CHAPTER 6

24 0 0
                                    

Jacee's Point of View

"Hoy beh gising na may pasok pa tayo." nagising ako sa malakas na bunganga ni Cy mula sa labas ng kwarto niya.


Pagkalabas ko ay nakita ko siya na naka-apron tapos may hawak na iced coffee. She smiled at me.


"I cooked breakfast." she said in her cute voice. "Bacon with egg may rice pero may fried rice din, and pancake."


"Grabe ano inspiration mo ngayon para magluto huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya.


"Wala, wala... ano lang, nagutom ako. Himala 'no?" natawa pa siya kaya natawa ako.


Many people said na mukha na kaming magkakambal kasi lagi kaming magkasama. To be honest, we are like this kasi ang turingan na namin ay magkapatid. Bardagulan kami palagi but when we needed someone, lagi lang kaming nandito para sa isa't isa, tipong wala ng tawagan pupunta na lang bigla sa bahay ng isa't isa tapos alam na agad namin kung ano ang meron. It feels so great na may ganto kang kaibigan sa buhay mo.


"Nagugutom o nasermonan ni Jalen?" natatawang tanong ko.


"Pwedeng both?" nailing naman ako sa kabaliwan ng babae na it.


Nang makarating kami sa dinning table ay napangiti ako, "Himala di sunog ah." natatawang pang-aasar ko sa kanya.


"Grabe ka naman, marunong kaya ako magluto." she pouted.


"Oo na, eto naman nagbibiro lang." natatawang sabi ko.


Napatingin kami sa phone niya dahil nag-ring. Tumango naman ako and she take the call. My phone also notified.


Evan: Good morning Cee! I miss you

Jacee: I miss you more! Ingat ka sa pagpasok!

              Good morning din!

Evan: Will do po, ikaw ingat ka din

            Sunduin ulit kita later

Jacee: Sige po


"Oh yung ngiti mo abot hanggang langit na naman." natatawang pang-iinis sa'kin ni Cy. "Susunduin ka na naman 'no?"


"Wait paano mo nalaman? Pinagplanuhan niyo?" naningkit ang mga mata ko sa kanya.


"Hello? Pagpaplanuhan? May tf kaya pagiging third wheel ko." sabi niya habang nagtatali ng buhok.


"Magkano ba tf mo huh?" tanong ko sa kanya.


"Depende sa ipapagawa, bakit gusto mo makita price list ko huh?" tinaasan niya ako ng kilay.


"Wag na, di naman kita ginagawang third wheel e." natatawang sabi ko pero inirapan niya lang ako.

Love In Twins (Cardigan Series 1)Where stories live. Discover now