CHAPTER 8

17 0 0
                                    

Jacee's Point of View


It's been a month when Evan and I didn't meet that much. Pero today we have usapan, he said na susunduin niya ako dito sa bahay since birthday na ni tita.


"Good mood si ate ah!" natatawang sabi ni Jayden habang nakikipaglaro kay Artemis at Haerin. "May date kasi sila ng asawa niya."


"Asawa?" takang tanong ni Haerin. "So may anak na din si ate?"


Naubo naman ako sa tanong ni Artemis, "No, wala pang asawa si ate. Mas lalong wala pa akong anak." napasapo na lang ako sa noo ko habang tawa lang ng tawa si Jayden at Artemis.


"Ginawa mo naman akong ninang agad." natatawang biro ni Artemis.


Umiling-iling na lang ako at naligo na para maghanda. I wore a black fitted shirt and a denim skirt. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko agad si Evan na nakikipaglaro sa mga bata sa may sofa namin.


"Oh, you're done." he smiled so I smiled back. Tumayo na din siya at yinakap ako. "I miss you so much." he said calmly kaya napangiti ako.


Does this world doesn't want me to make sulit yung mga araw ko na nandito pa ako sa Pinas. I just want to bond with him pero simula last month he's too busy na that we barely talk and meet. I hugged him back.


"I miss you too," kumawala na kami sa yakap at muling ngumiti sa isa't isa. We just stared at each other na parang wala ng bukas para magtitigan ulit.


"Hoy ate at Evan, baka mamaya maging statwa na kayo diyan!" napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Jayden sa likod ko.


I glared at him bago tumingin ulit kay Evan, "Let's go?" aya ko kay Evan.


"Okay, bye kids, bye din Jayden!" pagpapaalam niya.


"Bye, ingat ka sa ate kong bruha." sabi ni Jayden kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Bye po kuya!" sabi naman nung tatlong bata.


Nang makasakay na kami sa sasakyan ay nagpatugtog kami ng songs but other than that ay wala ng nagtangkang bumasag ng katahimikan. A thirty minutes of biyahe has a complete silence. Nang makadating na kami ay nagmano na ako.


"Happy birthday po tita-"


"Hay nako anak, 'wag mo na akong tawaging tita... mama na lang." napangiti ako sa sinabi ni tita- este mama.


"Okay po... mama." they all smiled even his other family members.


"Ey si sister-in-law pala ito e!" natatawang sabi ni kuya Nix.


"Yes naman, part of the family na pala ito e." natatawang sabi ni Ly.


"E, asan na yung sa'yo?" natahimik siya sa tanong ni Mommy Gloria.


Love In Twins (Cardigan Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora