chapter 7

1K 60 0
                                    

Ward Pov

Andito kami ngayon sa restaurant na paborito naming kainan ni Ken, and yes, kasama ko Ken ngayon Kase di ba nga may date kami.... Nakaorder na kami ng food at nagkwekwentuhan kami sobrang saya niya parin kausap kaya naman di ko mapigilan di matawa dahil sa kwenekwento niya ng biglang may pumasok sa pinto ng restaurant at ang ingay ngunit ang boses na yon ay pamilyar at tama ako it's Celine, Zyra and Mahalia kasama rin nila si Angee, tiningnan ko sila at nginitian specially Angee, napatingin din si Angee saken pero mabilis niyang iniiwas ang tingin niya. I'm sorry my Angee. Tinawag ko sila ngunit tanging si Mahalia, Zyra at Celine lang Ang lumapit saken habang si Angee ay umupo na sa Isang table na medyo malayo sa table namin ni Ken pero sapat na para makita ko parin siya.

" Hey Ward, andito ka pala" bungad sakin ni Zyra.
" Ah yes, kasama ko si Ken" Sabi ko sa kanila, humarap si Ken sa kanila ngunit wala silang reaksiyon yung para bang wala silang paki-alam. Hayst mga to talaga.
" Oum, hi Ken! Nice to see you again, anyway Ward puntahan na namin si Angee ha, enjoy your date" nakangiti namang sabi ni Celine, alam kong ayaw nila kay Ken specially Angee and Andi dahil nawitness nila yung hirap ko nung nakipagbreak to saken and sila yung bumuo saken nung dinurog ako ni Ken, pinasaya nila ako at pinaramdam nila saken na di ako nag-iisa pero nagbago na si siya and I love him parin. Ngumiti ako sa kanila at tiningnan ko ulit si Angee na nagseselpon lang na walang kaemo-emosyon kita sa muka nito ang lungkot at pamumugto ng mga mata niya. I'm sorry Angee, I'm really sorry. Bulong ko sa sarili ko. Umalis na sina Celine at pumunta sa jay Angee na busy parin sa pag pophone. Gusto ko sana siyang puntahan pero naalala kong kasama ko si Ken at isa pa ay nasa date ako. Nagpaalam nalang ako sa kanya na may tatawagan ako at pumayag naman siya.

Tinawagan ko si Angee pero kita ko kung paano niya patayin ang bawat call ko, she's mad at me, nagkatitigan kami ng ilang oras at bigla siyang tumingin sa phone niya at mukang seryoso to, pang abala naman yon kung sino man siya sana di masarap ulam niya. Gusto ko ng bumawi kay Angee kaya naman pagkatapos namin kumain ay nagpaalam ako kay Ken na sa susunod na araw nalang namin ituloy ang aming date. Sinabi ko na may importante akong gagawin. Pagkatapos naman naming kumain ay nagpaiwan na ako kay Ken sa resto, sakto at may nakita naman siyang kaibigan niya na niyaya siya makibonding, nagpaalam siya saken at pumayag naman ako, hinalikan niya ako ng smack sa lips ko ng bigla kong nakitang nakatingin samin si Angee pero mabilis ulit niyang iniwas ang mga tingin niya. Umalis na si Ken kasama ang kaibigan niya, nakapag bayad narin kami sa kinain namin, lalapit na sana ako sa table nina Celine ng bigla namang tumayo si Angee na para bang nagmamadali ito.

" Ang..." tawag ko dito pero mabilis na siyang lumabas sa pinto...

" Ward, halika, upo ka" Alok ni Mahalia.
" Where is she going?" nagtatakang tanong ko.

" A-ahm kase may nagtext sa kanya ng address, pinapapunta siya so sabi niya pupuntahan lang daw niya saglit kase importante daw" pagpapaliwanag naman ni Celine. Where is she going? May pupuntahan ba talaga siya o iniiwasan niya lang ako?

" What? What if pinagtitripan lang siya non? Ano bang pumasok sa utak non para pumatol lang sa text, what if scam lang? Mag-isa lang siya, what if masaktan siya at may mangyaring masama sa kanya?" natataranta kong sagot sa kanila, what can I do? I care for Angee.

" Ward, kumalma ka nga, matalino si Angee, ok? And isa pa baka taga-hanga ni Angee tas may gusto lang ibigay kay Angee" Celine said.

" Omsim and what if yon na pala yung future bf/ gf ni Angee di ba?" natatawa namang sagot ni Mahalia...

" Yes yes tapos Yung ibibigay Pala para Kay Angee at yung heart niya tas magustuhan ni Angee, owshii normal lang bang kiligin?" Banat naman ni Zyra. Ewan ko lang ha pero ansarap pag uuntugin ng mga to.

" Ikaw ba Ward, anong pumasok jan sa utak mo para di sumi..." seryosong sabi ni Zyra pero hindi niya ito natapos ng biglang may nagtext sa kanya tiningnan niya ito na dahilan para tumulo ang mga luha sa mga mata nito.

Nag alala kami sa kanya kaya tinanong namin siya kung anong nangyari.
" Hoyy Zy, usap lang walang iyakan parang tanga naman to oh" natatawang sabi ni Celine.

" Why are you crying? Did something happened?" pag-aalala ko namang tanong.

" I'm ok, I have to go, Line and Lia kay Ward nalang kayo sumabay ha. Ward sayo na sasabay yung dalawa, may pupuntahan lang ako" naluluhang sambit ni Zyra. Ilang minuto pa ay lumabas narin ito ng pinto. Anyare don? Bat naman umiiyak dzai.

Ilang oras pa ay niyaya ko na sina Mahalia at Celine na umuwi dahil 5:00 na ng hapon at hindi parin bumabalik si Angee. Inihatid ko sila sa kani-kanilang bahay at dumiretso na sa bahay namin, hindi ko pa nakakausap si Angee, I missed her, I miss her kisses and her hugs and syempre yung pagiging clingy niya. Paano ba ako babawi sa kanya?.

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now