chapter 4

1.2K 69 1
                                    

Angee Pov

Simula na ang camp booth at masayang masaya ang lahat ng studyante, kita sa mga mata nila ang saya panigurado akong nageenjoy naman sila. Kasama ko sa camp tent si Mahalia, Celine, Ward, Zyra, Coting, Louise at Andi. Mag-isa ako ngayon sa camp namin dahil wala sila at nag eenjoy sa labas, iniisip ko ang mga sinabi ni Celine, tama siya, maling umibig sa taong nasa relasyon dahil di ko din naman pinangarap na mang agaw at maging kabit. Sa konting panahon na nakilala ko si Ward nakaramdam ako ng butterflies sa tummy ko everytime na nakikita ko siya lalo na pag ngumingiti siya Ang gaan ng loob ko pag siya yung kaharap ko, Am I inlove? Tama ba tong nararamdaman ko?.

"Ehem... Angee? Are you ok lang ba talaga?" Tanong ng nasa likod ko, nagulat naman ako don kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Lumingon ako Dito at Nakita ko Ang napakagandang muka ni Ward.
" A-ahmm yes ward, I'm ok" sagot ko naman sa kanya.
" Why are you here nga pala, don't you want to enjoy this day I mean ayaw mo ba itry yung mga booth? " Si Ward.
" Nah, I'm ok Ward, I'm just thinking something, magkakaron nga pala ng campfire mamayang gabi" sambit ko naman.
" Oh really? c'mon Angee let's go outside let's enjoy this day" hihindi sana ako sa kanya ng hilahin naman niya ang mga kamay ko kaya wala na akong choice kundi ang sumunod.  Pag labas ko naman ay siyang dami ng taong lumapit saken at nagpapicture, wala na akong magawa dahil kanya kanya sila ng labasan ng mga cellphone nila. Si Ward ang naging taga picture namin at nang matapos na ang pagpapapicture nila ay kinausap ako ni Ward.
" Di ka ba nagsasawa or naiinis everytime na may lumalapit sayo para magpapicture?" tanong niya.
" Actually, medyo naiilang ako haha kase dinaig ko pang artista everytime na lalabas ako, sorry nga pala ginawa ka pang photographer." sagot ko naman habang nakangiti sa kanya.
" Hahaha it's ok" sagot naman niya sabay ngiti saken. Hay nako ka Ward Reinalyn.

FF ( one week later)

Angee Pov.

It's been one week since the camp booth ends. Sobrang daming magagandang memories ang nabuo, successful ang naging camping namin, maraming nabuong friendship at maraming manliligaw ang nagdiwang dahil sa pagsagot sa kanila hahaha gaya ni Kobie and Andi, Mahalia at Karl, Celine at Cyd. Grabe din tong mga kaibigan ko magkakaibigan ang sinungkit haha well I'm so happy for them specially to my cousin Kobie.  At kami naman ni Ward ko mas lalo pa kaming naging close, kilala na namin ang isa't isa, di na dumaraan ang araw na hindi ko siya nakakausap, and for the past few days don ko na narealize na I'am starting to catch feelings for her, alam na ng mga kaibigan ko yung about sa feelings na yon and alam narin naman ni Ward, masaya ako na tanggap parin niya ako as her BESTFRIEND sa totoo lang masakit siya pero it's ok siguro hindi palang talaga siya handa and I understand her naman.

Ward Pov.

It's been a week since Angee told me that she like me, nashock ako sa mga panahon na yon kase biglaan yung pag-amin niya, I don't know what to feel (she said na naiintindihan niya naman ako and tanggap ko parin naman siya as my bestfriend) kase sa totoo lang mahal na mahal ko parin si Ken, hindi biro Ang 3 years na pinagsamahan namin, hindi pa kami ng uusap ni Ken simula nung nakipaghiwalay siya saken sobrang nalungkot ako ng mga panahong yon mabuti nalang at nasa tabi ko lang si Angee at Hindi niya ako iniwan, umalis si Ken papuntang Canada, Hindi ko alam kung kailan siya babalik o kung babalik pa ba siya.

Today is Saturday and it's Angee's birthday she invited me and our friends to her birthday party and may papakilala daw siya samin. Nakabili na ako ng gift para sa kanya it's a couple bracelet for me and for her. Nag reready na rin ako para puntahan si Andi dahil sa akin siya sasabay.

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now