Chapter 7

8K 192 20
                                    

Para sa lagnat eh ikanagulat niya ang dami nang bumisita sa ospital at mga regalo at pagkain na dala ng mga relatives ni Klaine para sa anak niya.

May lagnat parin si Harmony at imbis na umuwi ay napagdesisyonan nila ni Klaine na mag stay pa sa ospital ng isang araw dahil may trabaho nadin ito at the same time ay mamomonitor ang kalagayan ng anak niya.

"You can get some sleep iha, kami ng bahala sa bata." Sabi ng papa ni Klaine.

"Ok lang po pa. Nakapag pahinga naman po ako." She said at ngumiti naman ito bago lumapit sa kama kung nasaan si Harmony na kandong kandong ng mama ni Klaine.

While looking at her daughter who is happily smiling kahit may sakit ay naisip niyang worth it ang pagpayag niya sa plano ni Klaine. Mahal na mahal ang anak niya ng pamilya ni Klaine which she wish na naranasan din sana ng anak niya sa pamilya niya.

Her family never accepted Harmony. Kahit sa huling pagkakataon ay di tinanggap ng papa niya ang bata. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa pamilya ni Klaine dahil pinaparamdam ng mga ito sa anak niya kung paano magkaroon ng malaking pamilya na mahal ito maliban sa kanya.

She might end up in hell but at this moment, everything is worth it.

"Hi."

Napakurap siya bago napatingin sa katabi. Isa sa pinsan ni Klaine na Tiffany  ang pangalan. Maganda ito at modelo.

"Hello. May kailangan ka?" She asks nicely.

Umiling ito bago naupo sa tabi niya. "Nothing. I just wanna talk to you for a bit. Sorry nga pala sa mga reaksiyon namin nung unang araw mo ha. Talagang nagulat kami sa sinabi ni Kuya Klaine. No one expected it." Sabi nito na ikinangiti niya.

"Ok lang. Sorry din for surprising you guys that way."

Ngumiti ito bago. "I still can't believe that kuya klaine is married and with a daughter. You see sa aming magpipinsan siya ang pinaka busy. As you already know that his life evolves in running the family hospitals and also his business. Kaya nakakagulat ang biglaang pagsulpot mo at ni Harmony. Like how it happened? Sa subrang pagkabusy niya paano niya nasisingit ang pagbibigay ng atensiyon sa pamilya niya?"

"He always visit us in Baguio." Sabi niya. "Kahit dati pa, yung wala pang Harmony eh palagi naman siyang bumibisita sa lugar namin."

"About that how did you guys met?" Tanong nito with full curiosity. Napansin niya din ang ibang kamag anak ni Klaine na napatingin sa kanila at handang makinig, maging ang mga magulang ng binata.

"Sa bus."

Hindi siya ang nagsalita. Kundi si Klaine na di nila napansing pumasok sa pinto. Naka scrubs pa ito at nakasalamin sa mata. Lumapit ito sa kanya bago siya hinalikan sa pisngi.

"Hi love." Sabi nito bago lagay ng braso sa sandalan ng sofa kaya tila naka akbay ito. "Where was I? Ah right, me and melody meet inside the bus."

Tiningnan siya nito at agad siyang tumango dahil pulido na ang storyline nilang dalawa.

"Papunta ako dito sa manila para salubungin ang ate ko ng makasabay at makatabi ko siya sa bus."

"Bat ka nag bus eh may kotse ka kuya diba?" Tanong ng isang pinsan nito.

"Hmm. Pero nasiraan ako and I can't wait for anyone to get me dahil May operation ako the next day. So I ride the bus and met melody there. At first ayaw niya akong kausapin, and you know me guys, I'm friendly." Sabi nito habang nakangiti at umiling lang siya.

"Anyway, melody is a quite woman. Sa unang oras ng byahe ay di siya halos nagsasalita. Sumasagot man eh one liner lang. And that intrigues me, I mean I know I look good and I don't smell so why on earth this woman don't wanna talk to me?"

"Dahil sabi ng tatay ko, don't talk to strangers ." Sagot niya at nagtawanan ang lahat.

Napailing si Klaine bago bumaling sa pamilya nito. "But after the first hour ay nagka kwentuhan na kami. Naging magkaibigan, hanggang sa bawat pag bisita ko  sa baguio ay siya na ang dahilan. I wanna see her, spend time with her hanggang sa nagtapat na ako."

"Ilang buwan kayong magkasintahan kuya?"

"Two months, then I proposed to her and when she said yes ay pinakasalan ko na agad. Then we also learned that she's pregnant with Harmony."

"So kinasal kayo ni Melody na hindi niyo alam na buntis na siya?" Tanong ng tita ni Klaine.

Sabay silang tumango ng binata.

"Yes. Nalaman lang namin dahil nahimatay siya after the wedding and when I check on her ay doon ko nalaman na buntis ang babaeng mahal ko." Sabi nito habang nakatitig sa kanya habang siya naman ay agad na namula.

Kingina bat ba ang husay nitong mag drama? Artista ata to at hindi doctor.

"How was it ate? Being married to kuya and carrying his daughter but not having his presence beside you all the time?"

"Malungkot. But there are things that we need to sacrifice for the betterment of the situation. At isa na ang pagtatago namin ni Klaine sa sitwasyon namin."

Klaine hold her hand kaya ngumiti siya dito.

"Oh well atleast now you guys are here. You will be together now all the time."

Tumango siya at magsasalita na sana nang maunahan siya.

"Dada."

Napailing siya nang agad na tumayo si Klaine para puntahan ang anak niya. Naiinis padin siya dahil hanggang ngayon ay di pa nabibigkas ni Harmony ang mama habang ang dada ay sanay na sanay na nitong bigkasin.

"Yes baby. May masakit ba sa baby ko nayan?" Dinig niyang tanong ni Klaine sa anak niya bago siya nilingon. "Mahal group hug daw sabi ng anak natin." Sabi nito naikinatawa ng mga kapamilya nito.

She shook her head bago lumapit sa dalawa. Klaine immediately wrap his arms on her waist bago siya hinalikan sa noo habang karga ang anak niya.

They look like a family sa tingin ng mga kapamilya ni Klaine.

Kung alam lang ng mga ito ang totoo ay ewan ko nalang.

Instant Family Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon