KABANATA 29

24K 1.2K 1.2K
                                    




KABANATA 29:

PAGKATAPOS ng lunch na iyon ay ibinalik na ako ng mga guwardiya sa basement. Pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko lang ang pagkain, hindi ako makalunok at makahinga habang inaalala ang tagpo kanina sa kusina.

Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin, para bang wala ako roon, parang hindi ako karapat-dapat bigyan pa ng atensyon.

Ang marinig ang balita na magpapakasal siya sa iba at handa ng bumuo ng pamilya ay masakit para sa akin, iba pa lang sakit kapag nakita na mismo ng aking mata.

This is exactly what I want to happen. It's clearly my fault, but I can't help but feel hurt. Maybe I'm toxic because there's a part of me that doesn't want him to be happy with others... I want him to be with me, but I know I can't.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo lang sa single bed sa aking maliit na silid.

Nakatulala lang doon at hinihintay ang susunod na mangyayari sa akin sa bahay na ito.

I know, this won't be easy. After all, I am a bad person in their eyes, the daughter of their enemy, and a killer.

Napalingon ako kaagad sa pintuan nang makarinig ng ingay galing sa labas, tanda na may papunta sa gawi ng aking silid at hindi nga ako nagkamali nang bumukas ang pintuan at pumasok si Honeylin.

Katulad ng una niyang ekspresyon simula nang makita akong muli, matalim pa rin ang titig niya sa akin ngayon.

Inihagis niya ang ilang damit sa akin, ang iba ay tumama sa aking mukha at balikat, kaagad akong napapikit dahil doon.

"Megan ordered me to take those extra clothes to you. I don't know why she's treating you nicely; you don't deserve it," magaspang na sabi niya.

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit na iyon.

Noong kami pa ni Draco ay maayos ang pakikitungo niya sa akin, madalas ko rin silang nakakasama noon. Nakakalungkot lang na iba na ang tingin nila sa akin ngayon.

"Honey..." Thank you for taking care of Draco, for being a good friend and a member of his team.

Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit pinigilan ko na ang sarili ko. Pinasadahan niya ako ng tingin at kita ko ang nanunuya niyang ngiti sa akin.

"You're a fucking bitch. Kapal ng mukha mong magpakita pa ulit dito pagkatapos ng ginawa mo kay boss. My gosh! I can't imagine I respected you." I can see full disgust on her face, hindi ko na ipinagtanggol ang sarili ko. "Boss kept his mouth shut after you left him. No matter what we asked, he didn't give any reason, he didn't badmouth you, and he still tried to cover you up. Akala mo hindi namin malalaman, pinatay mo ang anak niyo at sumama ka sa ibang lalaki!"

Nagulat ako sa unang sinabi niya, na walang ikinuwento si Draco sa kanila. Na kahit gaano siya kagalit sa akin noon ay hindi niya ako siniraan sa ibang tao.

Yeah, that's Draco I know.

Hindi na ako nagulat na iyon ang alam nilang dahilan ko sa pag-alis. Mas mabuti ng iyon ang alam nila tungkol sa akin.

"Hindi ako nagpakita... nahuli ako hindi ba?" malumanay kong saad sa kabila ng lahat ng sinabi niya.

Nakita kong mas nagalit siya sa sagot ko, mas sumingit ang singit na niyang mata.

"You should hide better then," bawi niya.

Bumuga ako ng hangin. "Tell to your boss to stop looking for me."

Nanlaki ang mata niya. "Kapal ng mukha mo, hinahanap ka ng grupo dahil kriminal ang pamilya niyo. Gagamitin ka namin para lumabas ang ibang miyembro niyo."

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon