Chapter 4

7 2 0
                                    

"Ito ang remote, kung gusto mo manood then go." Usal ko bago inilapag ang remote sa coffee table at binuksan ang electric fan.

Hindi pa tapos maligo si Amber kaya naman umakyat muna ako sa kwarto para maghanap ng pwedeng suotin. I saw a nude colour silk long sleeve polo kaya naman I partnered high-waisted skinny jeans. Nang makababa ako ay sakto namang lumabas na si Amber sa banyo.

"Kumalma ka lang d'yan ah, maliligo lang ako." Sambit ko kay Fin at marahan naman itong tumango bago tumingin kay Amber na siyang sinusuri ito.

"Hmmm.... Boyfriend ka ba ni Ate?"

"Hoy, Amber! Anak ni Sen. Vallesteros 'yan!" I immediately exclaimed. "P-Pasenya na, you're face mask... you can remove it, nasa loob na naman tayo eh." Naiilang na usal ko at natatawa niya namang ginawa.

Paano ba naman kasi, hindi man lang nag-tanggal ng face mask.

"Ay, anak ka po pala ni Senator. Sorry." Sabi ni Amber bago ngumiwi at pumasok sa kwarto niya.

"Ahm, pagpasensyahan mo na. Curious eh."

"What if boyfriend mo nga ako? Okay lang kaya sa kan–"

At nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at dali-dali kong tinakpan ang bibig niya.

"Marinig ka! Madaldal 'yang kapatid ko mamaya magsabi kay Papa eh!" Pabulong ngunit mariin na usal ko.

Napahawak naman siya sa kamay ko at agad iyong inalis sa pagkakatakip sa bibig niya. And that I've realised, we're so close to each other. We both are looking into each other's eyes when he suddenly looks away before clearing his throat to remove the weird atmosphere.

I pursed my lips because of the awkward situation.

"Y-You should go take a bath already."

"A-Ahh, yes! Oo nga pala, hehe." Nahihiyang usal ko 'tsaka dali-daling nagtungo sa banyo.

I wanted to shout because of what happened but I couldn't! Nakakahiya, nakakailang, at higit sa lahat ang awkward!

It took me almost thirty minutes before I finished taking a bath. I applied light make-up before going downstairs. Medyo madilim na rin nang makalabas at makaalis kami, nag-alis na rin si Fin ng face mask syempre since nasa sasakyan na niya kami.

"Nandoon na naman si Papa 'di ba, Ate?"

"Oo, si Kuya Fin mo ang nagsundo sa 'tin kasi inutusan siya ni Papa."

Agad namang tumingin sa akin si Fin na nakataas ang isang kilay. Gusto ko itong tawanan dahil sa clueness niyang ekspresyon ng mukha that's why I just gave him an apologetic smile and he just sighed.

Eh kasi naman, kaya ko lang naman nasabi 'yon para convincing kay Amber kung bakit nandito kami ngayon sa sasakyan ni Fin.

Ilang sandali lang ay nakarating na rin kami sa bahay nila Fin na mala-mansion sa laki.

"Good evening, Hija." Mrs. Charlotte Vallesteros greeted us as we entered the house.

"Magandang gabi po, Mrs. Vallesteros." Pagbati ko bago umupo sa sofa nang alukin kami nitong umupo.

"Mom, where's Dad?" Tanong ni Fin bago pabagsak na umupo sa single sofa habang tinatanggal ang dalawang butones sa taas ng polo niya. And I saw how he smirk as he saw me staring at him kaya naman agad akong umiwas ng tingin.

Ambisyoso rin ang isang 'to, syempre nagsasalita siya kaya ako nakatingin. Ano bang iniisip niya?

"Nasa office pa, pababa na rin 'yon. Si Kuya Domingo ay may binili lang saglit pero sure akong malapit na rin 'yon."

Unsolved MiseryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ