Chapter 650: LIBRE

62 7 0
                                    

🏰GEORGINA🏰

"Let's go!" ani Kendrick bago namin sinimulan ang pagkain dito sa mga niluto niya. Talagang hinantay muna namin na maluto 'yon bago kami kumain. Mas masaya kasi talaga 'pag sabay-sabay.

"Kanina pa ako nagugutom," sabi ni Cassey na naunang kumuha.

"Ayan na nga 'te oh, luto na nga mahal na Prinsesa."

"Sarap..." aniya.

"Galing ko 'no?" Naupo na si Kendrick at sumabay na sa aming kumain.

"Thank you," sabi ko, dahil libre niya 'to plus siya pa nagluto. Talagang kina-reer niya ang pagiging good samaritan ngayong araw.

"Thank you, napakabwongga mo," sabi ni Cassey bago kami bumeso kay Kendrick. "Sarap be, sarap pala rito."

"Ako kasi nagluto niyan," pagmamayabang niya. Kahit sino naman ang magluto eh same pa rin ng lasa dahil pare-pareho naman 'yan. "'Wag niyong biglain," paalala niya. "12 to 12 pala ha?" basa niya sa nakalagay sa screen, that means 12 ng tanghali bubukas at 12 naman ng madaling araw magsasara. "Sige, hanggang 11:59 kami rito."

Natawa kami sa sinabi niya kaya muntik na akong mabilaukan. Mabuti na lang at nakakuha na ako ng panulak bago pa kami maupo rito.

"Wait ako na magsasalang ng iba," presinta ko. Habang nagluluto ay panay din ang kain ko.

"Ante, 'wag kang masiyado sa rice, hindi tayo makakarami niyan," saway ni Kendrick kay Cassey.

"Mas masarap kasi talaga 'pag may kanin."

"Okay lang 'yan, hanggang 11:59 naman tayo rito 'di ba?" sabi ko. Pati ang mga nasa tabi namin ay natatawa sa amin.

Sobrang dami ring tao ngayon dito, karamihan ay mga estudyante rin na mukhang ginawang habit ang pag-gala at pagkain tuwing Biyernes.

Nakailang pa-refill pa kami sa mga crew bago kami nahinto at nagpahinga sa pagkain. Hindi ko namamalayan ang oras, dahil talagang ang saya kumain kapag may kasama. 'Yon nga lang, puro kami tawanan kaya ang ingay talaga namin. Partida, tatlo palang kami nito, lalo siguro kung magkakasama na kaming lahat.

"Wala pala akong pambayad," maya-maya pa'y sabi ni Kendrick.

"Lintek ka," sabi ko sa kaniya, kaya natawa naman siya. I know nagbibiro lang 'yan.

"Ate," tawag niya sa crew na agad namang lumingon. "'Di pala masarap, babalik na namin."

Nakatawa namang lumapit ang babae. "Yes po?"

"Isa pa po," nahihiyang sabi ni Kendrick. "Pasensiya ka na Ate, kain kargador ang mga kasama ko. Nagdadalang dinosaur kasi ang mga 'to."

"Okay lang po," sabi ng babae bago umalis dala ang tray. Agad naming sinet up ang lutuan para sa panibagong round. "Ito na po..."

Ako na ang nag-abot no'n at nagsalang nang panibago. Nanghingi rin kami ng iba pang side dish, para mas masaya ang buhay. Si Kendrick naman ang nag-refill ng mga drinks. Sabay pa kaming nag-react ni Cassey dahil napansin namin na wala na siyang uniform, naka-shirt na lang at bundat na ang tiyan. Lalo akong natawa, dahil talagang rumampa pa siya kahit dalawang baso na ang hawak.

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon