Chapter 8

2 1 0
                                    


"Kita nalang tayo mamaya, I need to research and review pa for next week eh." She stated before waving to say goodbye.

Halos isang linggong busy ang mga nasa student council. University week kasi next week at balak ni Jai sumali sa essay writing contest. Ito nga pala 'yung in-announce ni Eloise noong nakaraan and also the paper she gave to Fin was about the event next week. Naalala ko na naman ang kamalditahan ng babae na 'yon tungkol sa pag-insulto nito dahil lamang a-attend ang pamilya ko sa salo-salo ng mga Vallesteros.

I'm also planning to join on some activities pero naalala ko wala nga pala akong time to even prepare dahil may trabaho ako.

Dumaan muna ako sa library para isauli ang mga librong hiniram ko for the whole week bago tuluyang umalis.

"Are you free for tomorrow?"

"Ay! Anak ka naman ng tinapa oh." At halos mapatalon ako nang biglang may magsalita paglabas ko pa lang ng library.

Hawak-hawak ko ang aking dibdib nang tingnan ko si Fin na siyang nakasandal sa pader at nakapamulsa.

"Nakakagulat ka naman oh." I said before sighing.

"So, free ka ba bukas?"

"Bukod sa may trabaho ako sa gabi, free naman ako bukas maghapon. At bakit?"

Tumayo ito nang maayos at napaatras ako nang humarap ito sa akin.

"Can you help me with political theories?" At biglang napa-yuko ito at nagkamot ng batok.

"Magkano?"

"25k."

"Huh?!"

My jaw dropped on what he said. Agad akong napatakip sa bibig ko nang ma-realize na ang lakas ng pagka-ka-sigaw ko.

"Gago ka ba?"

"What?"

"I-I'm mean, seryoso ka ba?" Nag-aalala na usal ko at tila nagtaka pa ito sa tanong ko.

Kung mang-bubudol lang ako tiyak wala na ang 25k nito. Halos sahod ko na sa isang buwan 'yon eh.

"W-Why? Yeah, it's not that easy, though."

"'Di bale na nga. Sagot ko na. You keep your 25k. Jusmiyo ka." Napapa-kamot sa noo na sambit ko.

"So, anong oras tayo bukas?"

"Chat kita bukas mga 8 am. G?"

Tumango naman ito kaya nagpaalam na ako para umuwi. Nakarating ako sa MRT na wala gaanong tao, maging sa mga sunod kong sinakyan kaya nakauwi ako ng walang bitbit na inis at sama ng loob.

Naglinis muna ako ng bahay, naabutan ko si Amber na wala sa bahay at nandoon na naman sa Tiyahin namin. May susi naman ako ng bahay ganun din ang kapatid ko. Matapos maglinis sa sala ay nag-linis din ako konti sa kwarto ko at nagluto na ng hapunan dahil nga may hangout kami ng mga kaibigan ko kaya nagluto na ako. Nagchat ako kay Papa at Tiya Rosset na aalis ako at baka-malate ng uwi. Tinolang manok lang ang niluto ko na siyang mabilis lang naman maluto.

Matapos nyon ay nag-salang na ko sa rice cooker at nag-umpisa mag-asikaso ng sarili. I just decided to wear high-waisted jeans and a white puff sleeve square crop top. Nagsuot lang din ako ng two inches sandals at sling bag. Pinatay ko na ang mga ilaw and all before going out. Syempre double check baka pag-uwi ko wala na kaming bahay.

Alas-sais na ng makasakay ako kung saan kami magkikita-kita. May sasakyan si Justin kaya sabi nito ay sabay-sabay na kami, since sila lang naman ni Aira ang nakakaalam ng pupuntahan namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsolved MiseryWhere stories live. Discover now