KABANATA 1

95 12 13
                                    


Tama naman siguro itong address na binigay saakin ni Nanay Elina pero bakit ang sukal naman ng daan. Teka nga at tatawagan ko na lang siya. Potche! bakit walang signal dito!! Kainis! Dala-dala ang isang malaking maleta at tinahak ko ang masukal na daan at napadpad ako sa isang bahay na dalawa ang palapag. Kupas na rin ang kulay nito dahil siguro sa katandaan. 


"Tao po, tita Marie nandito na ho ako!" sigaw ko. I looked around but there's no person. Nasaan ba kase si tita? Binaba ko muna ang maleta kase ang bigat kaya. Halos wala nga akong tulog mula Palawan hanggang Albay. 


"Mama, may tao!" sigaw ng batang lalaki ng makita ako. He seems so kind and friendly. May hawak itong kotse na kulay berde. Marungis na rin ito dahil siguro sa paglaro ng kanyang kotse. "Teka, may kukunin pa ako" sagot naman nito sa bata. Lumapit naman saakin ang batang lalaki at ngumiti.


"Sino ka po?" magalang niyang tanong. Tinusok ko namang ng aking daliri ang mataba niyang pisngi at ngumiti. "I'm ate Elyse, ikaw?"


"Joaquin po!"


"Sino ba iy----" Lumingon naman ako at nakita ko ang masayang mukha ni tita Marie ng makita ako. Dali-dali naman siyang lumapit saakin at mahigpit akong niyakap. Yumakap naman ako pabalik at dinama ang mainit niyang pagbati saakin.


"Nandito ka na pala, akala ko hindi ka na makakarating"


"Maliligaw na nga ako rito tita" Sh chuckled. Kumalas naman siya sa pagkakayakap saakin at hinaplos ang pisngi ko. "Ang ganda muna talaga, naiingit na ako" umiling-iling na lang ako at tumawa.


"Joaquin, this is your ate Elyse. Dito muna siya pansamantalang maninirahan. Do treat her good, naiintindihan mo ako?" tumango naman ang bata at kinuha ang kamay ko. "Tara na po sa loob"


Kinuha ni tita Marie ang maleta ko at ako naman ay sumunod sa kanya. Pagpasok ko sa loob bumungad agad ang malinis na sala nina tita Marie. May mini kitchen sila at may hagdan papuntang taas. Pinaupo muna niya ako at iniwan kami sa sala. Tumingin ako sa paigid at nakita ko ang mga litrato nilang magpamilya. Seems tita Marie found her true love. 


"Ate Ely, taga saan ka po?" agad naman akong lumingon sa kanya. 


"Palawan" nanlaki ang mata niya.


"Talaga po? Pero bakit ka po nandito?" I look at him. I was ready to answered his question when tita Marie interrupted us. "Joaquin, stop asking question to your ate. She's tired" Nakita ko namang nalungkot ito at tumango. Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti.


"It's okay, I'll tell you next time"



After our lunch, tita Marie said that the enrollment schedule of the UST was on Monday, bukas iyon. Kaya nung gabi ay inayos ko lahat ng kailangan at ang damit na susuotin ko para hindi na ako magahol bukas. Mahimbing ang tulog ko kaya maaga pa ay nakaalis na ako sa bahay nina tita Marie. Tinuro niya naman ang daan at kung anong sasabihin ko sa driver kung sakaling sasakay ako. There's a lot of university here in Albay but I choose UST-Legazpi. Medyo malapit kase ito sa bahay nina tita Marie so less fees.


"Para po" saad ko nang makita ko ang gate ng university. Nagbayad ako at naglakad papasok. Medyo nahihiya pa nga ako dahil unang sabak ko sa paaralang ito at unang pag-enroll ko sa sarili ko. Hindi naman ako nanay's girl pero parang ganun na nga. Pagkapasok ko sa loob ng school ay natanaw ko agad ang malaking field nito. Kulay dilaw na may halong gray ang building nila. Matataas din at ang lawak. 


"Enrollment form?" the registar asks me while raising up her right eyebrow. Para naman kakainin ako nito. Agad ko naman itong binigay at tinignan niya isa-isa. Almost half-hour na rin akong naghintay bago niya ibigay ang ID at ang receipt. Pagkatapos ko ay umalis na rin ako doon at nagpasyang umuwi na. 


Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad palabas ng building when someone push me. Agad naman nangunot ang noo ko sa ginawa niya. Buti na lang at hindi ako natumba kase kung nagkataon ay baka masapak ko kung sino mang tao ang gumawa nun.


"Sorry miss, hindi ko sadya nagmamadali kase ako" sabi niya. I looked at him. Matalim para dama niya. Mula sa magulo niyang buhok at gusot nitong damit masasabi kong kakagising palang niya. "Next time, be careful" tumango naman ito at ngumiti.


"See you around miss" saad niya bago mabilis na tumakbo. Napangiti naman ako at umiling-iling. Pogi sana kasu di marunong magplantsa ng damit. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa palengke para bumili ng prutas pasalubong kay Joaquin. Habang nasa palengke ay narinig ko ang mga taong nagsisigawan at ang iba naman ay tahimik lang.


"Magkano po dito?" tanong ko sabay turo sa isang bugkos ng grapes. Joaquin loves grapes. Kinuha naman ito ni Manong at tinimbang. 1 kl


"330 lang ija" binigay ko naman ang limang daan ko. Binalot niya ito at binigay saakin ang sukli. Pumura naman ako ng tricycle at umuwi nang bahay. Pagkababa ko ay bumungad agad saakin ang usok na wari ko ay sinunog ni tita Marie ang mga dahon sa likod. Nang mapansin ako ni Joaquin ay dali-dali itong tumakbo palapit saakin.


"Ate, nandito kana!" sigaw niya at niyakap ako. Pinakita ko naman sa kanya ang dala ko at bigla na lang lumiwanag ang kanyang mga mata. "Saakin po ito? Salamat pi!!"


"Ikaw talagang bata ka! Nagpabili ka pa niyan" I just hold tita Marie's shoulder and says it's okay. Pumasok na rin ako sa loob at nagpalit ng damit. Pagkababa ko ay nakita ko si tito na ngayon ay naghahain ng pagkain sa lamesa. Ngumiti ito saakin bago pumunta sa kusina para kunin ang ulam namin. Apat kami dito sa bahay at si tito naman ay linggo lang umuuwi tapos bukas naman ay aalis naman siya. 


"Kamusta ang enrollment day?" nahinto ako sa pagsubo ng kanin at ngumiti kay tita Marie. "Ayos lang naman po, medyo nahihiya pa" sagot ko at sinubo na ang kanin. Nakita ko naman itong tumango at nagpatuloy na lang sa pagkain. Pagkatapos ay ako na ang nagpresinta na maghuhugas ng mga pinggan. Maya-maya pa ay lumapit saakin si tita Marie.


"I heard Nanay took care of you.." I stood up. Nahinto ako at tumingin sa kanya.


"Yes, Nanay take care of my brother. At nagpapasalamat ako dahil sa kanya" I said. Nakita ko naman siyang ngumiti at tumalikod saakin. "You're so lucky, I'm jealous" saad niya bago ako iwan sa kusina. Nanay told me that she has daughter, nung malaman ng anak niya na may bago itong asawa ay lumayas ito at hindi na nagpakita pa sa kanya, and that's her tita Marie. 


Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at nakatingin sa kisame. Madilim na rin sa labas at patay na rin ang ilaw sa kwarto nina tita Marie. I took my phone and open my facebook account. My head frowned when someone caught my attention. It was a friend request. Nung tingnan ko ay wala man lang ni isang picture or post. I was going to delete his friend request when a cat jumped on my bed. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko alam kung anong napindot ng darili ko. Nang tingin ko ay confirm na ito. Shit!!!


Safersky Arven De Luna asked you a  friend request.

 Confirm                         Delete


Inoff ko na lang ang cellphone ko at natulog na. Bukas ay simula nang bago kung buhay. I need to wake up early!!!

Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGWhere stories live. Discover now