CHAPTER 9

10 0 0
                                    

Kyla's PoV

12am na nang makauwi kami galing sa race. Pabagsak akong nahiga sa kama at ngingiti-ngiti na parang tanga. I kept touching my lips, because I keep on feeling his lips. Every time I remember how his lips touched mine, napapangiti ako na parang wala nang bukas. Paikot-ikot pa ako sa kama, para akong nagiging uod na inasinan, nagtataasan pa ang mga balahibo ako, at parang naiihi ako sa kilig. I've never felt this before.


Ganto ba kapag may nakaagaw na ng unang halik mo? Nabubuang ka na?


O sadyang ginayuma niya lang ako kaya ako nagkaganito?


Napabangon ako sa naisip kong iyon. 


"Oo! Ginayuma niya lang ako! Nakoooooo!!! Nahulog ako sa patibong niya." Mangiyak-ngiyak na sambit ko. Kapag nakita ko talaga ang lalaking iyon, ipapatikim ko sa kaniya ang kamao ko. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang sala, wala sila roon. Pumunta ako sa kusina pero si Matthew ang natagpuan ko roon. Nagtitimpla siya ng gatas at coffee.


"Matthew? Have you seen Aaron?" Tinignan muna niya ako bago tumalikod muli sa akin at ituloy ang ginagawa niya.


"He went out with Kenneth." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang iyon. 


Oh my gawd... d-don't tell me...


"Matthew!" Lumapit ako sa kaniya at napaluhod. 


"Kyla, kingina, 'wag mong hawakan pwet ko!" Tinulak niya ako palayo. 


Pati si Matthew, tinatakwil ako..


"Matthew... b-bakit umalis sila Aaron?" Umiiyak na tanong ko. Tinulak niya nanaman ako nang tangka ko siyang kakahawakan.


"Aba malay ko! Asawa mo 'yon, ikaw dapat nakakaalam. At bakit mo ba sa akin hinahanap 'yung lalaking 'yon? Tawagan mo kaya siya?" Mas lalong naluha ang mata ko. I felt a pain in my chest as my heart clenched.


"M-matthew... makinig ka sa akin." I held his hands while kneeling down. "Kahit ano mang mangyari... a-alagaan mo ang sarili mo at si Kylie." Tinignan ko maiigi ang mukha niya, nakakunot ang noo niya at parang nandidiring nakatingin sa akin. 


"Kyla, diyos ko, nababaliw ka na ba?! A-ano bang pinagsasasabi mo?! Uminom ka na ba ng pampakalma?" Tinulak niya na naman ako.


I don't have any other choice but to tell him the truth.


"Matthew... ginagayuma niya ako." I said without looking at him.


"...What?" He asked. I stood up and looked at him straight in the eye.


"Si Aaron.. ginagayuma niya ako. I found it out kanina lang. Kaya pala gano'n nararamdaman ko pagdating sa kaniya, ginayuma niya ako. Tuwing nakikita ko siya... bumibilis ang tibok ng puso ko. Kapag naririnig ko ang boses niya, na-eexcite ako. Tuwing malapit siya sa akin, hindi ko ma-control ang sarili ko. Tuwing wala siya sa paningin ko, kumikirot ang puso ko. Kapag nakikita ko siyang may kausap na ibang babae, gustong pumatay ng kamay ko. Lahat ng ito, dulot ng gayuma---" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang reaksiyon ni Matthew. "A-anong nginingiti-ngiti mo dyan?" 

Things I've Never Done [On-Going]Where stories live. Discover now