05

25 1 0
                                    

Demira

“Ayan buti ay sukat sa iyo ang damit ng anak ko,” sabi ni tita habang tinitignan ang damit na suot ko.

Pinasuot nya kasi sa akin ang damit ng anak niyang babae. T-shirt at pajama eto, komportable naman suotin at hindi naman din ako maarte para mag reklamo.

Nai-drayer ko na ang damit ko nabasa at naisampay ko na din. Kapag natuyo iyon, ay magpapalit na ako. Kasalanan 'to ni Zion kung hindi niya lang tinutok yung hose sakin!

Ang cellphone ko, buti na lang at hindi nabasa dahil nasa likurang bulsa ko iyon.

Lumapit ako kay tita tsaka sinukbit ang kamay ko sa kanyang kanang kamay niya.

Habang tumatagal ay mas nagiging komportable ako sa tabi niya.
“Mom tara na po simulan na natin pagtatanim!”

“Tara na anak!” Masayang masaya ang ginang. Sabay din kaming lumabas ng kwarto. Habang ako ay nagtatalon habang naglalakad. I need to give some energy that can brighten tita's heart. I don't want to be like I can't handle anything.

Mukhang gabi na ako makakauwi nito ah. Siguradong dito niya pa ako pakakakainin.

“Mom ano pong seed yang itatanim niyo?” Tanong ko.

“Buto ng sili at okara ang nasa akin anak,” sagot niya.

Nandito na kami ngayon sa garden nila.

“Sige po, dun po kayo sa kabila at dito po ako.”

Naayos na namin ang pagtataniman tsaka nalagyan na namin ng lupa ang bawat styrofoam na aming tataniman. Mag s-seeding muna kami and after ng ilang linggo ay ililipat na ito sa tamang taniman para dun na lumaki.

Masaya kaming nagsimula ni tita. Kita ko sa mukha nya ang pag ka  saya sa aming ginagawa, sya ay pa-kanta kanta pa. Talagang masaya siya sa ginagawa namin. At ako din ay masaya.

Nakadalawang styrofoam na kami ni tita.

Nag-iingat akong hindi madumihan dahil ang suot ko ay kulay puti. Nakapusod din ang aking buhok para hindi makasagabal sa pagtatanim ko. Inayusan ko lang, naglaglag ng unting mga buhok upang maayos naman tignan.

Ilang sandali din ay natapos na kami.

“Ayan tapos na tayo mom. Tada!! Sana lumaki sila ng maayos!!!”

“Naku anak, halata sa kamay mo magaan ito.” Hinawakan nya ang kamay ko. “Lalaki sila ng maayos.

Naka-anim na styrofoam kami. Madami na din iyon kapag lumaki. Buto ng sili, okra at talong ang aming na itanim.

“Ang galing, madami tayong naitanim!” Aniya na mukhang masaya sa aming tanim.

Hinubad ko ang gloves ko tsaka itinabi. Pati ang mga gamit na aming nagamit ay itinabi ko.

Hawak ni tita ang bewang niya habang tumatayo. Ang likod niya rumurupok na.

“Mom kukuha lang po ako ng tubig at makakain sa loob, magpahinga po muna kayo.” Pawis na pawis na din kasi siya.

“Sige anak, 'wag kang matakot dyan ha, alam kong malaki ang bahay namin pero walang multo dyan.” Sabi nito, at naupo sa isang tabi.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba si tita o hindi. Pero hindi din naman ako takot sa mga multo. Hindi ako naniniwala sa mga ganoon.

“Opo mom,” sagot ko na lang.

Kumaway ako dito pagkatapos ay pumasok sa loob ng bahay. Malayo ang daan bago ako makapunta sa sala. Dahil galing pa ako sa likod ng bahay.

Acucena Series 1: Remedy Of PastOnde as histórias ganham vida. Descobre agora