan ang bibig ko, dahil hindi ako nakapagpreno. "Joke lang!" biglang kabig ko, bago pa ako makatikim nang hindi maganda.

"Hay naku, kaugali mo ang Mamaw mo." Nakangiti niyang pinisil ang ilong ko, kaya medyo kinilig ako. Buong akala ko kasi sasapukin niya ako, dahil sa sinabi ko. Kung ako kasi ang sinabihan ng gano'n, sapok ka kaagad sa akin kahit bagong kita lang natin.

"Okay lang po ba?" Nagkunwari pa akong handang magbago para lang sa kaniya, kahit na ang totoo #balakayojan ang motto ko.

"Na alin?"

"Na cute lang ako, 'tsaka malikhaing baby? 'Yon lang ambag ko sa Earth?"

"Kumain ka na nga, pasaway ka."

"Subuan mo po ako, MAMA."

Hindi naman sa nagiging abusada, pero parang gano'n na nga. Gusto ko lang magpaka-baby, para naman makabawi kaming pareho. Sa ganitong paraan, mararamdaman niyang may baby pa rin siya.

"Come here," inilapit niya nang husto ang upuan ko sa tabi niya, kaya naman abot kamay ko ang pangarap. 

Masaya kaming nag-agahan dalawa, dahil sa pagkakataong ito ay hindi na ako pumayag na hindi siya kumain. Hindi naman kasi ako naniniwala na mabubusog siya kapag kumain ako. Ano 'yon? Sa tiyan niya napupunta kinakain ko? Meganon?!

"Mama ah," utos ko. Siya naman ang sinusubuan ko, para masiguro kong makakakain siya nang maayos. "Kumain ka nang ma-many."

"Anak, busog na 'ko."

"Hindi, p'wede," pinandilatan ko siya ng mata at isinalpak ang kutsara sa bibig niya. "Last na 'yan, promise." Kinindatan ko siya kaagad, para mawala na ang inis niya kung mayro'n man.

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon