Chapter 12

3.1K 270 31
                                    


  Pakiramdam ko ay unti unting namamatay ang bawat hibla ng pagkatao ko. I'm crying so bad.

Ang cliff ay may iilang matutulis na rock formations sa ilalim at ang malawak na karagatan na agad.

Ayaw kong maging negatibo at naniniwala na buhay si Margo. Sana nga.

Niyakap ako ni Nathan. Naririnig ko ang hikbi ng mga pinsan ko. May chopper agad na dumating at hindi ko alam kung sino ang nagpatawag nun.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. But it's clear na kasalanan ko. It's all my fault!

Medyo lumakas ang ambon dahilan na hawakan ako ni Nathan. Katabi niya ang isang awtoridad.

"Sir , Kailangan natin isecure ang kapatid mo upang makuhaan ko ng impormasyon at detalye." aniya ng isang pulis.

My brother nodded annoyingly. "My father will call you." iyon lang ang sagot ng kapatid ko at hinila ako pababa. Maraming awtoridad at iilang taong nakikiusyuso. Ang mga pinsan ko ay may katawagan na sa kani-kanilang cellphone.

Probably tita's and tito's.

Isipin ko pa lang na tinatawagan sila ay natatakot na ako.

"S-Shit." I cursed and held my chest. It's aching so bad thinking what would happen to Margo.

Sinakay agad ako ni Nathan sa sasakyan. Pate ang mga pinsan ko ah mabilis na sumakay.

"Oh God!" narinig ko si Ruby na humagulhol.

Niyakap siya ni Emerald na umiiyak. All of us are speechless.

"K-Kasalanan ko ito. Dapat hindi ko na kayo niyaya dito. Diyos ko sana-" hindi na maituloy tuloy ni Amy ang sasabihin.

"Walang may kasalanan. Marami na ang naghahanap. Nandoon si Felix at ibang eksperto. Tiyak na mahahanap si Margo." Si Nathan.

Pagdating palang namin sa bahay ni lola Magda ay nasa na agad si lola. Halatang nag aalala siya. Tinitigan ko ang cellphone ko at nakita ang maraming tawag ni mommy, daddy, at Raphael.

Fuck! Bumuhos ulit ang luha ko at tahimik na umiyak. Lumabas ang mga pinsan ko at inabutan agad sila ng tuwalya.

Hindi ako lumabas at tinitigan si Nathan.

"N-Nathan... I'm scared." humagulhol akong muli. Namumula ang mata ni Nathan.

Huminga siya ng malalim. "Walang may gusto nun princess. Margo is okay. She is okay."

Alam ko na pambalubag loob niya lang iyon sakin.

Nang pumasok ako ay inabutan aki ng tuwalya ni Lola Magda. Sobrang nag aalala siya at nakita kong nakaupo ang mga pinsan ko sa sala. Naglagay agad sila ng mainit na tsokolate sa mesa.

"M-Mga apo ko. Diyos ko. May awa ang Diyos. -"

"Magda, andiyan na ang pamangkin mo sa labas!" may bumalita agad kay lola at dumagundong ang dibdib ko ng sunod sunod na sasakyan ang aming narinig.

Bumukas ang pintuan at pumasok si mommy kasama niya si Lola Christina. Doon palang, napapikit na ako ng mariin.

"Fuck." napamura na si Nathan at napasabunot sa sariling buhok. Agad akong hinawakan ni mommy at lola.

"A-Are  you okay?" garalgal ang boses ni mommy.

Nilingon ni mommy ang mga pinsan ko na umiiyak, maging siya ay naghihinagpis. Maya maya pa ay pumasok na rin si tita Zandria at ang lola ni Ruby, si Lola Sonya.

"Mommy!" niyakap agad ni Ruby si tita. I am out of words at umiwas na lamang. Hindi ko maiwasan na hindi isipin kung ano na ngayon si Margo.

Ang dami nang nagsasalita ng dumating rin si tito Clinton at tita Kylie. Si daddy raw ay  tumulong sa paghahanap kay Margo, kasama si tito Damon.


Damn. Buntis si mommy at tita at ito pa ang binigay kong' problema!

"Sino ba ang may plano ng hiking niyo na ito?-" tanong ni lola Sonya ngunit dumating agad ang iilang police para hingan ako ng detalye.

Agad akong hinawakan ni Nathan sa balikat, nakaupo ako sa sofa habang nasa likod siya.

"Are you okay with this?" nangungusap ang kanyang titig sakin. Alam kong tinitimbang niya ang nararamdaman ko.

I nodded. Pumikit siya at hinayaan ako.

Nakita kong dumating rin pala si tita Frixxie at kinamusta ako. Tahimik ang lahat ng tinanong ako ng nag imbestigador.

"We went around as s-she wanted to take pictures on the cliff. While we were taking pictures, we saw a snake and because of the panic, she backed away and fell."

Tumango ang nag iimbestiga sakin. "Nakita rin namin na may kapabayaan iyong lokasyon. Walang pundasyon para hindi mahulog ang kanilang turista."  Nathan added, sumang ayon ang imbestigador at tumango ako.

"So it means it was all an accident? Wait..." Lola Sonya butt in. "Hindi ba baka sinadya ang lahat?"

Suminghap ang mga pinsan ko.

"Mawalang galang na ho lola pero ano p-pong sinadya? " hindi na napigilan ni Amy ang sarili. Mugtong mugto na ang aking mga mata.

"That maybe Sapphire really pushed her? Tinulak niya ang apo ko? Kasi kung tutuusin ay maililigtad niya si Margo-"

"Madam Sonya-" sinukang magsalita ni Tita Zandria ngunit hindi niya maituloy.

"That's possible-" sabi ni lola Sonya.

"Excuse me? A-Are you telling that my daughter is a liar?" Tumayo si mommy.

"Mom..." si Nathan na hinawakan siya.

"Hindi ako ang nagsabi niyan!" umirap si Lola Sonya at naiiyak kanina pa. "Ruby, you said that you saw all of it? Bago nahulog si Margo, tinulak ba siya ni Sapphire?"

Fuck?

"Hindi ko siya tinulak! Bakit ko itutulak ang pinsan ko?" I raised my voice. Gusto ko magwala pero hindi ko magawa.

Doon na pumasok sa pintuan ang hindi ko inaasahang darating. Shit!

Si Raphael na basang basa sa ulan. Narinig niya ang mga huling sinabi ko. Umiwas ako ng nasa akin agad ang kanyang tingin.

"K-Kamusta ang anak ko?" agad na tanong ni tita Zandria.

"Still on searching ma'am." tanging sagot ni Raphael. I thought he is in Manila? Mau trabaho siyang inuwian tapos nandito siya ngayon. Ibig sabihin wala pa siyang pahinga.

"Sumagot ka Ruby! Tinulak ba ng babaeng iyan?" hindi parin tapos si lola Sonya.

Bakit ayaw nilang maniwala sakin?

Hindi sumagot si Ruby at umiwas lang. What the hell? She knows the truth!

"Teka nga lang Sonya." namaywang si lola. Napamura na ako sa aking isipan. Sumasakit na ang aking ulo.

"Bakit pinipilit mo na ang apo ko ang may kasalanan? She just took a picture of Margo! Hindi niya itinulak! We can't solve problem here if we keep on blaming each other!"

"Enough!" sigaw ni tita Frixxie. "Si Sapphire lang ang hihingan ng detalye at wala nang iba! There's a cctv-"

"Yes! There's a cctv if I prove that my daughter is innocent I will sue you Sonya." malamig na aniya ni mommy.

Fuck it! Nang titigan ko si Raphael ay namumungay ang mga mata niya sakin. Kinagat ko ang labi at hindi ko maiwasang hindi umiyak lalo.


Broken Chains (Montemayor 2nd Gen)Where stories live. Discover now