chapter 11

1.1K 105 9
                                    

Angee Pov

Naglalakad ako ngayon sa hallway papasok sa classroom namin, at as usual marami na namang sumalubong saken, dinaig ko pa yung may anak tas everytime na uuwi ako nagsusulputan sa harap ko. Gaya ng dati nagpapicture lang sila, di kaya nafufull phone storage ng mga to? haha habang naglalakad ako may narinig akong sumisigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako sa likod ko at nakita si Celine at Mahalia na tumatakbo palapit sakin.....

Ok na kami ni Ward, yung dalawang linggong walang pasok ay walang ibang ginawa si Ward kundi ang bumawi sakin dahil sa ginawa niya halos sa bahay na nga rin namin tumira e kaya wala na akong nagawa kundi patawarin siya haha. Andito kami ngayon sa loob ng classroom, katabi ko si Ward pero busy lang ito sa pag seselpon.

" Hey Ward" pagtawag ko pero hindi niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa pagseselpon. Tinawag ko siya ng tinawag hanggang sa mapansin na din ako, finally.

" Hmm? M-may sinasabi ka?" She asked.

"Kanina pa kita tinatawag, ano bang ginawa mo?" pagtatanong ko. She just looked at me and smiled.

" Ah wala, kachat ko si Ken, tinatanong niya kung pwede daw siyang sumabay satin sa lunch" she explained. Wow ha, harap harapan ha Wardo.

" Anong sabi mo" tanong ko.

" Pumayag naman ako, pwede ba?"tanong naman niya. Loko to ah, nakasagot na siya bago pa magtanong.

" Seriously? Pumayag ka na saka ka nagtanong kung pwede? Malamang wala ng choice kundi isama siya dahil pumayag ka na, di ba? " I said and I rolled my eyes, kita niya yon kaya napatawa nalang siya.

" Aba aba, pag ikaw na ano ko" pananakot niya. Ano ano Wardo?

"Ano ano?" I asked.

" Selos ka lang e, wag ka na magselos ikaw naman ang peyborit kong bestfriend" sambit niya.

" Pag may nakita na akong maganda tas naging kaclose ko ng sobra, tas magiging sweet at comfy na ako sa kanya...Ward sinasabi ko sayo magseselos ka din" banta ko.

" Sus, ako magseselos duh, never mo ko mapagseselos Angee, Saka Yung clingy side mo, alam kong sakin mo lang gusto iparamdam yan " sambit niya habang nakangiti, proud na proud yan?

" Kapal mo Wardo, pag yon talaga nahanap ko, mag seselos ka din" I said. Tumawa lang siya sa sinabi ko at tumingin na sa harap dahil pumasok na Rin si Teacher Shas sa loob at nagsimula na ang klase.

FF.

" Ok, that's all for today see you around" huling bati ni teacher Shas bago lumabas sa classroom.

Lunch time na kaya lumabas na kami sa room. Kasama ko ngayon sina Andi, Kobie  Mahalia, Karl, Coting, Celine, Cyd, Ward and Ken. By partners sila, opo. Nasa una namin si Ward at Ken, sarap tadyakan sa sobrang sweet sumasakit at lumalabo paningin ko. Kasama ko din si Zyra at Coting, kami naman yung nasa likod, nakakahiyang sumabay sa kanila, mga naka holding hands na akala mo may aagaw sa mga jowa nila. Habang naglalakad kami ay may naririnig akong boses na pinag-uusapan ako at nakita kong nakatingin sila saken kaya nginitian ko lang sila. Sana'y na akong pinagtitinginan ako pero this time para bang kinakabahan ako na ewan.

" Why are they looking at me" tanong ko kay Zyra at Coting.

" Di ka pa nasanay, araw araw ka naman pinagtitinginan ng mga yan"sagot naman ni Coting.

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now