Chapter 598: HEART TO HEART TALK

103 13 2
                                    

🏰CLARISSA🏰

Walang tigil sa kaiiyak si Mamá mula nang makauwi kami. Inasahan ko nang hindi siya magiging maayos, pero hindi ko naman akalain na literal na walang tigil na pag-iyak ang gagawin niya.

Awang-awa na ako sa kaniya, pero wala kaming magawa para matulungan siya. We did our best to find her, but unfortunately it was not enough, dahil hindi naman kami nagtagumpay. Wala kaming Alex na naiuwi, and worst, hindi na namin alam kung nasaan siya. Even Glydel had no idea where she is. Mukha namang nagsasabi rin siya nang totoo, dahil hindi naman 'yon magpapagod para sa wala. Ni ayaw niya nga ring umuwi kanina, pero wala ring nagawa dahil si Abuelo na nagsabi.

Alam kong abot langit na ang sakit na nararamdaman niya, dahil magpasahanggang ngayon ay pinahihirapan pa rin siya. Kung ilang taon na ako, gano'n na katagal ang paghihirap niya o baka nga mas higit pa dahil namatayan pa siya ng asawa. Kaya bilib pa rin ako sa tibay niya, dahil kahit gaano kahirap at kasakit ang pinagdaraanan niya, nananatili pa rin siyang matatag.

"Mamá, ayaw mo bang kumain?" Iling lamang ang isinagot niya sa akin. "Juice? Ayaw mo rin?" Kailangan magkalaman ang sikmura niya.

"Wala akong gana, anak." Nagpalit siya ng posisyon nang pagkakaupo. Nakatulala lang siya at nakatanaw sa malayo. Batid kong napakalalim nang iniisip niya ngayon.

"Mamá, hindi p'wede, baka manghina ka niyan."

"Wala talaga akong gana."

Tinabihan ko na lang siya, dahil alam kong kailangan niya ng karamay. Sa pagkakataong ito, ako lang ang p'wede, dahil hindi naman 'to gagawin ni Abuelo. He wasn't expressive since then, so we're used to it, that's why we weren't expecting him to comfort any of us whenever time was rough for us.

"You'll be fine, Mamá." Tinapik-tapik ko ang likod niya. Hindi ko na matandaan kung kailan ako naging malapit sa kaniya nang ganito. Hindi kasi ako umuuwi ng Paraiso, kaya hindi rin kami nagkakasama.

Umusod siya palapit sa akin, bago isinandal ang ulo sa balikat ko. "I am sorry, kung nadadamay ka." Muli siyang naluha, kaya nakaramdam ako nang kakaibang bigat sa loob ko. Nag-init agad ang mga mata ko. "Sorry rin kung hindi kita naaalagaan."

"Okay lang po, naiintindihan ko naman." Pati ako ay nahawa sa lungkot niya. Naalala ko kasi kung gaano ka-unfair ang treatment niya, pero naiintindihan ko naman eh. Hindi niya ako anak, kaya iba talaga at hindi kailan man magiging patas para sa akin.

"Hindi, alam ko minsan nagtatampo ka na sa akin. I know sometimes sobra na 'yong pagiging unfair ko."

Hindi ako nakaimik, at napayuko na lang din. Pilit ko mang pigilin ang luha ay hindi ko magawa, kusa itong tumutulo pababa. Matagal ko nang ikinukubli ang sakit mula pa noong magkamuwang ako, pero ngayong araw mukhang mailalabas ko na.

"Hindi ako naging mabuting Nanay sa 'yo. Hindi ako patas."

"Normal lang 'yon," pagtatanggol ko sa kaniya. Ayaw ko nang dagdagan ang sakit na nararamdaman niya. Aminado siyang hindi siya patas at sapat na sa akin 'yon. Gaya nga nang madalas kong sabihin, naiintindihan ko siya. Kahit ako naman ang nasa katayuan niya ay gano'n din ang gagawin ko. Iba pa rin talaga kapag alam mong galing talaga sa 'yo.

"Pero kinulang ako, Clarissa."

Umiling ako, dahil nakaramdam ako ng hiya bigla. Hindi siya dapat nakakaramdam ng konsensiya, dahil lang hindi ako napalaki nang maayos, kung tutuusin ako ang dapat mahiya. Ako ang may utang na loob. "Hindi ka kulang, sumobra ka pa nga, kasi kahit hindi mo ako anak pinalaki niyo pa rin ako nang maayos."

HIM & I [SEASON 4] (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon