CHAPTER 3

23 1 0
                                    

Jacee's Point of View


"Hindi naman masakit sa mata." tinakpan ni Cy ang mga mata niya dahil nasa cafe kaming apat kasama sina Dreya at Evan.


"Galing, porket nagliligawan lang." naiiling na sabi ni Dreya.


"E bakit kasi kayo sumama?" takang tanong Evan.


"Oo nga, bakit nga ba?" inirapan ako ni Cy.


"Oh ano na naman?" natatawang tanong ko.


"When kaya ako?" napabuntong hininga si Dreya kaya napatingin si Cy sa kanya.


"Malay mo soon." sabi ni Cy at nag-phone habang hinihintay ang order namin.


"Humiwalay na nga tayo ng table Rika, hirap naman kabonding ng dalawang 'to, magka-holding hands." sabi ni Dreya.


Lumipat na sila ng table kaya natawa kaming dalawa. Well yeah, he's already courting me. He did ask me sa harapan pa nga ng mga kaibigan namin.


"Grabe na ang galawan na yan!" sabi ni Pierre.


"Wait guys, mukhang may gusto pa atang sabihin ang manok natin." sabi ni Stanley kaya tinitigan siya ng buong tropa.


Napalunok siya bago magsalita, " Can I court you, Jacee?"


"Grabe, nakakahiya." napakamot siya sa batok kaya napangiti ako, cute.


"Nahiya e halos ang swabe nga ng mga galawan mo kanina." natatawang sabi ko.


"E, ginusto ba naman ako pabalik ng taomg gusto ko." halos di pa din siya makapaniwala na ngayon ay nililigawan niya na ako.


Ako din naman e, hindi pa rin nagsi-sink in sa'kin na nililigawan na ako ng taong gusto ko e. "Masanay ka na." natatawang sabi ko. "You're already courting me oh, mukha tuloy tayong awkward sa isa't isa,"


"Sabagay," he said at dumating na yung order namin.


"Kukunin lang po namin yung amin." sarkastikong sabi ni Dreya at kinuha ang fruit shake niya. Pagkakuha nila ay umalis na din sila.


"So, anong ita-topic natin?" natatawang tanong nito. "Ah, alam ko na."


"Ano naman?"


"Alam mo ba?" tinaasan ko siya ng kilay. "Mahal kita."


"Baliw!" natatawang sabi ko.


"Baliw na baliw sa'yo. Pero, okay lang ba sa'yo na sabihin ko kay mama na nililigawan kita?" tanong niya kaya tumango naman ako. "Sige, sabi mo ah."

Love In Twins (Cardigan Series 1)Where stories live. Discover now