Chapter 2

4 1 0
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ko at syempre pati na rin sa boses ng kapatid ko.

"Alas-sais na, 'te! Gising ka na at may pasok ka pa po sa trabaho." Usal niya bago lumabas ng kwarto ko.

Agad naman akong bumangon at tinignan ang oras sa cellphone ko. Halos dalawang oras din pala ang tulog ko muna nang makauwi kanina. Tumayo na ako agad para maligo at mag-asikaso. Habang nagsusuklay, bumaba muna ako para ipagluto ng hapunan ang kapatid ko pati na rin si Papa dahil maya-maya lang ay uuwi na rin 'yon galing trabaho. Nagluto lang ako ng hotdogs and longganisa dahil 'yon lang ang madaling lutuin dahil wala na akong oras, matapos magluto ay kumain na rin muna ako.

Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam kay Amber bago umalis. Safe naman kami rito or even Amber kahit na mag-isa siya dahil kilala naman namin ang mga kapitbahay namin, may gate din kami na siya namang pinapasara ko sa kanya. Palagi rin namin binibilinan na huwag basta-basta mang-entertain ng tao. Minsan din pumupunta rito ang tiyahin namin sa side ni Papa na si Tiya Rosset. Nag-cha-chat ito sa amin, even kay Amber kapag pupunta siya.

Nakasakay na ako sa jeep papunta sa trabaho ko at nakarating naman ako agad. Sakto namang naabutan ko ang isa sa katrabaho ko na pauwi na rin dahil tapos na sa shift niya. Tinanguan ko siya nang magpaalam ito sa amin ng isa ko pang katrabaho na makakasama ko hanggang matapos ang shift ko simply because pareho kami ng schedule.

"Kanina ka pa?" Tanong ko sa kasama ko.

"Kakarating ko lang din halos, nauna lang ako konti sa 'yo." He answered before laughing a little.

Nang tumunog ang bell na nakasabit sa entrance ay agad kaming napatingin ni Alexies upang batiin ang customer. And it was Fin.

"Akala ko customer," sambit ni Alexies na bahagya pang natawa, siniko ko naman ito dahil nakatingin sa kaniya si Fin dahil sigurado akong narinig siya nito. Fin was about to enter his billiards area but he stopped beside the counter where we are located.

Tinitigan niya muna kaming dalawa bago bumalik nang ilang hakbang at kumuha ng beer sa refrigerator at nagtungo sa amin. Mariin niyang nilapag ang on can na beer sa harap ni Alexies at nilapag ang bayad. Alexies punched what Fin purchased and gave him change.

"Satisfied now?" Fin asked with sarcasm while looking at him.

Hindi naman sumagot si Alexies at napayuko nalang.

"A-Ah oo, we're satisfied. Thank you for purchasing!" Pagbabasag ko sa tensyon sa pagitan nilang dalawa. Dinaanan lang ako ni Fin ng tingin bago ito umalis at pumasok sa billiards area na pagmamay-ari niya.

Sabay kaming napabuntong hininga ni Alexies dahil sa nangyari.

"Loko ka kasi eh, na-badtrip tuloy." Pigil ang tawa na usal ko.

"Hayaan mo na, nakabili naman siya eh."

Ilang sandali pa ay dumami na rin ang tao na pumapasok sa bilyaran ni Fin. Connected dito ang bilyaran niya kaya papasok muna rito sa store bago makapasok doon. Beside the counter of our store is the main entrance of his billiards area. Maingay pero name-maintain naman ang security ng convenience store and also the convenience. Kapag bibili, ay bibili lang sila at hindi nanggugulo. Advantage na nga rin ang business ni Fin dahil malakas ang kita ng store dahil maraming naglalaro sa bilyaran niya.

Alas onse na ng gabi and luckily hindi ako nakakaramdam ng antok, gutom lang. Habang itong kasama ko ay nakaidlip na sa gilid, wala namang customer kaya sabi niya ay sasaglit lang siya ng tulog dahil pagod daw talaga ito galing sa school.

Bumalik ang tingin ko sa counter nang marinig ang paglapag ng pinamili ng customer... and it was Fin.

"Pwedi ba 'yan?"

"H-Huh?" Tanong ko matapos i-punch ang binili nito.

"Pwedi ba matulog sa oras ng trabaho?" Paglilinaw nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"Sasaglit lang naman, pinagbigyan ko na. Pagod din eh."

I saw how he pushed the back of his cheek by his tongue before looking away and sighed.

"145 pesos lahat." Usal ko na agad naman niyang binigay at sinuklian ko rin agad. I-aabot ko na sana sa kanya ang pinamili niya nang umiling ito sa akin.

"That's yours."

Tumaas pareho ang kilay ko sa sinabi niya.

"You need to eat. Hanggang bukas ka pa ng umaga rito."

My brows furrowed on what he said. How did he know that? I mean not that I'm hungry but my schedule.

"P-Paano mo nalaman?" Tanong ko pero agad naman itong umalis at dumiretso sa bilyaran niya na para bang hindi ako narinig. "How did he know that?" Bulong ko nalang sa sarili ko bago kinuha ang binili nitong sandwich, energy drink, soft drink, cup noodles and footlong. Napakarami, oo. Hindi man lang ako nakapag-pasalamat.

Well, I guess hati nalang kami ni Alexies.

I was piecefully eating the food that Fin gave me habang walang customer nang biglang sunod-sunod na tumunog ang bell ng store namin at nanlaki ang mga mata ko nang may mga pulis na nag-sipasukan dito.

Ang tatlo sa kanila ay nasa harap ko na ngayon at nakatutok sa akin ang mga baril nila kaya agad akong napataas ng dalawang kamay habang hindi ko alam kung anong meron. The rest of them went inside Fin's hidden billiards area.

"A-Ano pong meron?"

"Sumama nalang po kayo sa presinto, Ma'am."

Lumapit ang isa sa kanila at agad na ginising si Alexies na siya namang nagulat sa nakita niya. I look at him with confusion because I don't really know what's happening.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto sa bilyaran ni Fin at sunod-sunod naglabasan ang mga pulis kasama ang ilang lalaki na naka-poses. Nakasunod naman si Fin dahil hawak siya ng isang pulis ngunit hindi naka-posas. Sunod naman ay isinama kami ng mga pulis pero they allow us to close the convenience store first.

"Anong meron?" Bulong ko kay Fin nang makapasok kami sa pulis patrol.

"Hindi ko rin alam."

"Hindi mo alam eh nasa loob ka ng bilyaran?"

"Yes, but I was sleeping. Nagising na lang ako nagkakagulo na."

"Sir, ano po bang meron?" Baling ko sa pulis na nasa harap namin pero hindi ako nito pinansin.

Mabigat na buntong hininga ang nagawa ko 'tsaka napa-iling. Yari ako nito sa amo ko pati na rin sa bahay eh.

"Eh illegal drug transaction pala eh, bakit naman po nasama kami ng katrabaho ko, Sir? Sa ibang property naman naganap ang transaction. Wala po kaming kinalaman d'yan." Paliwanag ko nang makarating kami sa presinto at pinaupo.

"She's right, wala silang kinalaman dito, so please let them go." Fin stated while looking at the policemen. "And please... don't let the public know about this." He added at nagkatinginan naman ang mga kapulisan.

Kilala si Fin, dahil anak siya ng isang senador. So of course, he doesn't want to create any stupidity which might affect his Dad.

"Let's make sure about this first before publishing in public or media. Una, wala akong kinalaman sa transaction. Pangalawa, yes, pagmamay-ari ko ang bilyaran but I'm not aware of the crime they committed." He then said before looking at the guys who were being handcuffed.

Napabuntong-hininga na lang ang mga kapulisan bago kami kinausap ni Alexies to get our statement. Of course we told them the truth dahil hindi naman kami pumapasok sa bilyaran at pangalawa we do have our own business as an employee of the convenience store. Matapos nyon ay pinaalis na rin kami ni Alexies. Nagpasalamat kami sa mga police for letting us go. Nasa labas na si Alexies pero ng muli akong mapatingin kila Fin ay nakita ko itong nakatingin sa akin at agad din umiwas.

Bakas ang pagkainis at stress sa mukha nito pero nanatili itong kalmado. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya sa sarili niya dahil sa nangyari o nag-aalala siya sa tatay niyang baka mabahiran ng hindi maganda sa nangyari dahil isa siyang senador. Alam kong walang kinalaman si Fin sa nangyari, I might not know him that well but he's not that kind of person. 

Unsolved MiseryWhere stories live. Discover now