KABANATA 28

31.1K 1.4K 1K
                                    

Kabanata 28:

MAHIGPIT ang hawak sa aking braso ng isang lalaki habang walang ingat na hila-hila ako, ramdam ko ang mga bato at damo sa aking paanan. My eyes are blindfolded, so I have no idea where we are; my hands are also handcuffed, limiting my movements.

Pinakinggan ko ang paligid, rinig ko ang mga boses, dumarami nang dumarami sila habang mas naglalakad kami papunta kung saan.

Huminga ako ng malalim nang maramdaman ko ang semento at tiles sa walang sapin kong paa, tanda na malapit na kami sa pagdadalhan sa akin.

"Iyan ba 'yon?" rinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Oo, anak siya ng kalaban... halos isang taon din 'tong nagtago, mabuti at nahuli," sabi ng may hawak sa akin saka mas hinila ako.

Kinagat ko ang aking ibabang labi habang iika-ikang nagpahila sa kaniya.

Tama, isang taon na pala ang dumaan simula nang araw na iyon.

Isang taon na puro pasakit lang, nakalimutan ko na ngang ngumiti at tumawa.

Hindi na ako 'yong dating masayahin Mavis... halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko.

Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng isang pintuan.

"Dito, dalhin ang bihag!" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Boss Raim, ito na ho ang babae. Hindi na ho lumaban nang mahuli namin, wala rin ang mga kasama mukhang mga natakot," balita ng lalaki, puno ng pagmamalaki ang kaniyang boses.

Halos mapangiwi ako nang itulak ako nito dahilan upang mapasubsob ako sa sahig. Pakiramdam ko ay tumama ang aking tuhod sa malamig na tiles, hindi ko maiwasan mapadaing sa sakit no'n. Hindi pa man ako nakakabawi ay may humila muli sa braso ko upang itayo ako.

"Tanggalan niyo ng takip sa mata," boses muli ni Raim.

The man who was tugging me forcibly removed my blindfold, and immediately the light of the room spread to my eyes. I blinked to adjust my vision around me while my heart was pounding.

Kaagad kong iginala ang aking tingin sa kuwarto na pinagdalhan sa akin. Kaagad kong nakilala ang silid na iyon, pamilyar sa akin ang paligid kaya mas sumikip ang aking dibdib.

Nakita ko si Raim na nakatayo sa gilid, may sarkastikong ngisi sa kaniyang labi nang magtama ang aming tingin, katabi niya si Honeylin. Hindi nakalagpas sa akin paningin ang kalbo na kanina pa hila nang hila sa akin at tatlo pang lalaki na mukhang body guard, nandoon din sa kuwarto si X malapit sa pintuan.

Tumuon ang atensyon ko sa isang hindi pamilyar na babae sa gilid, puno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

She has a beautiful body; she looks like a model because of her body shape. She has long, wavy, dark brown hair, while her skin is fair. Just from her stance, you'll know that she has class; her face has a kind expression that belies her sophistication and her eyes are very expressive.

Hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya, maski ako ay natulala sa kaniya.

"You don't need to drag her like that," malumanay ngunit maawtoridad ang kaniyang boses.

Kaagad gumilid ang mga lalaki na humihila sa akin kanina at yumuko sa kaniya.

Tumikhim si Raim saka ako pinasadahan ng tingin.

"Long time no see, Miss Beautiful eyes," blanko na ang boses ni Raim para sa akin, wala na ang masigla niyang boses sa tuwing binabati ako noon.

Narinig ko ang pag-ismid ni Honey sa gilid. Hindi ako magtataka kung maging malamig o hindi maganda ang trato nila sa akin, lalo na ay panigurado akong nalaman nila ang nangyari sa amin ni Draco.

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon