chapter 45

965 75 5
                                    

Celine Pov.

"Hug the person you really miss the most" utos ni Coting kay Angee. Tumayo naman si Angee agad sa pinsan niya at niyakap ko sabay sabing.

"I missed you Cuz" sabay smile. Lumayo pa katabi naman niya ako charizz. Nakabalik na si Angee sa tabi namin ni Angel at nagpatuloy na sa paglalaro.

Pinaikot na ulit ang bote at tumapat naman ito kay Jelly at si Karl ang magtatanong/mag uutos.

"Dare"

"Kiss Angel's lips" utos ni Karl na agad naman ginawa ni Jelly.

"So ano kami dito?" Tanong ni Angee. Napatingin kami kay Angee at natawa.

"Why? Are you still Single?" Tanong naman ni Mahalia.

"Bakit? Turn ko na ba sa truth or dare?" Natatawang sagot ni Angee kaya naman nahampas ko ito.

"Aray naman! Mapanakit kayo" reklamo pa nito.

"Sa gandang angas mong yan wala kang jowa?"tanong naman ni Zyra. Tumawa lang si Angee at sinabing ituloy na ang laro.

Pinagpatuloy namin ang laro hanggang sa tinamad na kami pero pansin ko na kanina pa walang imik si Ward. Ang ingay nito lagi e.

Niyaya naman ako ni Angee na pumunta sa may upuan malapit sa may catage habang yung iba ay nagkwekwentuhan. Gusto ko rin Ng Chika Mula sa babaeng to kaya sumama na ako. Kita mula sa kinauupuan namin ang ginagawa ng iba naming kaibigan.

Angee Pov

Niyaya ko si Celine sa isang upuan na medyo malayo sa iba naming kaibigan. Namiss ko din tong babaeng to e.

"Namiss kita Line" I said. I do miss her, them rather. Sobrang tagal ko nawala and glad wala sa kanila Yung galit siguro dahil inexplain din talaga ng ayos ni Ward yung reason ko.

"Ako rin... namiss kita eyngiii, grabe Yung 3 years ha" sagot naman nito. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti lang.

"Kamusta ka naman? Bat di ka namin makontak?" tanong naman nito. Actually sinadya ko yon, sinadya kong di magparamdam sa kanila kase gusto ko sanang mag focus don sa operation na Hindi naman matuloy tuloy kasi laging adjusted.

"Ah eh kase nag focus muna ako sa trabaho pero don't worry inside that 3 years ok ako, nag heal ako literally and I found my happiness already" I replied. Pinatong ko ang ulo ko sa shoulder niya at tiningnan ko naman Yung iba naming kaibigan pero mas tinitigan ng mata ko ay si Ward. Walang bago, maganda parin siya Lalo na pag ngumingiti but I can see something in her eyes na hindi ko maintindihan kaya di ko na napigilang Hindi tanungin si Celine.

"Sya, kamusta siya?" Tanong ko habang nakatingin kay Ward na nakaupo lang sa tabi ni Zyra at tumatawa dahil sa kautuan ni Jethro sa pagpapatawa.

"Si Ward!?" Tanong ni Celine.

"Oum" I replied.

"Actually this year lang ulit namin nakitang ganyan yan. I mean after she got promoted sa trabaho niya which is 6 months ago na don lang namin siya nakitang sumaya at ngumiti ng ganyan." She replied. I can't understand what she's saying right now but I'm happy that she got promoted na.

"What do you mean?" I asked because I'm so curious na.

"After mo umalis, she started to drink everyday... She's stuck with you for almost 2 years and then she became workaholic to the point na Hindi na Yan umuuwi sainyo kase sa ospital na natutulog pero still lagi siya umattend sa night out natin. Then ayon nga napromote siya kaya mas lalong naging busy.... siya din kase naghahandle ng mga interns sa ospital. And now feeling ko and I can see that she's still stuck with you, pansin mo naman kanina pa tahimik yan" she answered. I can't understand.. di ba pinalaya ko siya para piliin niya yung nagpapasaya sa kanya. But why she got stuck with me? Why?

"What do you mean? stuck with me? Di ba I set her free to be with Kyle. Because I can see and she said that she's happy with that man" I asked. Tinanggal ko ang pagkapatong ng ulo ko sa balikat niya pero nakatingin parin ako Kay Ward.

"Oh my god. No!  That night before you broke up with her nalaman niya na Kyle has a girlfriend and he's just using Ward para pagselosin yung ex niya at para bumalikan siya at ayun bumalik nga yung girl... Kaya Ward stopped seeing him and kita mo naman na wala na Dito si Kyle kase Hindi na siya sinasama ni Angel Dito because of what happened." Celine said. Natunganga ako sa narinig ko. So niloko lang niya si Ward? Seriously? Ginamit niya lang yung babaeng minahal ko ng sobra? What the F*ck?

"Wth? Jerk ampt" bulong ko pero mukang narinig parin ni Celine dahil nagreact ito.

"Omsim" Celine said.

Inaantok narin si Celine kaya pumunta na kami sa mga kaibigan namin. Sinabi ko sa kanila na uuwi na ako pero they insist. Panget ko pa daw kabonding haha. They said sa tabi parin daw ako ni Ward matutulog dahil wala daw itong katabi so I don't have a choice.

Umakyat na silang lahat sa kani kanilang room habang ako naman ay nagsabi na maglalakad lakad muna ako sa tabi ng dagat Kase di parin naman ako inaantok.

Habang naglalakad ako ay may sumulpot naman sa tabi ko na kinagulat ko naman, kulang nalang atakihin ako sa puso dito may sakit pa naman ako juskooo..

"Can't sleep?" She asked

"AY KABAYONG BAKLA!!..." Tiningnan ko ito and it's Ward.

"Ward!! Nagulat naman ako sayo!" I said. Kase as in nagulat ako pips.

"Yeah, I can't sleep so I decided to walk muna, Ikaw? You don't have work tomorrow? Why aren't you sleepy?" Sunod sunod kong tanong.

"Teka lang naman haha... But yeah I can't sleep din. Madalas ko gawin to every Saturday. Yung maglakad sa tabi ng dagat. Sana'y na Rin ako e haha" she replied. She's just smiling habang hinahawi ng hangin Ang buhok niya. Ang Ganda nya parin.

"Oum I see, kamusta ka Ward?" Tanong ko dito. Tumingin ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa malayo.

"I'm good...I'm happy, Ikaw? Kamusta ka, grabe din Yung 3 years hmp? She replied. Did she missed me? charizz Angee kumalma ka.... BAWAL ANGEE... BAWALLLL!!!

"I-Im fine... Still busy and yeah like you I'm happy!" I said. She just smiled while still looking a far. Sino ba tinitingnan nito.

Binalot kami ng katahimikan ng bigla naman nag ring ang phone ko agad ko naman itong sinagot...



































Hiloowww? Kamusta kayo?

Until I Found You || WangeeWhere stories live. Discover now