Chapter 5

8.7K 223 30
                                    

"Hi mahal." Bati ni Klaine sa kanya ng makababa siya sa living area kung saan nakahiga ito sa playmat at nakahiga sa dibdib nito si Harmony.

"Hi. Kanina pa kayo gising?" She asks dahil alas diyes na nang umaga at kagigising niya lang.

Umupo siya sa tabi ni Klaine bago hinaplos ang likuran ng anak.

"Hmm. Mga seven palang."

"Wala kang pasok?" She asks.

"Nope. Day off ko today." Sagot nito.

Mag iisang linggo na sila sa mansion and so far so good. Di na siya sinusungitan ng mama ni Klaine at spoiled na spoiled ang anak niya sa pamilya ng binata. Halos di na nga niya ito mahawakan pag nandito ang buong pamilya dahil kahit ang mga kuya ni Klaine ay hinihiram ang anak niya para laruin.

Alam niyang dapat mabahala siya dahil malaki ang epekto nito sa anak niya pag nakabukuhan na at pag tapos na ang pagpapanggap nila ni Klaine. But she can't back down now. Isa pa subrang saya ng anak niya lalo na pag nasa piling ito ni Klaine. Her daughter maybe young pero tila napunan ni Klaine ang kawalan nito ng ama sa mga nakalipas na buwan.

"You ok?" He ask na ikinakurap niya natulala na naman siya sa pag iisip.

Tumangi siya bago humiga sa tabi nito bago tumagilid para masulyapan ito at si Harmony. Kung sana totoo itong set up nato. Di sana panatag ang loob niya.

"Ang saya ng anak ko." Mahina niyang sabi habang nakatitig sa anak niya na kahit nakatulog sa pagod ay bakas ang saya sa mukha.

"Well, sana masaya din si mommy niya." Sabi nito kaya napatingin siya sa binata. "Are you happy Melody?"

Napakagat labi siya bago mas lumapit dito tsaka inihilig ang ulo sa balikat nito. "Yes. Masaya ako Klaine."

"Kailan mo kaya ako tatawaging mahal."

Kinurot niya ito sa braso. "Tsk baka masanay ako. Mahirap na."

"But you need to do your part mahal."

Napabuntong hininga siya bago nag angat ng mukha sabay pisil sa pisngi nito.

"Ang arte ng mahal ko." She said na ikinatigil nito. Nang tumitig ito sa kanya ay ngumiti siya bago ito pinagtaasan ng kilay. "Oh ayan na mahal ko. Happy kana?"

Sa pagtataka niya ay namula ang tenga nito bago nag iwas ng tingin. Problema ng lalaking to?

She shook her head bago umayos ulit ng higa and this time ay nakapatong na sa balikat ni Klaine ang ulo niya.

"Inaantok pa ako." Mahina niyang sabi.

"Then sleep."

"Hmm. Gisingin mo ako after thirty minutes ok?" Sabi niya bago pumikit.

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakatulog pero nagising nalang siya dahil sa hagikgik ng anak niya at boses ng lalaki na nagsasalita.

When she open her eyes ay adams apple ang sumalubong sa kanya. Kaya tumingala siya only to see Klaine sleeping while hugging her. Habang halos nakapatong naman siya dito.

"Gising na si mama."

Napatingin siya sa sofa only to see kuya Keno and kuya Kellian who's playing with Harmony habang nakatapat naman ang cellphone ni Kuya keno sa kanila ni Klaine. Agad siyang napabitaw sa binata bago umayos ng upo.

"Mahal." Klaine said bago umusog sa kanya at niyakap ang bewang niya. "Tulog pa tayo."

"Klaine!" Sabi niya bago hinampas ang braso nito. Ramdam niya ang pamumula ng magtawanan ang dalawang kuya ng binata. "Gumising ka nga."

"Hmm. Later mahal."

"Isa Klaine." She said bago pilit na inaalis ang kamay nitong nakayakap sa kanya.

"Tsk bakit ba?" Anas nito.

"Mga kuya mo." She said bago itinuro ang mga kuya nito.

Klaine look at them bago umupo. "Kanina pa kayo?"

"Hmm." Kuya keno said bago ibinaba ang cellphone nito. "Masarap ang tulog?" Nakangisi nitong tanong na ikinapula niya lalo.

Pang asar kingina.

"Masarap. Inggit ka kuya?" Klaine said na ikinailing ng kuya nito.

"Come on guys let's eat lunch." Siyang pasok naman ng mama ng mga ito. "Buti naman at gising na kayong dalawa. Wag kasing mag puyat masyado. Ikaw Klaine pag pahingahin mo muna ang matres ni Melody. Yes gusto ko ng maraming apo but with age gap dapat." Sabi nito na ikinalaki ng mga mata nila ng binata habang natawa naman ang mga kuya nito.

"Mom!"

"What? Don't tell me you guys haven't had sex since the moment you guys arrives here? Eh mukhang pinagod mo nga yang si Melody kagabi."

"Oh my god, ma hindi ako pinagod ni Klaine." Sabi niya pero pinagtaasan lang siya nito ng kilay kaya hinampas niya si Klaine.

"What did I do now?" Klaine said.

"Tell your mom something."

"Tell her what?" Sabi nito kaya napasapo nalang siya ng mukha at nagtawanan na naman ang mga kuya ni Klaine.

"Mukhang magkakaroon na naman kayo ng apo mom." Kuya keno said.

"Stop it kuya." Klaine said bago siya niyakap. "Inggit ka lang dahil wala kang kayakap sa gabi." Sabi nito at binato ito ng stuff toys ng kuya nito habang inis na pinisil naman niya ang pisngi ni Klaine. "Aw mahal."

Kainis.

"Enough kids. Come on kumain na tayo. Baka gutom na ang apo ko." Sabi ng mama ni Klaine bago ito tumalikod sumunod naman agad ang mga kuya ni Klaine kasama ang anak niya.

"Sorry." Klaine said pero inirapan niya ito. Ngumisi ito bago sa gulat niya ay bigla siyang kiniliti ng binata kaya napatawa siya ng malakas.

"Klaine!!" She said sa gitna ng pagtawa.

"Hoy kumain na tayo. Mamaya na yang lampungan niyo." Kuya Kellian said.

Diyos ko po.

Instant Family Where stories live. Discover now