Chapter 19

8.4K 197 32
                                    

"Ano yan?" Takang tanong niya kay Klaine ng ibinaba nito sa harap niya ang isang sakong bigas.

"Nanliligaw ako mahal." Sabi nito.

"Ok?" Patanong niyang sagot.

Huminga ito ng malalim bago umupo sa tabi niya. Nasa living area siya nagbabasa ng libro nang bigla itong pumasok na may kargang bigas sa balikat. Day off nito ngayon kaya family time daw muna. After he  confessed his feelings ay nagsimula na itong manligaw sa kanya.

Literal na pinagsisilbihan siya nito. Kahit may trabaho ito ay sinisiguro nitong ito ang nagluluto ng pagkain niya. He also text or call her every 3 hours to check on her. Imbis na mga katulong ay silang dalawa minsan at kasama si Harmony ang nag gogrocery dahil family bonding din daw yun.

"Sabi mo sawa ka na sa bulaklak at ayaw mo ng chocolate so bigas nalang. Laman tiyan din yan." Sabi nito bago yumakap sa kanya.

Dinig niya ang tawanan ng mga katulong nila sa likuran dahil sa sinabi nito.

Napangiti siya bago hinaplos ang mukha nito. "Practical na manliligaw ka pala." Sabi niya.

"Mahal rice is life sayo. At alam kong mas ikakasaya ng puso mo ang sako ng bigas kesa sa bouquet nang bulaklak."

"Bakit isang sako lang?"

"Lima yan mahal. Nasa labas ang iba, papahinga muna ako dahil mabigat sila." Sabi nito.

Natawa siya bago umayos nang upo at hinayaan itong maging kumportable sa pagkakayakap sa kanya.

"Bawal pagurin kamay mo diba? Hayaan muna sina kuyang guard ang magbuhat ng ibang sako ng bigas."

Tumango ito bago nagbago nang posisyon. This time ay humiga ito sa sofa at umunan sa hita niya bago pumikit.

"Ok ka lang.?" Tanong niya.

"Hmm." Sabi nito bago hinawakan ang kamay niya bago hinalikan ang likod ng palad niya. "I love you."

Napakagat labi siya at napatitig nalang sa mukha nito. Mula nang umamin ito ay napakavocal din nito sa kanya. Gaya nito bigla nalang magsasabi ng I love you. At kahit ayaw niya ay halos sumayaw naman ang puso niya.

"Date tayo." She said.

Dumilat ito at tiningnan siya sa mata.

"Date tayo, libre ko." She said na ikinangiti nito.

"May pera ka?"

Naiiling na pinitik niya ang tenga nito. "Hawak ko sweldo mo." She said bago natawa.

It's true that she holds Klaine's salary from the hospital. Kahit ito ang may ari eh may sweldo parin ito buwan buwan at ikinagulat nalang niya ng bigyan siya nito ng card at check book sabay sabing lahat ng sweldo nito bilang doctor ay sa card na bigay nito mapuputa.

Imagine her shock when she saw her monthly salary. Habang nang pinakita naman nito sa kanya ang kita nito bilang isang negosyante kasosyo ang mga kaibigan ay halos natulala siya. Never in her life she saw that big amount of money.

And now maliban sa card na bigay ni Klaine kung nasaan ang sweldo nito ay binigyan din siya ng debit cards nang mga magulang nito at ng dalawang kuya ng binata.

Pa welcome daw sa kanya bilang myembro ng pamilya. Halos maglupasay siya sa iyak ng maging si Harmony ay may pera din sa bangko, the little girl is a millionaire without her knowing. Thanks to Klaine's family. Halos ayawan niya ang mga bigay ng mga ito pero nagtampo ang mama nang binata kaya wala siyang choice kundi tanggapin ang bigay na biyaya sa kanila ni Harmony.

"Saan tayo magdedate?" Tanong nito.

"Secret. But you need to wear formal clothes." Sabi niya bago pinisil ang matangos nitong ilong.

"How about Harmony?"

"Sina Kuya keno ang magbabantay sa bata."

"So pwede tayong malate umuwi?" Tanong nito.

Napangiti siya bago niyuko ang binata.

"Kahit umagahin pa tayo ok lang." she said bago ito hinalikan na agad naman nitong tinugon.

Kinakabahan siya sa date nila. But she's excited too. Matagal niyang pinag isipan. At alam niyang deserve ni Klaine ang kasiyahan na ibibigay niya para dito.

Instant Family Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon