Chapter 3

5 2 0
                                    

"So, anong nangyari? Wala ka talagang idea kung sangkot siya ron? I told you, meron talagang ibang activities doon maliban sa bilyaran eh." Jaiyana said, like she was sure about all her speculations.

I told her what happened the other day. As in pagkauwing-pagkauwi ko noong gabi na 'yon, sinabi ko agad sa kanya. And there she goes, hindi na matahimik sa mga speculations niya.

"Sinabi ko naman sa 'yo, huwag kang maingay eh. Mamaya may makarining na naman sa 'yo." I whispered while looking around.

Nasa cafeteria kami at kumakain after ng klase namin kanina.

"Oo na, tatahimik na. Pero baka nga wala siyang kinalaman sa nangyari, dahil kung hindi patay siya sa tatay niyang may pangalan sa politika."

And she ended the discussion about what happened. Kumakain lang kami nang mahagip ng mata ko si Fin na siyang naglalakad palapit sa amin kasama ang kaibigan niyang si Wesly.

"Hello, Leigh!" Nakangiting bati sa akin ni Wesly at tinanguan ko naman siya habang nakangiti.

"We have a family dinner later, Dad wants you and your sister to be there. Inunahan ko na ang Papa mo sa pagsabi since nakita kita rito." He simply said before walking away while drinking some milk tea.

Marahang tumingin sa 'kin si Jaiyana matapos makalayo si Fin. Well, yeah... My father is working as a driver of Fin's Dad. And, Jaiyana knew about that.

"Pwede sumama?" Biro nito at napailing nalang ako.

Sabado ngayon at luckily it's my day off. Matapos kumain ay tumambay lang kami saglit ni Jaiyana sa bandang likod ng campus para mag-case digest. Tahimik kasi rito. At dahil wala na kaming susunod na klase, we spend almost 3 hours on case digesting and nagpaalam na rin siyang umuwi. Habang ako ay naiwan dito dahil tinatapos pa ang isang kaso. Maya-maya lang ay biglang humangin at naka-amoy ako ng usok ng yosi. Napatakip ako ng ilong at luminga sa paligid, at ayun nakita ko si Fin na nakasandal sa pader habang nagyoyosi.

"Aren't you aware of the university policy? Also, hindi mo ba nakitang may ibang tao rito? Tapos dito ka pa nag-bibisyo." Inis na usal ko habang nakatakip sa ilong ko.

"Akala ko kasi smoking area rito, I saw one of the professors' smoking here last time." He coldly said before looking at me and tossing his cigarette on the ground and step on it. "I'm sorry to bother you, hindi rin kasi kita napansin." Dagdag pa nito.

Napailing nalang ako bago tinapos ang ginagawa ko.

Kita ko sa aking peripheral vision na nakaupo na siya sa tabi ko na ako namang nakaupo sa malaking ugat ng puno.

"Why are you studying here?"

"Why do you care? 'Tsaka bakit ang petiks mo? Sigurado akong may mga cases ka ring dapat i-digest so mind yours, okay?" Usal ko dahil pareho lang naman kaming Political Science student at magkaiba lang ng block.

"Anong oras ka uuwi? May susuotin ka na ba para mamaya?" He asked out of nowhere. Bumagsak ang balikat ko dahil sa tanong niya.

"Pauwi na 'ko actually, and to answer your question, yes, may susuotin na ako. Okay na?" I gave him a wide sarcastic smile that made him laugh.

Kainis, ang gwapo.

"Hatid na kita para sabay na tayo pumunta sa bahay." He casually said before standing and clean his pants.

"Huh? Anong sabay? Anong hatid? Sira na ba ulo mo? Gusto mo ba magkaroon bigla ng issue at balita sa tv at media na nakita nila ang anak ng senador na pumunta sa bahay ng isang katulad ko?"

"Isang katulad mo? Maganda na matalino pa, what's the issue?"

Natigilan ako sa sinabi niya and I could feel my face heated.

Unsolved MiseryWhere stories live. Discover now