KABANATA 16

48.4K 1.6K 1.3K
                                    

AN: Hello, if you're having trouble reading missing chapters, please remove and re-add this story to your library, para po wala kayong maiwan chapters. And sorry po if mabagal update, may work kasi, sa gabi lang ako nakakapagsulat bago matulog. Thank you! :>



Kabanata 16:

             HAWAK-HAWAK ko ang aking buhok upang mas makita niya ang tattoo sa itaas ng aking batok na hugis araw, katulad iyon ng nasa kaniyang hita.

Nang hindi siya nagsalita pagkaraan ng ilang segundo ay hinarap ko siya.

Naabutan kong awang ang kaniyang labi habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.

Bakas ang gulat sa kaniyang guwapong mukha, gulat na hindi inaasahan ang ipinakita ko.

Hindi iyon ang inaasahan kong reaksyon niya, ibig sabihin ay hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ito.

Iniisip ko kasi noong una na alam niya kaya siya lumalapit sa akin, pero dahil sa naging reaksyon niya ay napagtanto kong wala siyang alam tungkol sa marka ko. Kung gano’n, bakit siya nandito sa aming baryo kung wala naman pala siyang alam tungkol sa bagay na ito.

“Sasabihin ko sana sa’yo noon pero nawalan na ako ng pagkakataon dahil sa pag-alis mo. Magkamuka tayo ng marka, hindi ba?”

Ibinaba ko na ang aking buhok, paniguradong tutubo naman ulit iyon at matatakpan ulit ang marka ko roon.

Sinundan ko siya ng tingin nang malalaki ang hakbang na lumapit siya sa pintuan ng kaniyang kuwarto at isinara iyon. Hinila niya ako paupong muli sa kaniyang kama saka siya lumuhod sa mismong harapan ko.

“How did you get that sun tattoo? Do you know what that symbol means?” seryosong tanong niya, bakas din ang pag-aalala at kaguluhan.

Humalukipkip ako habang nanatili siyang nakaluhod sa aking harapan, inilagay niya ang mga braso sa magkabilang gilid ko animong kinukulong ako sa kaniyang kama.

Tumuwid ako ng upo.

“Aba, malay ko. Itatanong ko ba kung alam ko.”

Suminghap siya, taimtim ang tingin sa aking mata animong nanunukat. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag.

Ngayon ko lang napansin na napaka ekspresib ng kaniyang mata. Makikita mo talaga kung galit siya, masaya o malungkot.

“Hindi mo natatandaan paano ka nagkaruon niyan?”

Nagkibit-balikat ako. “Hindi. Wala akong maalalang nagpa-tattoo ako,” sabi ko habang umiiling-iling pa.

“How about your relatives? Do you know if they have something like that?” usisa niya.

Sandali akong nag-isip sa tanong niya bago ako umiling ulit.

“Uh, wala. Halos ako ang kinalakihan ng mga kapatid ko kaya alam ko ang bawat sulok ng katawan nila, wala naman silang ganito. Si Tito naman, ako ang nag-aalaga sa kaniya sa ospital noon, wala akong maalalang may tattoo siya.”

Tinitigan niya ako animong iniisip ang naging sagot ko, binalot kami ng katahimikan, nagpantay ang kaniyang labi.

Hindi ko maiwasan mapatitig sa labi niya. Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil nasa seryosong bagay na nga kami ay kung anu-ano pa ang nakikita ko.

“Do you remember every detail of your life? Wala ka naman amnesia, hindi ba?” parang tangang tanong niya sa huli.

Kumunot na ang aking noo, pero natawa na rin ako sa tanong niya.

“Anong klaseng tanong ’yan? Siyempre wala, simula magkaisip ako ay naaalala ko lahat hanggang ngayon.” Nginisian ko siya na nang-aasar. “Oh, baka naman may amnesia nga ako, tapos asawa pala kita at kaya ka nandito dahil binabantayan mo ako, huh? Aminin mo na, Dracky baby. Ayos lang naman sa akin, nasaan ang mga anak natin?”

Conrad Series 2: The PreacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon