Chapter 10

8.1K 172 10
                                    

"Do you wanna go back to school iha?"

Napatingin siya sa daddy ni Klaine na siyang nagsalita. Naghahapunan sila buong pamilya dahil andito din ang mga kapatid ng binata.

"Po?"

"Gusto mo bang bumalik sa pag aaral? I heard that you only finish vocational course. May gusto ka bang degree na pag aralan? We can send you back to school, heck even Klaine can send you back to school."

Napatingin siya sa binata bago kay Harmony.

"You're worrying about harmony? Don't be iha, we can pay lots of helpers to watch our apo. You can also drop her off her pag papasok kana. We surely won't mind spending time with Harmony." Sabi ng mama ni Klaine.

"It's still gonna be up to you Melody. If you don't wanna go back to school that's completely fine. Kaya ka namang buhayin ng anak ko."

Napalabi siya bago napayuko. Binalot ng kunsensiya ang puso niya. Bakit ang bait ng pamilya ni Klaine sa kanya? 

"Love?"

Napaangat siya ng tingin kay Klaine lalo na at hinawakan nito ang kamay niya. Kita niya ang gulat ng mga naroon habang nakatingin sa umiiyak niyang itsura.

"Hey mahal, bakit? May masakit ba sayo?" Klaine asks.

Umiling siya bago yumakap dito at umiyak sa dibdib nito.

"Umamin nga kayong dalawa, buntis ka ba ulit Melody?" Tanong ng mama ni Klaine na ikinaubo ng binata ay ikinaatras ng luha niya.

Agad siyang kumalas dito at hinimas ang likuran nito tsaka ito binigyan ng tubig.

"Mom!"

"Oh bakit? Eh bat umiiyak yang si Melody? Wala namang nakakaiyak sa sinabi namin ng daddy mo."

Napanguso siya bago nagpahid ng luha.

"Hindi ako buntis ma." She said bago tumingin dito. "Masaya lang ako dahil sa kabaitan na pinapakita niyo sa akin."

Natigilan ito bago huminga ng malalim tsaka nag iwas ng tingin sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya si Klaine na ngumisi lang.

"Aw iiyak karin mom?" Kuya kellion ask with a teasing voice pero inirapan lang ito ng mama ni Klaine.

"And for your offer po, gusto ko po munang pag isipan. Sa ngayon gusto ko pong mag focus kay Harmony at Klaine. Sila po muna ang uunahin ko." Sabi niya.

Nakakaunawang tumango ang ama ni Klaine habang ang mama nito ay wagas na napatitig sa kanya.

"Bakit ma?"

"Wala." Sabi nito bago bumaling sa pagkain nito.

Nagkibit balikat siya bago nagsimula nading kumain. She busy herself listening to Klaine and his brother's banter about their childhood memories. Hanggang sa mauwi sa pag uusap ng negosyo ang paksa sa hapag kainan.

After eating ay nagtungo na sila ni Klaine sa kwarto nito habang si Harmony ay doon ulit matutulog sa magulang ni Klaine dahil susulitin daw ng mga ito na makasama ang bata dahil ilang araw nalang ay lilipat na sila sa bahay ng binata.

"May pasok ka bukas?" Tanong niya dito habang nakaupo siya sa gitna ng kama. Nakapag palit na sila ng pantulog.

"Hmm may operasyon ako around 10 tomorrow morning." Klaine said bago napahilot sa noo nito.

"Ok ka lang?"

"Masakit ulo ko." Sabi nito bago napabuntong hininga.

"Gusto mo masahein ko?" She ask na ikinamulat nito at ikinatingin sa kanya.

"Ok lang ba?"

"Hmm." She said bago pinahiga ang binata sa kama at pinaunan sa kandungan niya. She then start massaging his head na ikinaungol nito.

"That felts good mahal." Sabi nito nang diinan niya ang pagmasahe sa may sintedo.

"Wag ka kasi masyadong magkapapagod. Doctor kapa naman. Mahirap pag ikaw ang magkasakit." Sabi niya.

"I can't help it."

"Madaming doctor sa ospital mo mahal kaya bat ka magpapakuba?"

Ngumiti ito bago hinawakan ang kamay niya. "Tinawag mo akong mahal."

Napakunot noo siya at napatitig sa binatang nakatitig na sa kanya.

"I like it love. Call me mahal more." Sabi nito bago hinalikan ang kamay niya tsaka ito pumikit ulit.

Habang siya...

Dug dug dug

Ay di na halos makahinga dahil sa subrang kaba.

Instant Family Where stories live. Discover now