Chapter 7

3 2 0
                                    

Pabagsak akong umupo sa sofa nang mabuksan ko ang electric fan at TV. Sakto namang bumungad ang headline ng news tungkol sa pagpapasa ng batas ni Sen. Vallesteros tungkol sa pagpapataas ng pondo at sahod sa mga kapulisan.

"They are the ones who play a huge responsibility and role in our society, so I think they deserve it and... and. I hope mapirmahan ito ng ating Presidente."

Nakangiting sambit nito sa mga mikropono at cameras ng mga reporters.

I wonder how his bill came this far when it involves funds and an increase in salary that needs to be further discussed critically. I'm not totally against his idea but, funds and salary increase? Doble-doble naman ata, Senator.

I sighed before going to my room to prepare dahil papasok na ako sa trabaho. Syempre naligo ako 'no. Wala si Amber dahil nandoon siya kay Tiya Rosset. Okay na rin 'yon para may mga makakalaro siya at maraming bata don sa Tiyahin ko.

Matapos kong mag-asikaso ay umalis na rin ako. Bumili muna ako ng siopao sa nadaanan kong tindahan bago sumakay ng jeep. Maraming tao ngayong oras dahil marami ang mga papauwi galing school o trabaho at marami ring papasok palang. Mabuti na lang at sanay ako makipag-barkadahan para lang makasakay.

Umabot ng halos isang oras ang biyahe ko ngayon dahil sa traffic pero hindi naman ako na-late dahil nag-madali na rin ako patungo sa convenience store na pinapasukan ko. Naabutan ko na ang kapalitan kong handa na sa pag-alis habang si Alexies naman ay naka-stand by na.

"Hindi naman halata na nagmamadali ka ah." Usal nito dahil sa hinihingal ako.

"Medyo lang." Biro ko bago nag-suot ng apron.

"Una na 'ko, ingat kayo." Paalam ng naunang shift sa amin at nag-paalam na naman kami sa kaniya bago ito tuluyang lumabas. Nag-umpisa naman akong maglinis ng mga lamesa sa loob dahil marami-rami na ring tao habang si Alexies ay abala sa mga customers. Syempre kailangan malinis ang paligid.

Upon cleaning the tables on the right side of our store, I saw Fin on the other side who's peacefully studying while wearing earphones. Akalain mo nga naman, kahit mukhang barumbado kung minsan ay mukhang mas matalino pa sa 'yo. Matapos kong linisin ang mga lamesa sa loob ay mga lamesa naman sa labas ang nilinis ko. I was done cleaning the last table when a guy appeared holding a cup of noodles and I swear he's drunk. Pabagsak nitong ibinaba ang bag niya sa upuan na nasa gilid ko 'tsaka sunod na ibinaba ang cup noodles na siya namang natapon ng bahagya ang laman dahil sa impact ng pagkakalapag nito. It was the last table that I cleaned.

"Hey, you clean this." Utos nito habang nakahilata sa upuan. Halatang lasing. "Ah no, you eat this." He then said, talking about the mess he made.

I shook my head and was about to walk away when he held my wrist.

"I told you to eat this so it would be clean! You do your work."

"Eating the mess you made is not my job, I just finished cleaning that table when you came." Inis sa sumbat ko bago hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito.

Mas naging bakas ang galit sa mukha nito dahilan para tumayo siya at hihilain na sana ang kwelyo ng uniporme ko nang biglang dumating si Fin na siyang tinulak ang kamay nito para makadaan siya bago kinuha ang bag ng lalaki at nanlaki ang mata ko nang gawin niya itong pamunas sa nagkalat na noodles sa lamesa.

My jaw dropped on what he did.

"F-Fin..." I merely said while covering my mouth.

"You should thank me for cleaning your mess, Mister." Seryosong sambit ni Fin bago hinagis ang bag sa kanya.

"W-What the f-fvck, F-Fin?" Hindi makapaniwalang usal nito.

Does he know Fin? Sa bagay, hindi na bago kung may nakakakilala man sa lalaki na 'to. He's a Vallesteros anyway.

Unsolved MiseryWhere stories live. Discover now