Chapter 18

8.4K 205 42
                                    

Hindi ako doctor, mas lalong di ako nurse. Pero....

"Ano sa tingin niyo ma'am may sakit po ba ako?"

Napatingin siya sa ginang na katabi niya sa upuan sa labas ng opisina ni Klaine.

"Diko po alam. Di po ako doctor o nurse." Sabi niya na ikinakunot ng noo nito.

"Eh bat dimo sinabi? Nasayang oras ko." Sabi nito bago siya iniwan.

Napakamot siya sa noo. Paano niya sasabihin eh hindi siya pinapasingit. Napabuntong hininga siya bago napatingin sa opisina ng binata. May chenicheck ito sa loob na pasyente.

After thirty minutes ay bumukas ang opisina nito at nagpaalam ang pasyente nitong kanina pa nito kausap.

"Mahal."

Napabuntong hininga siya bago bumaling sa binata.

"Uwi na ako."

"Ha? May nangyari ba habang naghihintay ka?"

Umiling siya bago tumayo. "Namimiss ko na si Harmony."

"Pero.."

"Klaine hindi na ako aalis. Pangako." Sabi niya.

Magsasalita sana siya ng may tumawag sa kanya.

"Melody?"

Nilingon niya ito at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng bigla siyang niyakap ng bagong dating.

"Christian." Usal niya at tila siya naestatwa ss kinatatayuan.

"Kamusta na? Ang tagal kitang hinanap." Sabi ng ex boyfriend niya.

Oo ex-boyfriend.

"Let go of my wife." Sabi ni Klaine gamit ang hindi natutuwang boses.

Agad niyang itinulak si Christian bago mabilis na lumapit kay Klaine. Madilim ang itsura nito at tila any moment ay mananapak na. Hinawakan niya ang kamay nito para pakalmahin.

"Wife? Sino si Melody?" Sabi ni Christian. "Eh girlfriend ko yan."

Napatampal siya sa noo bago bumaling kay Christian.

"Ex. Ex-girlfriend. Remember you broke up with me dahil ayaw mo kay Harmony. Ano nga yung sinabi mo, di pa tayo kasal pero may palamunin ka na?" She said na ikinayuko nito. Umiling siya bago binalingan ang lalaki. "It's nice seeing you again Chris but you can leave now."

"Im sorry. Hinanap kita after kong marealize na diko pala kaya na wala ka, pero umalis kana ng baguio. I wanna make it up to you babe, please give me a chance again."

"Alin sa salitang wife ang dimo maintindihan." Biglang singit ni Klaine. "Wala ka nang pag asa dahil akin lang ang asawa ko."

"Asawa?"

Tiningnan niya si Klaine na masama ang tingin sa ex niya. Nang mapansin nito ang tingin niya ay binalingan siya nito. May emosyon ang mga mata nitong di niya mabasa. Takot? Pag aalinlangan?

Huminga siya ng malalim bago yumakap sa braso ng binata.

"Yes. May asawa na ako." Sabi niya na ikinalaki ng mga mata ni Christian. "At siya ang asawa ko. It was nice seeing you again Chris but may importante pang gagawin ang mister ko." Sabi niya bago hinila si Klaine papasok sa opisina nito.

"Who is that?" Agad na tanong ni Klaine.

"Si Christian. Ex ko."

"Do you still love him?"

Napakunot noo siya bago umiling.

Napamura ito at tila biglang may malaking problemang kinakaharap.

"Damn it." Mura nito.

"Problema mo?" She asks bago naupo sa upuan sa opisina nito.

"I just hate the fact na may ex ka." Sabi nito. "At mukhang balak kang balikan."

"Me and Chris is over Klaine. Bago paman tayo nagkakilala eh wala nang kami."  Malumanay niyang sabi.

"How long have you been together?"

"Two years." She said at napamura ito.

"Ano bang problema mo?"

"Damn it. What if balikan ka talaga niya. Suyuin ka? Makikipagbalikan ka ba?" Tanong nito.

Tinitigan niya ang binata. Gusto niyang matawa dahil tila nagpapanic at takot ang itsura nito.

"Depende." She said at agad na bumakas ang sakit sa mga mata nito.

"I see." Mahina nitong sabi bago tumalikod sa kanya. "You can go now, ipapahatid kita sa driv——."

"Depende kung papayag ang mister ko." Putol niya sa sinasabi nito. Klaine look at her kaya nagpatuloy siya. "Pinangalandakan mong asawa kita diba? Isa pa, gusto mo bang mawala ako sayo? Ang mawala kami ni Harmony sa buhay mo?"

"No." Tigas nitong sagot.

"Why?" She said bago tumayo at lumapit dito. "Bakit ayaw mong mawala kami ni Harmony sa buhay mo Klaine? Diba di naman to totoo? Nagpapanggap lang tayo diba? May hanggan——."

"Dahil mahal kita ok." Klaine said interrupting her. Gulat na napatitig siya sa binata na agad na namula ang mukha. Huminga ito ng malalim bago sinapo ang mukha niya. "Mahal kita Melody. Kayo ni Harmony."

"K-klaine."

"Hindi ko alam kong kailan nangyari basta narealize ko ang nararamdaman ko nung umalis kayo sa buhay ko ng dalawang araw. Mahal kita Melody, what I feel for you is real. Kung kinakailangan ligawan kita, gagawin ko. Isa lang ang gusto ko, yun ay ang maging totoo at tunay ang kung ano tayo. Mag asawa at may anak."

Napalunok siya. Ang lakas ng tibok nang puso niya.

"M-mahal mo ako?" Mahina niyang sabi bago napaupo. Nanghihina siya.

Klaine sighed bago lumuhod sa harap niya at hinawakan ang mga kamay niya para idantay sa pisngi nito.

"Mahal. Bilang babaeng gustong asawahin at maging ina nang mga anak ko. Kaya pumapayag kabang ligawan ko?"

"Pero Klaine."

"It's ok if you don't love me yet. I'll work hard for that matter. Basta hindi ako titigil hanggat hindi ka nagiging asawa ko for real."

Omg. 

Instant Family Where stories live. Discover now