10

7 1 0
                                    


"Irah, buti nandito na kayo." Sumalubong sa amin ni Kirk ng makabalik kami.

He looks worried. Is there's a problem??

Nasa veranda pa lang kami ng cabin ngayon.

"Why Kirk?" tanong ko agad. Hindi kasi sya mapakali.

"Emergency, kailangan kong bumalik ng manila. Bumigay ang isang building sa construction site at may na hospital na construction worker." Habang sinasabi niya iyon ay ramdam ko ang pag aalala nito.

Oh my god really?

Kailangan na naming bumalik agad ng manila.

"Edi tara na! Bumalik na tayong manila-"

"No Irah, you're staying. I know much you how love this vacation kaya nga plinano ko ito. Sayang din ang binayad natin kung uuwi din kayo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humarap sya kay Sanji.

"Sanji, isasama ko si Leo may ipapagawa ako sa kanya."

Sumama ang mukha ni Sanji sa sinabi ng kuya nya. "Kuya! Bakit mo isasama si Leo?" Pagalit na aniya.

Isinama nya daw kasi dito si Leo bilang pasasalamat kasi tumagal ito sa shop nya at naging kaibigan niya na rin. Hindi naman sya nakitaan ng masama ni Sanji kaya nagtitiwala ito at tinuring na siyang kaibigan.

"Kailangan ko sya ngayon. I'll pay him." Sagot ng kuya.

Nagpapadyak si Sanji sa harap. "Kuya naman e!"

Wala ng nagawa si Sanji kung hindi bumisangot. Niyakap lang sya ng Kuya nya pati na din ako.

"Sige na, sana makabalik pa ako. Enjoy your stay here, okay?"

Wala na rin akong nagawa. Hindi na din naman namin sya mapipigilan. Dahil alam naming mas kailangan sya ngayon sa site nila. Kailangan si Engineer Kirk.
Sana naman ay hindi masyadong nasaktan ang construction worker nila.

Sayang lang may isa pa kaming gabi na pag stay dito.

Hinatid namin sila hanggang sa entrance ng beach. Hinintay lang namin silang makasakay bago kami bumalik sa cabin.

Hindi namin alam kung nasaan si Zion at si Zyron. At ayoko na ding alamin. Ayoko muna silang makita sa ngayon. Dahil kami lang ang apat na naiwan dito ay magiging awkward kung magsasama pa kaming apat.

Naiinis pa ako kay Zion dahil sa 'di sinasadyang paghalik nito. Tapos si Sanji at si Zyron hindi din sila nag-usap dahil nga si Zyron ay nag-papanggap na walang alam sa nangyari sa kanilang dalawa.Tapos kami mag uusap? It would be awkward for us.

Ano yun? Iiwasan namin sila? Pero hindi pwedeng mag-iiwasan na lang kami dito, kasi kami na lang apat ang nandito.

Gosh, saan ba ako makakahanap ng peaceful! Sabi ko uuwi ako ng may ngiti sa labi. Pero ngayon hindi malamang, kaya ayoko silang makita e. Tsk.

"What are we going to do now, Demi?" Biglang tanong ni Sanji sa gitna ng aking pag-iisip.

"I don't know..nag-iisip nga ako. Anong gagawin natin sa kanila?" Tumigil kami dalawa sa gitna ng daan.

"Maybe we can bury them alive?" Gulat ang mukha kong humarap sa kanya.

Nagsimula na syang tumawa ng sigurong mapansin ang reaksyon ko.
"I was joking, okay?" she said, laughing.

Yeah.. I think she's joking. Hmp!

"Baliw, halika na nga!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Gagawin natin ang plinano ng Kuya mo, para naman ma-enjoy ko ang outing na 'to! " I said with a bitterness. Tsk! Kung nandito lang si Kirk at Oliver mas masaya!

Acucena Series 1: Remedy Of PastWhere stories live. Discover now