KABANATA 14

55.2K 1.8K 2.4K
                                    



Warning: Matured Content [R-18] Read at your own risk.




Kabanata 14:

               PARA akong nabingi sa huling sinabi niya, parehas kaming galit kanina kaya hindi ko na maalala kung paano kami nauwi sa ganitong posisyon. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, hinayaan niya akong gawin iyon habang marahan hinihimas ang balakang ko at taimtim na nakatingin sa akin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman ang bukol sa gitna ng kaniyang pants, na tumatama sa aking legs.

Ito ata ang pinaka intimate namin puwesto pero wala akong pagkailang na naramdaman. Hindi ako inosente para hindi malaman kung ano iyon.

“Akala ko ako ang galit, pero parang mas galit ka?” paos na tanong ko.

Bumaba ang tingin ko sa pagitan ng mga hita niya bago mag-angat tingin ulit.

Hindi ko maiwasan titigan ang labi niya, ang pula no’n na parang kinagat. Hindi ko maalalang gumanti ako ng halik kanina.

“Your words,” mahinang paalala niya.

“Anong problema? Totoo naman, ha. Parehas kayong galit ng ano mo. Ibang klase, kapag galit ka... galit din siya,” natatawang komento ko.

Nakita kong gumalaw ang kaniyang panga.

Hindi ko maiwasan mapadaing nang mas idiniin niya ang sarili sa akin, humigpit ang hawak ko sa kaniyang balikat.

“Can you feel me?”

Marahan akong tumango. “Mukhang malaki.”

Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi, nginisian ko siya sa kabila ng kabog ng dibdib ko.

“You have seen me in all my nakedness. You tell me, Mavis. Malaki?”

Tinaasan ko siya ng kilay, ginantihan niya iyon ng ngisi.

“Tumatapang ka, ha. Paano pala kung may secret camera ako rito tapos ipagkalat ko ’tong video?” Bahagyang bumaba ang mukha niya.

Mas tumingala ako upang magpantay kami, tumama ang mainit niyang hininga sa aking mukha.

Pinaghalong mamahaling toothpaste at mint iyon, bigla kong naalalang amoy mami ang hininga ko.

“In that case, I will decide on the title of our video,” bulong niya sa akin.

Hindi ko maiwasan mapahalakhak dahil naalala ko ang mga title ng mga pornographic videos sa isang sites. Ano naman kayang ilalagay niya kung totoo nga?

Ang misteryo sa punerarya? Sikreto ni Father? Sa lugar ng patay, may ibang nabuhay? Pari sinaksak ang embalsamadora? Pagkatapos kumain ng mami, kinain ang mani?

Mas natawa ako sa kalokohan naisip ko. Napanguso siya animong pinipigilan din ang matawa kahit hindi naman niya alam ang dahilan ng pagtawa ko.

“Why are you laughing, hm?”

“Wala, may maisip lang ako.”

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon