Chapter 2

10.2K 231 24
                                    

"Ok lang ba ang nanay mo?" Pambungad na tanong ni Melody sa kanya pagkapasok niya sa kwarto kung saan ito at si Harmony nagpa pahinga. Or should he say kung saan niya ito tinago ng magkagulo dahil sa nangyari sa baba kanina.

"Yes. Don't worry. Na shock lang siya." Nakangiti niyang sabi dito bago siya bumaling kay Harmony na nakaupo sa kama. Nakapasak sa bibig nito ang bottle of milk nito. "Hi baby." Bati niya bago ito nilapitan.

Ibinaba nito ang bote bago gumapang palapit sa kanya. Then she sat down on his lap bago hinaplos ang pisngi niya. "Dada."

Mas lalo siyang napangiti dahil sa sinabi nito. This kid save him awhile ago. Kung di ito nagsalita ay hindi niya malalaman kung papaano ito at ang mama nito ipapakilala sa pamilya niya.

"Yes baby say dada again." Sabi niya bago pinisil ang malusog nitong pisngi.

"Dada."

"Good girl." Sabi niya bago bumaling kay Melody na kunot noong nakatingin sa kanila ng bata. "What?"

"Naiinis ako." Sabi nito bago lumapit sa kanila at hinawakan sa mukha si Harmony. "Say mama baby."

Tinitigan ito ng bata bago siya nilingon tsaka sumagot sa ina nito. "Dada."

Malakas na halakhak ang nagawa niya ng biglang sumama ang mukha ni Melody. Gigil na hinalikan niya si Harmony na ikinatawa nito.

"Oh I'm gonna spoil you babygirl." Sabi niya.

"Tsk." Melody said bago umupo sa kama sa harap niya. "Sure kaba talaga dito? Bat ayaw mo don sa babae? Eh ang ganda non? Tila dyosang binaba sa lupa."

"Who sonia? Heck no. Mukhang dyosa lang yun pero alagad ng kadiliman yun." He said na umani ng hampas mula dito. "I'm serious. Mas bagay siyang alagad ni Lilith the she-demon." Sabi niya. "Don't be fool with her looks Melody. Dahil kung anong kinaganda niya ay siyang kinapangit naman ng ugali niya."

"Grabe siya."

"I'm serious. And I'm also serious about the plan. So better have your oscar worthy acting later dear. Because this will be the one in a million opportunity in your life."

Tumango ito  kahit kinakabahan.

"Now to make it believable." He said bago may hinugot sa bulsa na box. At ng buksan niya  iyon ay nakita nito  ang tatlong singsing sa loob. An engagement and wedding ring. "Binigay ng tauhan ko kanina." Sabi niya. "Here wear it."

Isinuot niya  ang dalawang singsing sa kamay nito bago niya  isinuot ang singsing na para sa kanya. "Married now."

"Paano kong malaman ng pamilya na di ito totoo? Wala tayong marriage license."

"No need to worry about that. Bukas na bukas din May marriage license na tayo with a lawyer signature pa. Ako nang bahala." Sabi niya.

Huminga ito ng malalim bago humiga sa kama niya kaya napatitig siya dito. Melody is beautiful. A beauty na masarap titigan. Di ito kaputian pero di rin naman morena. Matangos ang ilong at mapungay na mata na binagayan ng mahahabang pilikmata. She also got some curly hair na mukhang natural dahil kulot din ang anak nito. Nakuha din ni Harmony ang amo ng mukha ni Melody pero maputi ang bata. At ngayon lang niya napansin na parehas silang may dimple ni Harmony sa kanang pisngi. Kung susumain ay pag nagsama silang tatlo maiisip mo talagang asawa niya ang dalaga at anak nila  ang bata at mas mukha lang ni Melody ang itsura nito pero sa kanya nakuha ang balat at dimple sa mukha.

"Bakit?" Melody ask na tila nailang sa pagtitig niya.

"I was just wondering, what would be our endearment." He said.

Instant Family Where stories live. Discover now