chapter 6

1K 58 0
                                    

Angee Pov.

Kagigising ko lang at sobrang sakit ng ulo at mata ko. Wala na sa tabi ko si Mahalia, tiningnan ko orasan at shett tanghali na mag aala-una na, pinuntahan ko ang mga kwartong tinulugan nila pero ni Isa at wala ba akong naabutan, bat naman di ako ginising ng mga yon? Bumaba na ako at sa sala ay sakita ko Stephanie na naglalaro sa Ipod niya. Lumapit ako dito at binati siya.

" Good afternoon baby" hinalikan ko siya sa cheeks niya at tumingin naman ito sakin, kita sa mga mata niya ang pagtataka na may halong pag aalala.
" Good afternoon too ate, I know you enjoyed your day kahapon that's why you woke up late but why your eyes looked like you cry all night, did you cry? Are you ok" tanong naman niya.
" Yeah baby, I'm ok don't worry about me and yes I cried because of my joy because I'm so happy yesterday" pagsisinungaling ko, nagpaalam ako kay steph at pumunta sa Cr para tingnan ang muka ko, and sheetttt magang maga, naligo na ako dahil may lakad ako ngayon, magsasalamin nalang ako para hindi masyadong halata na umiyak ako.

Natapos na akong maligo at Thank God medyo lumiit na yung pamamaga ng mata ko at madaling hanapan ng palusot to like kinagat ng ant or ng ipis haha habang nagbibihis ako iniisip ko yung mga kaganapan kagabi at nagsimula ng maging malungkot, naaalala kong buong araw ko hinintay si Ward pero di ito dumating at nakita ko pa Ang post nito na Kasama si Ken. Sakit mo sa apdo Wardo... Tapos na akong magbihis at kaya bumaba na ako para kumain, habang naglalakad ako papuntang kusina, bigla nalang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag, tiningnan ko ito and It's Ward. Wala parin akong gana kausapin siya kaya pinapatay ko lahat ng tawag niya. Hindi niya ako binati tas Hindi pa niya tinupad Ang pangako niya and now she's calling like nothing's happened? wow naman, ganon ba ako kawalang important sa kanya sakit ahh....

Natapos na akong kumain at nagpaalam na kay Steph na aalis na ako, kinuha ko ang susi ng car ko at nagsimula ng mag drive, papunta ako ngayon kay na Celine dahil mag papasama ako sa kanya sa pag gagala sobrang boring kase, Hindi ko sinama si Steph Kase susunduin siya ni Daddy papunta kay na Papa-lo. Ilang oras pa ay nandito na ako kay na Celine, nagulat ito ng makita ang mga mata ko.

" Gago ka, sige iyak pa" natatawa nitong sabi hinampas ko ang braso nito dahilan para hampasin niya din ako.

" Aray ha, masyado kayong nag eenjoy na saktan ako" sambit ko naman, napatingin naman ito saken at tumawa nalang bigla.

" Ayy forda hugot ang ferson naks naman, masakit ba? " pang aasar pa nito. Itiwarik ko kaya ang babaeng to no?

" Sa totoo lang oo, pero nasasanay na ako, wala talaga yatang para saken Line mapa bestfriend at lovelife di ko mahabap, imagine mo yung ex ko iniwan ako ng biglaan hanggang ngayon di ko alam kung bakit sunod naman si Ward bestfriend ko na mahal ko din, pinaasa naman ako at sinasaktan pa ha not physically pero you know, kaya medyo sana'y na ako, walang taong nag sstay saken " sagot ko naman. Tiningnan naman ako ng masama ni Celine.

" Alam mo umuwi ka na, oo, nastress ako Sayo, mag mall ka mag isa" sagot naman nito haha may nasabi ba ako?

" Hala why? Hoyy haup ka tigilan mo ko sa drama mo ha" natatawa kong sambit.
" Anong walang nag sstay? Ano ako? Ano yung 8 years of friendship na nabuo natin nina Zyra? andito pa kami sayo oh, alam mo Angee talikuran ka man ng iba wag ka mag alala kase ako/ kaming mga kaibigan mo di ka namin iiwan, andito lang kami palagi para sayo basta wag ka lang papatay ha" seryoso namang sabi nito. Napangiti niya ako sa mga sinabi niya. Ilang minuto pa ay naghanda na kami para gumala, sinabihan ko na Yung mga kaibigan namin at Sabi nila magkita kita nalang daw kami sa mall.

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now