Chapter 1

11.5K 238 27
                                    

"Asan tayo?" Tanong niya kay Klaine nang pumasok sila sa gate ng isang mansion.

"My parents house." Kaswal nitong sabi habang siya naman ay gulat na napatingin dito .

"Ano? Bakit?"

Sinulyapan siya nito bago nito inihinto ang kotse sa drive way.

"Anong bakit? I need to introduce you to my family that's why. As what I said in the bus awhile ago, I need you and your daughter to act like my family. My mom's been trying to make me marry someone who I don't like. And this is the only option I have. And as a promise, you will not worry about your future here in Manila. I will support you and harmony all the way. Heck I can even bought a life and educational insurance for her today. Just please don't change your mind Melody. You already agreed awhile ago." Mahaba nitong sabi.

"Pumayag na ako diba? At kahit saan tingnan eh walang tangang ina ang aayaw sa plano mo sa kinabukasan ng anak ko." Sabi niya na ikinangiti nito.

Klaine told her his story on why does he need an instant family. Akalain niyang uso pa pala ang arranged marriage sa panahon na to. Ayaw daw nito sa babaeng ipapakasal ng mama nito dahil kilala ang babae sa kasamaan ng ugali. Also he just don't wanna get married yet kaya ganun. And in return he will give her a house and lot, money and a secured future of harmony. Kaya bat siya aayaw? Sa panahon ngayon pagiging practical na ang labanan. Isa pa nalaman niyang kilalang doctor ito at isang bilyonaryo kaya sure siyang ito ang blessing ni God sa kanya. Di bali nang mag mukhang pera basta ba hindi sila pupulutin sa kalsada ng anak niya.

Nilingon nito si Harmony na nasa backseat at nakasakay sa carseat nang kotse. Nang dumating sila sa terminal ng bus ay may lalaki nang naghihintay sa kanila dala ang susi ng isa sa mga kotse ni Klaine. And now...

"You daughter is awake." Sabi nito kaya napatingin siya sa likuran niya at gising na nga ang anak niya na ngayon ay nakatitig kay Klaine. "Come baba na tayo." Sabi nito bago naunang bumaba ng kotse.

Agad siyang nagdalawang isip na bumaba ng may babaeng nasa fifty ang edad ang lumabas ng bahay at lumapit kay Klaine. Mukhang nanay ng binata.

Klaine said something to the woman at agad itong tumango bago pumasok ulit sa mansion. Nang mawala ito ay tsaka palang siya bumaba ng kotse bago binuksan ang backseat para kunin ang anak niya.

"Ready?" Tanong ng binata.

Huminga siya ng malalim bago tumango dito. Ngumiti ito bago naunang pumasok sa loob ng mansion habang siya ay nakasunod dito karga ang anak niya.

Agad siyang napatigil sa paglalakad ng makita ang dami ng tao sa sala ng mansion. Bali mga bente ata at masayang nakikisalamuha ang mga ito kay Klaine. Kinakamusta ang binata, at ng makita niya ang isang babaeng tila manika sa ganda at puti na lumapit kay Klaine at agad na yumakap dito ay nahinuha niyang ito yunh babaeng gustong ipakasal dito base narin sa reaksiyon ni Klaine na agad na kumalas sa babae at umatras palayo dito.

"Stop Sonia." Klaine said.

Sasagot sana ang babae ng may maunang magsalita dito.

"D-dada."

Gulat na napatingin siya sa anak kasabay ng mga singhap ng mga tao sa sala.

Titig na titig siya kay Harmony dahil ngayon lang ito nagsalita at ang unang salita pa ay dada habang nakatingin sa estranghero na nakilala niya sa bus. Asan ang hustisya? Siya ang nagpakahirap sa batang to tas dada ang unang salita na lumabas sa bibig nito?

"W-wait who are you?"

Napabaling siya sa ginang na sa hinuha niya ay mama ni Klaine dahil sa hawig nito sa binata.

"My family." Klaine said at gulat na napatingin dito ang buong pamilya nito.

Klaine smile bago siya nilapitan at kinuha sa kanya ang anak niya at ito mismo ang kumarga. Tapos ay hinapit siya nito sa bewang at hinarap sa pamilya nito.

"Everyone, meet my wife and daughter."

At nahimatay ang nanay nito.

Instant Family Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon