Chapter 8

7.5K 180 21
                                    

Where's my wife?" Agad na tanong niya sa mga kasambahay ng makapasok siya sa mansion ng mga magulang niya.

Normally eh nasa sala si Melody at ang anak nito kada uwi niya. But today is different, wala ang babae at ang bata.

"Nasa mama at papa mo po ang anak niyo habang si ma'am ay nasa pool area po." Sabi ng kasambahay.

Tumango siya bago ibinaba ang coat na hawak sa sofa bago siya naglakad patungo sa pool area. There he saw Melody na payapang nakaupo sa gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga paa sa tubig.

"Hey."

Napalingon ito sa kanya bago ngumiti.

"Nakauwi kana pala."

Tumango siya bago lumapit dito tsaka ito niyuko at hinalikan sa noo. Sa loob ng halos isang buwan ay nakasanayan na niyang halikan sa noo ang dalaga. At maging ito ay sanay na sanay nadin.

"You ok?" He asks bago naghubad ng sapatos at medyas bago niya tinupi ang suot na pang ibaba hanggang tuhod.

He then sat down next to her at ginaya ang pag sawsaw ng mga paa sa pool.

"Hmm. May iniisip lang." tugon nito bago napatingin sa langit.

Tinitigan niya ito at di niya maitatangging maganda talaga ang dalaga. They may not be a true married couple but he knows that they see each other as a friend.

"Care to share?" Nananantiya niyang tanong.

Binalingan siya nito bago sa gulat niya at yumakap ito sa braso niya bago inihilig ang ulo sa balikat niya.

"Ilang araw nalang aalis na tayo dito at sa bahay muna tayo titira. Mamimiss ko lang ang mga kasama natin dito at ang mga magulang mo." She said na ikinangiti niya.

Melody became close to his relatives especially to his parents. Every sunday na halos may barbecue party sa mansion dahil gusto itong makasalamuha ng pamilya niya. Plus his whole family adore Harmony so bad. Kung sana totoo silang pamilya.

"Well we can extend our stay here if you like. For sure papayag sina mama dahil ayaw din nilang mawalay kay Harmony."

Ngumiti ito bago siya tiningnan mata sa mata. "Nakapag pasalamat naba ako dahil sa pag dating mo sa buhay namin?" Malambing nitong tanong.

At sa di maipaliwanag na dahilan ay lumakas ang kabog ng puso niya habang nakatingin sa mukha ng dalaga.

"Thank you for arriving in our life Klaine. Salamat sa pagpapasaya sa akin at kay Harmony. At kahit di ito totoo eh binigyan mo ng buong pamilya ang anak ko."

Napalunok siya at di makasagot. Melody smiled at him bago isinandal ulit ang ulo sa balikat niya.

"This set up became an advantage to me and Harmony. Kaya minsan natatakot ako dahil pag tapos na to eh baka mahirapan kaming mag move on ng bata. But who am I to predict the future diba? Malay mo naman mapatawad kami agad ng pamilya mo at wala magbago sa pakikitungo nila sa bata."

Hinawakan niya ang kamay nito bago iyon pinisil pero di siya nagsalita. Dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"May sasabihin ako sayo." Sabi nito bago tumingala ulit sa kanya.

"Harmony is not my daughter." Mahina nitong sabi pero tila iyon bomba na pinasabog sa harap niya.

Wtf
————————####——————

Ok first of all I am not a pro when it comes to writing stories. Makakahanap at makakabasa kayo ng mga maling grammar o spelling sa mga gawa ko. O mga words na kinulang sa letra ganern. Kaya kayo na mag adjust hhahahaha anyway boom bomba daw chariz

Jes

Instant Family Where stories live. Discover now