CHAPTER 1

55 5 0
                                    

Jacee's Point of View


Dumating ako sa may pagkakainan namin ng nage-ml yung boys kaya napakunot ang noo ko.


"Kayo naka-assign ngayon di ba?" takang tanong ko. "Nakapagsaing na ba kayo?"


"Hindi pa ate." sabi ng kapatid kong tutok na tutok sa cellphone niya.


"At bakit hindi pa?" seryoso at nakataas na kilay na tanong ko.


He eventually looked at me and he stopped playing as well as the boys. Napakamot siya sa batok niya.


"Lagot ka boy." sabi ni Ram.


"Kayo boys, alam niyo naman na kayo yung naka assign di ba?" tanong ko ulit.


Dumating na rin yung iba at ayun pinagtatawanan lang kami. Bahala sila wla silang kakainin.


"Sorry na ate," sabi pa ni Jayden.


"Bakit nga di pa kayo nagsasaing? Kayo naka assign di ba?" jusme, nai-stress na ko sa mga 'to.


"Don't stress yourself Raya, we can buy na lang sa café." sabi ni Cy.


"Gastos lang e." sabi ko sa kanya.


"My treat," sabi niya ng nakangiti at walang pag-aalinlangan.


Nakita ko namang napangiti lahat.


"Galante mo naman ngayon, Rika." sabi ni ate Camille.


"Oh come on guys, minsan lang 'to." natatawang sabi niya. "Tatanggihan niyo pa ba?" pagbibiro niya pa.


"Well let's go na." sabi ni Jai na ikinatawa namin.


Hay eto talagang si Jai pag-usapang pagkain at libre.


"Hay nako thanks talaga kay ate Rika." sabi ni Jayden na nasa tabi ko.


"Anong thanks ka diyan?" inis na tanong ko sa kanya. "E kung nagsaing kayo di gagasta yan, mahiya nga kayo."


"E sorry na nga," napakamot ulit siya sa ulo habang tumatawa yung iba pang boys.


"Hay nako, mga lalaking 'to." napasapo ako sa noo.


"Mag camper's meal na lang tayo?" tanong ni ate Camille.


Lahat naman ay nag-agree para kahit papaano naman ay di gaano kalaki magagastos ni Cy, nakakahiya naman kasi sa kapatid ko na puro laro ang inaatupag.


After ng mga ilang minuto ay nakakain na rin kami at ngayon ay tapos na. We all made our own ways to our perspective teams.

Love In Twins (Cardigan Series 1)Where stories live. Discover now