Chapter 6

6 2 0
                                    

"Hmm! Ang sarap nito ah? Binili mo?" Sabi ni Justin nang matikman ang cupcakes na gawa ni Fin.

"Nope, bigay ni Fin 'yan. Siya raw gumawa."

And they all stared at me suspiciously.

"Si Fin? 'Yong anak ni Senator Vallesteros?" Aira asked before finishing the cupcake she was eating.

"Yup!" Si Jaiyana na ang sumagot para sa akin.

"Bakit naman magbibigay sayo ng cupcake? Ayan ha, may manliligaw ang gaga."

"Gaga, hindi. He tried baking daw kanina, kaya naisipan niya daw akong bigyan. Malay mo ayaw lang masayang kaya binigay sa 'kin. 'Tsaka 'wag na kayong maraming tanong, nakinabang naman kayo eh." Depensa ko 'tsaka natawa dahil nag-make face ang mga ito.

"Kailan ka free, Leigh? Alam ko working ka eh, miss ko na kasi uminom kasama kayo." Justin said before drinking some water.

"Sa sabado ay day day off. So, I guess pwede tayo that day."

"Yun oh! May bago kaming na-discover na club nito ni Aira eh. Malaki siya and maraming tayo, mga bigatin nga eh." Justin stated like she was so excited about it.

Aira and Justin are our friends from a different university and they are both journalism students. Matagal-tagal din namin silang hindi nakita at naka-bonding dahil na rin sa sobrang daming ginagawa. It's so nice to see them again after how many weeks.

Matapos namin kumain ay hinatid na namin silang dalawa sa sakayan dahil babalik na sila sa university nila. Habang kami ni Jaiyana ay dumiretso na sa klase namin ngayong tanghali.

Naabutan namin ang lahat na busy sa mga readings, particularly sa lahat ng subjects I guess. Nang dumating si Prof. Tapperla, ang prof namin sa statistics ay nagpa-quiz ito bago mag-proceed sa bagong lesson. And good thing pasado naman ang score ko kahit papaano, but I need to examine and review my answers whether it is correct or wrong. As usual, natapos ang discussion na si Prof lang ang nagsalita, aside of the questions we raised for clarification. Wala na kaming next class kaya si Jaiyana ay napagdesisyunan nang umuwi. Ako ay dumaan pa sa library para humiram ng libro at ngayon ay pupunta sa book store para bumili ng ilang school supplies dahil ubos na ang bond papers ko and highlighters.

I was walking palabas na ng campus habang tinitingnan ang papel ko kanina sa statistics nang mapatingin ako sa biglang sumabay sa akin. At base sa amoy nitong amoy mayaman ay alam ko na agad kung sino.

"So, how's the cupcakes?" Dinig kong usal niya without looking at him.

"Masarap daw sabi nila Jai." Sagot ko nang hindi inaalis ang paningin sa aking papel.

"Nila Jai? How about you? Hindi mo ba tinikman? That's so sad naman."

Mahina akong natawa sa sinabi niya lalo na't bakas sa tono nito ang pagkadismaya.

"Syempre kumain din ako, ano ka ba? And yes, masarap siya, hindi nakakaumay ang tamis." I commented.

"'Yon naman pala eh. By the way, what's that?" Tanong nito at naramdaman ang paglapit ng mukha niya sa papel na hawak ko which I could smell him better.

Ang bango, shet.

"Oh, stats? Your answer here should be one way anova in spss statistics." He then said as he pointed to my paper kung saan ako nagkamali.

Tumango-tango naman ako bago agad kumuha ng ballpen para isulat 'yon.

"Really? Hindi ko agad naisip 'yun ah." Usal ko bago sumenyas sa kanya upang tumalikod dahil sasandalan ko ang likod niya para makapagsulat ako. Kumunot pa ang noo nito pero agad din naman sumunod.

Unsolved MiseryWhere stories live. Discover now