06

16 1 0
                                    


“Demi!!”

Halos magulantang ako dahil sa sigaw at malakas na pagbukas ng pinto ng opisina ko.
Bumungad sa akin ang naghihikahos na si Sanji. Mabilis siyang naupo sa visitor chair ko.

“Sanji!” Pagsaway ko dito at binigyan ng masamang tingin. She's annoying. Pa'no pala kung may client ako.
Nakakagulat talaga 'tong babaeng 'to. Bigla bigla na lang pumapasok.

Hindi na kasi siya hinaharang ng secretary ko dahil kilala na siya nito. Kaya nagugulat na lang talaga ako kapag dadating sya. Pero pwede namang kumatok muna. Hindi nga din sya tumawag sa akin.

“Demi.” Nakahawak ito sa dibdib niya at naghihikahos.

“Nakakainis ka! Bakit hindi ka tumawag sakin bago ka pumunta dito? Bigla bigla mo pang binuksan ang pintuan ko.” I raised my left eyebrow.

“My Kuya! He almost killed me!” Imbis na mainis ay natawa ako sa itsura nya. Akala mo kasing inapi o nalugi. Buti nga sa kanya!

Umayos ako ng upo.

“What do you mean?” Pakunwari ay wala akong ideya sa sinasabi niya.

“Pinagalitan niya ako!” Nagulat ako ng hampasin nito ang lamesa ko. “Hindi ko alam na siya pala ang nag-uwi sa akin. Tapos nasa condominium niya ako! I'm so dead! Siguradong isusumbong niya ako kay mom!” She almost cried in front of me.

“Tsk, kung ikaw naman kasi. Tigilan mo muna ang pag b-bar. Ano ba kasing balak mo sa buhay at madalas ay nasa bar ka ngayon ha?”

Dumaretso ang tingin nito sa akin.

“Doon ako sumasaya Demi.”Inalis nito ang tingin sa akin.

She crossed her arm and pouted her lips. Not cute.

“Are you sure?” Tumingin ito sa'kin.

How can she become happy just by going to a bar? That's a lie. She has work and after her work she's going to a bar. I don't know what's with her. Palagi na siyang nasa bar, kung saan saang bar. She always texts or calls me every day, or every other day if I can go with her. Dahil sa busy ako ay hindi ko na sya nasasamahan.

“I'm not.” Sabi nito tsaka umiling.

Oh, tama ako. Hindi naman, pero palaging nalalagi kung saang bar.

“Then why are you always in the bar?” Seryosong tanong ko dito.

“Kasi may hinahanap ako. I first saw him at the Heavens Bar. Kaya sinubukan kong mag-punta sa iba't ibang bar baka sakaling makita ko ulit sya.”

Napahawak ito sa buhok niya.

She looks frustrated.

She's finding someone? Oh my god. My best friend is inlove?

Heavens Bar? Yun yung pinuntahan kong bar kung nasaan si Zion ah.

“So you like someone already?” Inangat nito ang tingin niya ng sabihin ko iyon.

Tumango tango ito.

“Omg Sanji!?” Naiinlove na ang loka. Akala ko ba mag f-focus muna sya sa business niya. “What is his name?”

She let a sigh. “I don't know his name.”

“What? At bakit mo pa sya hinahanap?”

"Kasi nga, we kissed already. Then I felt a spark that-you know, I like him." Nagulat ako sa pinagtapat nito.

Nang dahil lang sa halik? Nagkakaganito ang kaibigan ko? Natatawa ako sa aking isipan. That man was a good kisser. Grabe ang tama sa kaibigan ko.

"You kissed?" I asked

Acucena Series 1: Remedy Of PastWhere stories live. Discover now