PROLOGUE

25 5 0
                                    


Nakahinga ng maluwag ang lahat nang marinig ang gavel hammer. Agad na hinawakan ng kliyente ko ang aking mga kamay kasabay ng paglapit sa akin ng pamilya nito.

"Maraming salamat, Attorney." Mangiyak-ngiyak na usal ng mga ito.

"You're welcome, Mrs. Buendia. You can now sleep comfortably at home." I stated while looking at her and her family.

"Kunin niyo po ito, Attorney." The mother of my client lend me a box of tart na agad ko namang kinuha.

"Maraming salamat."

My client just found not guilty sa kasong homicide. The victim is her husband who died nang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan at nahulog sa hagdan ng kanilang bahay. Nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ay sinimulan na naman umano siyang pagbuhatan ng kamay ng kanyang asawa. Dinepensahan umano niya ang kanyang sarili ng akma itong babasagan ng flower vase sa ulo kaya agad niyang tinulak palayo ang kamay ng kanyang asawa na siya namang nagdulot ng pag-out of balance nito at nahulog sa hagdan. Bukod do'n ay lasing ang kanyang asawa. She is not on good terms with her in-laws, her husband is abusive and manipulative. The family of her husband pushed the case but then justice has been served.

We had a hard time looking for witness dahil ang mga kasambahay nito ay kinuhang witness ng in-laws ng client dahilan para baliktarin ang kaso at idiin ang client ko. Luckily, tumestigo ang kaibigan ng client ko na siyang napag-kukwentuhan ng mga problema lalo na kapag inaabuso ito ng kanyang asawa. Mayroon ding CCTV footage kaming nakuha sa kwarto kung saan patunay na talagang pinagbubuhatan ito ng kamay ng biktima. Even the incident ay nakuha namin ang footage. Mabuti nalang at mabilis rumespunde ang kaibigan ng client ko at kaagad kumuha ng copy ng footage bago pa man ito ma-delete.

"Go to the hospital to treat your bruises." Usal ko sa aking client dahil sa daming pasa at sugat nitong natamo sa kanyang asawa. Nagpaalam na ako upang makaalis na.

As usual, may bibisitahin ako.

"Good day, Atty. Decebal."

"Good day, Chief." Usal ko saka ito tinanguan. "Alam niyo na kay Mr. Decebal." Dagdag ko pa bago umupo.

Agad nanlaki ang tainga ko nang makarinig ng hindi magandang mga salita sa mga taong nasa paligid ko.

"Abogada? Pero may dinadalaw na kriminal?"

"Naku, madalas 'yan dito. Balita ko magaling na abogada 'yan. Naging abogada rin siya ng ilang mga nasa politika eh."

"Eh bakit 'yung palaging dinadalaw hindi niya maipaglaban? Ah baka guilty."

"Huy, baka marinig ka."

I just cleared my throat before looking at them so deadly. Agad naman silang napayuko. Napailing nalang ako bago napabuntong hininga. Although there is a part of me that I kinda feel guilty and hurt whenever I'm hearing murmurs like that.

"Oh, bakit hindi po kasama si Amber?" Agad akong napaupo nang maayos nang dumating na ang dinalaw ko.

"Ah, hindi po ako nakapagsabi sa kanya dahil kagagaling ko lang sa hearing. At panigurado naman nasa school pa si Amber." I explained before putting the box of tart in front of him. "Bigay ng pamilya ng kliyente ko." Agad naman niya itong binuksan at nag-umpisang kumain.

"Kumusta naman ang kaso na hawak mo?" He then asked while eating.

"Not guilty po ang kliyente ko. Medyo nahirapan kami dahil sobrang crucial ng kalaban dahil ang ilan sa miyembro ng pamilya ay nasa pwesto eh."

Agad itong napahinto sa pagkain. I pursed my lips, marahil naalala nito ang nangyari noon kaya siya ngayon naririto sa selda.

"Pa, papalabasin kita rito." With that, agad itong nag-angat ng tingin sa akin.

"Anak, h-hindi na kailangan,"

I clenched my fist out of anger as he said that again. Yes, again.

"Pa, abogada na ako. Alam ko ang lahat ng nangyari." Mahina ngunit mariing usal ko. "Hindi ka naman dapat nandito eh. Dapat si—" Agad ako nitong pinandilatan ng mata dahilan para mapagtanto ang dapat kong sabihin.

"Mag-iingat ka sa mga binibitawan mo, 'nak."

Napabuntong hininga nalang ako at nanahimik nalang.

I spent a little more time before I decided to go back to the law firm.

I'm so tired of being so silent regarding my father's case. Why? Simply because he wants me to keep quiet. And I did. I remained silent for ten freaking years. But then, no one could stop me now. Pagod na akong manahimik, pagod na akong nakikita ang ama kong naghihirap sa loob ng selda.

Nang makabalik ay panay ang congrats ng ilang employees and some of the attorneys dahil sa bago ko na namang panalong kaso. Pabagsak akong umupo sa swivel chair at napamasahe ng sintido ko. The case is not that easy dahil mayaman ang in-laws ng client ko, knowing na may mga politicians sa side ng asawa niya. Pilit nilang hinihila ang client ko pababa dahil sa kagustuhang ayaw masiraan o mabahiran ang surname nila dahil nga may pangalan ito sa politika. Well, that's how politics work. In order to manipulate the public, you need to be as clean as water. Transparent and clear.

My phone rang and Jaiyana's name popped on the screen.

"Oh hello, Jai?"

"Congrats, balita ko panalo ka na naman ah. My mom told me." Usal nito sa kabilang linya.

Her mom is a politician, ang bilis ng balita ah.

"By the way, nabalitaan mo na ba?" She then said, being so serious now.

"Ang alin?"

"You know malapit na ang campaign and election period, someone decided to run for President as you suspected. Check the news now na."

Agad akong napaupo sa pagkakahilata sa upuan ko at binuksan ang maliit na tv sa office ko.

[Sen. Jeffrey Vallesteros filed his certificate of candidacy.]

Mapait akong natawa nang mabasa ang headline. Muli akong sumandal sa pagkakaupo at ipinatong ang mga paa sa aking lamesa. Nakita ko itong nakangiti sa mga cameras na nakapaligid sa kanya hawak ang papel nito. Pinatay ko ang TV dahil nasusuka ako sa pagmumukha nito.

I swivelled my chair to face my table properly. I leaned over my table before putting both of my elbows on the top of it. I intertwined my fingers in front of my mouth to think properly on how to bring this Senator down.

Well, I've had enough. Popularity, wealth and success. However, I'm not satisfied with all of this unless I solve my misery from what happened in the past. 

Unsolved MiseryWhere stories live. Discover now