KABANATA 4

43.7K 1.8K 630
                                    




Kanabata 4:



"Sana tigyawatin ang puwet mo. Sana tumama sa lamesa ang hinliliit mo sa paa," bulong ko sa gigil habang sinasagutan ang ipapasa kong activity bukas ng umaga.

Nagngingitngit ang ngipin ko sa inis habang iniisip ang lalaking galamay na 'yon.

Wow ha?

Ang kapal naman talaga ng mukha niya. Pasalamat nga siya't sinamahan ko siya sa bayan kanina tapos pinapakisamahan ko siya nang maayos kahit alam kong may tinatago siya rito sa aming baryo.

Buwakangshet na lalake 'yon. Lalake moments ampota.

Malakas akong napabuntonghininga bago ibaba ang hawak kong ballpen. Mukhang wala ata akong matatapos, wala pa man akong nagagawa pagod na ako e.

Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa opisina kanina, nang sabihin niya iyon ay kaagad kong kinuha ang bag ko at lumabas na. Tinawag pa ako ni Mother Fe pero hindi na ako lumingon pa. Alangan naman tumayo ako roon at pakinggan ang mga paratang nila sa akin?

Bubu rin ang pota.

Kung ako ang kumuha ng ten thousand na hinahanap nila, edi hindi na ako magtitira roon kung gano'n, inubos ko lahat 'yon no. Magnanakaw na lang nga ako, hindi ko pa ba sagarin? Tutal magkakasala lang din naman ako no'n, edi dapat inubos ko na.

Alam ko naman tama lang ang sinabi niya, ako naman talaga ang pumasok doon.

Ano pa nga bang aasahan ko? Ang pagtakpan niya 'yon?

Napailing ako at tumayo bago bumaba para kumuha ng baso ng tubig. Mag-break nga muna ako at papakalma baka lalong hindi ko matapos 'tong pinapagawa sa amin.

Pagbaba ko sa first floor kung saan ang shop ng punerarya ay naabutan ko pa si Ben doon sa lamesa, parang may hinahanap sa cabinet.

Tsk, tinapon ko na 'yong mga lighter ng sigarilyo na tinago nila roon.

Nagsalubong ang noo ko habang pababa sa hagdanan. Akala ko umuwi na sila ni Bert?

Narinig ko kasi ang tricycle nila na umalis kanina, mukhang nauna na pala si Bert, na hindi naman madalas mangyari.

"Ben, nandito ka pa pala? Ba't hindi ka pa umuuwi, alas-diyes na ah?" bati ko, kaagad siyang napalingon sa akin mukhang nagulat pa, napapantastikuhan ko siyang tinitigan.

Natatawang napakamot siya ng batok saka nag-iwas tingin.

"A-Ah, hahaha wala. Nagpapalipas lang ng oras, Mavis. Uuwi na rin ako nito."

Napairap ako saka lumapit sa refrigerator na nandoon.

"Nako, bakit magkaaway na naman ba kayo ng misis mo?" May asawa na si Ben, habang si Bert naman ay single pa.

Napanguso si Ben, sinukbit niya ang kaniyang bag sa balikat. "Hindi ah, uuwi na nga ako. Lock ko na 'yong labas ah?"

Tumango ako, pinanuod ko siyang mabilis na umalis sa opisina bago ako kumuha ng tubig. Umakyat ulit ako sa kuwarto ko roon pagkatapos no'n at nang marinig kong sinara na niya ang punerarya. Halos hindi ko na alam kung anong oras ako natapos sa sinasagutan ko.

Alas-siyete ng magising ako dahil sa pagdating ng hindi pamilyar na tunog ng sasakyan, kilala ko ang tunog ng motor ni Bert kaya alam kong hindi siya 'yon.

Sumilip ako sa bintana, nakita ko si Ben na pinaparada ang isang bagong single na itim na motor na ngayon ko lang nakita.

Mabilis akong bumangon, kukusot-kusot pa ako ng mata nang maalalang makikita ko na naman si Father Draco ngayon araw.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon