chapter 1

2.9K 82 1
                                    

Angee Pov.

Andito ako ngayon sa loob ng mall, hinihintay ko sina Celine, Mahalia, Zyra at Coting. Mga kaibigan ko sila, nagpasama ako sa kanila para bumili ng mga gagamitin para sa paghahanda sa gaganaping camp booth sa campus. Ako ang Vice President ng SSG sa campus, hindi sa pagmamayabang pero sikat ako sa campus, tinatawag nila akong campus crush dahil mapalalaki man o babae ay naiinlove saken( hehe) di ko alam kung anong nakita nila saken para mainlove sila. Attracted din ako sa mga babae pero sa mga oras na to ayoko muna magmahal ulit, hindi sa takot ako sa commitment sadyang di ko alam kung anong lagay ko ngayon, di ko alam kung may jowa pa ba ako o wala na dahil may isang tao akong minahal ng sobra to the point na hindi ko na mabigyan ng pagmamahal ang sarili ko ngunit isang araw ay bigla siyang naglaho at lumisan ng hindi nagpapaalam, iniwan niya ako sa madaling sabi, kung kaya kinikilala ko na siya bilang ex ko dahil 1 taon at 2 buwan na rin naman ng siya'y umalis.

Nakita ko na sina Celine kaya tinawag ko na sila. "Line, Mahal at Zyra" sigaw ko sa kanila, lumapit naman sila saken ng bigla nalang akong sapakin ni Coting dahilan para matingnan ko siya. " So ako di mo tatawagin, nakakatampo ka na ha" Sabi ni Coting, natawa na lang kami sa itsura niya niyakap ko na ito at humingi ng sorry kahit sinadya ko naman haha gusto ko e bat ba?

Pumunta na kami sa tindahan ng mga palamuti at bumili na ng kailangan namin. Pagkatapos ay umuwi narin ako dahil hinihintay ako ng kapatid ko at naalala kong wala itong kasama sa Bahay dahil ngayon ang alis nina mom at dad. So umuwi na ako.

FF.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at naligo dahil ayaw kong lapitan si Stephy ng madumi ako at galing sa labas. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako at hinanap si Stephy, ngunit di ko ito makita sa bahay kaya tinawagan ko sina mom at don ko nalaman na isinama nila si Stephy sa Baguio at don muna nag istay for one week, medjo na sad ako dahil hindi ko makukulit ang kapatid ko at mamimiss ko siya ng sobra. Nagdecide na akong tawagin ang mga kaibigan ko para pumunta sa bar dahil nabobored na ako. Pumayag naman sila kaya nagbihis narin ako at pumunta na sa bar.

FF.

Papasok na ako ng bar at hinihintay ko na lang sina Coting, umupo ako sa harap ng bartender at nagsimula na uminom, hindi naman ako agad nagpakalasing dahil magdadrive pa ako at isa pa ay wala pa sina Celine. Umorder lang ako ng umorder ng alak na hindi masyado malakas ang tama sa katawan ko, may nakita naman akong babaeng pasuray-suray ang lakad, sigurado akong lasing na ito, Nung nasa tapat ko na siya ay bigla na sana siyang tutumba, mabuti na lang at nakapitan ko ang braso nito.

"Hey miss, are you ok? Tanong ko sa babaeng kapit ko ngayon. Tiningnan niya ako at ngumiti, damn she's so hot at ang ganda niya kaso lasinggera hayst (wow kala mo di ka lasinggera ha). Bigla na lamang siya akong sinukahan dahilan para madiri ako. " Yayks, what the, sino ba mga kasama mo" tanong ko sa babaeng ito ngunit tanging smirk lang ang natanggap ko. Ambaho ng suka nito kaya napagdesisyunan ko ng umuwi kahit wala pa sina Celine. Dinala ko na itong babaeng sinukahan ako dahil baka kung ano pang mangyari sa babaeng ito nakaka-awa naman. Pumasok na ko sa kotse ko kasama ang babaeng lasing na to, at nagsimula na akong magdrive pauwi. Tatawagan ko na sana sina Celine ngunit ako Ang tinawagan nila gamit ang phone ni Zyra.

*On call*

Angee: hello?
Zyra: Gee, andito na kami, asan ka na?
Angee: sorry I can't make it.
Celine: Tarantado! Ikaw nag-aya samin where are you?
Angee: ano kase, ambaho ko kasi may sumuka saken, so disgusting!
Mahalia: sino? Wala naman ng babaho Kay Coting.
Napatawa naman ako don ng bigla Kong narinig ko Ang boses ni Coting.
Coting: tangina niyo ha, forda dog show ako ganon?
Angee: sorry guys pero umuwi na ako, sobrang baho talaga. Bawi ako sainyo, byee!

*Call ended*

Pinatay ko na ang tawag dahil malapit narin ako sa bahay ko. Maya maya pa ay dumating na ako sa bahay ko at ibinaba ang lasing na babaeng ito sa loob ng kotse ko at inilalayan ito hanggang sa makarating kami sa sala, hiniga ko siya sa couch at habang ako ay dumiretso na sa Cr at naligo dahil sobrang bago talaga, ano ba kinain ng babaeng yon? Jusq ha. Pagkatapos kong maligo ay pinalitan ko ang damit ng babaeng kasama ko dahil may suka rin siya sa damit, damit lang papaltan ko baka Kase isipin niya na may nangyari samin, hinubad ko ang suot niyang damit at pinaltan ito she has a beautiful body ang sexy niya yawa, may abs din siya omygosshhh!. Pagkatapos ay iniayos ko ang higa niya sa couch at kinumutan ito, binuksan ko na Rin Ang Aircon para lamigin siya charr para kumportable ang tulog niya, inaantok narin ako kaya natulog na din ako....goodnight.

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now