13

12 1 0
                                    

•|Errors Ahead|•

"Oh my gosh!" Dahil sa gulat at kaba ay napasigaw ako at napapikit. I was really scared. Nang imulat ko ang mata ko nakita ko si Zion. Seryoso itong nakatingin sa mga mata ko habang hawak ang braso ko. Si Zion ang humila sakin dito palabas ng comfort room. Why did he do that? Ano bang problema nya!

"Zion??" Bumitaw ako sa pagkakahawak niya.
Nakakainis bakit ba sya bigla-biglang nanghihila, natakot tuloy ako.

Ang reaksyon nito ay hindi nagbago.

"Let's go." Aniya. Gamit ang malamig na tono.

Saan naman kami pupunta?

"Let's go, ihahatid kita."

Ihahatid?

Anong pumasok sa isip nya at mag ala super hero ngayon?

"Ihahatid..?"

But I appreciate it even though ang weird na sa feeling ng ganito. Si Zion ang pangalawang lalaki ang nag ask sakin ng ganito, na ihatid ako. Syempre  sa tagal ng walang naghahatid sa akin. Si Kraze lang na kaibigan ko ang naghahatid sa akin minsan wala ng iba.

I'm also shocked when I saw the things he was holding, my phone and my bag. Kinuha nya iyon doon?

"Hey," nabalik ako sa ulirat ng alugin nya ang balikat ko.

"Oh my, let's go baka ano pa ang isipin nila.." Sabi ko ng pabulong tsaka hinila ang kamay nya palabas sa hallway ng comfort room. Pansin ko din kasi ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao sa amin. Akala mo naman ay may ginagawa kaming masama.

We found ourselves here in the parking lot. I almost forget to let go of his hand. Ang lambot kasi...

Hays no!!!

"Nasaan ang kotse mo? Tara na ng lalagkit na ako." I said with my irritating voice. Sino ba kasing hindi maiirita kung matapunan ka ng alak sa halos buong katawan mo.

"Easy.. we're here." He said then smile. His playful smile. He look so handsome with that smile. At sana palagi sya ngumiti kahit ganoong ngiti. Kahit itanggi ko man lalo syang gumgwapo kapag ngumingiti sya.

Napailing ako. Ito na naman ako kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ko.

"S-saan?"

"Here.." Turo nya sa kotseng nasa harapan namin.

A Porsche car? Really? This man is really rich. How can he buy this car if he's not! Ang mahal kaya ng kotse na'to! Ito yung pinaka bagong model ng porsche ngayon. Oh my gosh. Nakakahiya naman kung isasakay nya ako dito.

"Are you sure? You sure na isasakay mo ako?" Tanong ko.

"Why not?" Tumaas ang isang kilay nito.

"Okay.. I'm just asking." Sabi ko tsaka ngumiti.

Walang sabi-sabi ay pumasok ako ng kotse.
Pati sya ay sumunod na din.

Habang nagseat belt ako ay napansin ko ang titig nya sa akin mula sa peripheral vision ko. Ini-angat ko ang tingin ko ngutin akala ko ay iiwas ito ng tingin pero sinalubong nya iyon.

"You're done?" Tanong niya.

Tumango ako pagtapos ay umayos na ng upo.

Agad nya din namang pinaandar ang kotse. Kinuha ko ang phone ko para sana ay i-text si Kraze. Baka kasi magtaka sya na kung bakit hindi na ako bumalik doon.

"You texting him?" Hindi ko inaasahan ang pagsasalita nito.

"Uhm yes, baka kasi mag-alala si Kraze-"

"Alam nya na ihahatid kita, kaya nasa akin ang cellphone ang bag mo. I told him." Sabi nito habang daretso ang tingin sa daan. "You don't need to text him." Aniya pa. What does he mean? Kraze is my friend of course kailangan ko pa din syang sabihan. Dahil sya ang kasama ko dun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Acucena Series 1: Remedy Of PastWhere stories live. Discover now