chapter 18

1.1K 75 3
                                    

Ward Pov

Andito kami ngayon ni Celine at Mahalia sa upuan sa tabi kung saan naglalaro sina Cyd and Karl. Kita ko naman si Angee at Zyra na seryosong nag-uusap. Hindi ako kinakausap or pinapansin ni Angee kanina pa, Hindi ako sanay, I miss her clingy side. Nakatingin lang ako don sa dalawa at napansin naman ito ni Celine.

"Kung yelo lang yang si Angee, kanina pa yan tunaw" Celine said.

" Umsem, bat ba di kayo nag-uusap may problema na naman ba kayo?" Mahalia asked.

" I told her some masasakit na salita, galit lang ako and di ko naman sinasadyang sabihin yon e" naluluha kong Sabi. They both looked at me like they are concerned.

" Ikaw naman Kase, di ka naghinay hinay sa sinasabi mo" pagrereklamo ni Celine.

"Anong Meron? Bat di ko alam?"sabat naman ni Mahalia. Babaeng to laging late haha. Kwinento ko sa kanya lahat ng nangyari sa pag-uusap namin ni Angee, pati si Mahalia nagulat sa sinabi ko pero si Celine parang di siya nagulat. Alam na niya ba?

"Grabe ka Wardo, kung ako si Angee, auto move on na ako Sayo and malamang di ka papansinin niyan ano ineexpect mo? tas kanina Nakita ka pa niyang katukaan mo si Ken" Sarcastically Mahalia said.

" Angee is right naman kase talaga Ward, sa sobrang pagmamahal mo kay Ken di mo na nakikita Yung totoo about sa kanya, Hindi ka naniniwala sa sinabi ng iba kahit yon ang totoo." Sabat naman ni Celine. Hayst Ewan ko na jusko.

"What do you mean?" I asked dahil nalilito ako.

" Kasama ako ni Angee na nakakita kay Ken habang may hinahalikan, sinubukan ko siyang pigilan sa pagsapak sa jowa mo pero di ko napigilan kase nagalit na siya. May picture pa nga siya e pero di niya pinakita sayo kase galit na galit ka na daw kagabi and isa pa ayaw niya sabihin sayo kase Sabi niya gusto daw niya na Ikaw yung makadiscover ng kagaguhan ng jowa mo at Isa pa baka isipin lang na sinisiraan niya si Ken Sayo dahil gusto ka niya." Pag eexplain naman ni Celine. So all this time Angee is right? But why she didn't show me the picture she took? Kase nga galit na galit ka na daw Sabi ng isip ko. Hayst jusko, nasaktan ko na naman si Angee....

" Talk to her later, ako bahala sayo" sabat naman ni Mahalia.

Ilang sandali pa ay nagpunta na kami sa WOF (world of fun) nagsimula silang maglaro, habang ako ay nakatingin at pinapanood lang si Angee na nakangiting naglalaro, she's so beautiful paano ko nagagawang saktan ang babaeng to? Antanga ko para sayangin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang pasayahin at mahalin ako . Nagtagal kami sa arcade at di namin namalayaan na hapon na nagpaalam naman na si Cyd at Karl na may lakad sila ng barkasa nila kaya umalis na sila at di na sumama samin. Nagutom kami kaya naglakad kami papunta sa isang japanese store para kumain, pumasok kami at isa lang ang nahaligap ng mga mata ko si Ken. He's with a girl and he looked so happy. Ang paalam niya saken ay may family date sila pero tangina dalawa lang sila. Unti unting namumuo ang luha sa mga mata ko at ramdam alam ko na ilang saglit lang ay lalaglag ito.

"Guys a-ayoko dito, di ako mag eenjoy" biglang sabi naman ni Angee, alam kong ayaw niya lang na makita akong nasasaktan dahil kita niya rin si Ken with that b*tch girl and isa pa favorite ni Angee Ang japanese food kaya imposibleng di siya mag eenjoy.

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now