KABANATA 3

50 9 3
                                    

Leon's Message

     Hi, thanks for reaching out here, hope you feel better and lovelots!!
merry x-mas and happi new year everyone 🤞🏻🤞🏻
______________________________________

I FOUND YOU


Paulit-ulit na bumabalik ang katagang iyon sa utak ko. Nandito na ako sa loob ng room namin at buti na lang at walang ang sunod naming professor. Nakatulala ako sa may tapat ng bintana ng may bigla na lang nagsalita sa likod ko.



"Di ba Elyse is your name? Napasulyap naman ako sa kanya. She's wearing a light makeup that matches with her blonde curly hair. Medyo maputi ito at maganda ang kanyang mga mata. Tumango naman ako at siya naman ay umupo sa tabi ko. She's friendly, I think so?


"I'm Eunice Kaila Quanzso, 18 slash virgen never nachupa at kay Wise lang kakalampag. May fb account pero no reactors pero keri na ako lang itoh, si ganda" napanganga ako.


"Omg, palakang shit I'm too close ba? Sorry sorry gwenchana " sabay pout.



"A-ah okay lang. I'm Elyse by the way" sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Tinanggap niya naman ito. Natapos ang oras namin ng hindi man lang nauubusan ng kwento itong si ano nga na pangalan nito, ah si Eunice.



"Sige beh, nandyan na iyong teacher eh mamaya ulit" pagpapaalam niya. Ngumiti lang ako dahil kanina pa itong panay tanong saakin at medyo naiirita na rin ako. Buong hapon ay lecture lang ang ginawa namin. I'm so tired and feel so hungry. Kumulo na rin ang tyan ko dahil hindi ako kumain ng tanghalian. Siguro pag-uwi na lang ako kakain.


"Ang landi naman nung Chara na iyon, aba siya pa talaga may ganang umangkin sa bebelove ko" inis na saad ni Eunice habang naglalagay ng blush on sa kanyang pisngi. Nandito kami sa ladies bathroom at buti na lang ay walang tao doon. "Kalma beh, atakihin ka niyan" asar na sambit ko at inayos ang pagkakatali ng buhok ko.


"Ay wag lang siya magpapakita saakin at baka makalbo ko siya" umiling-iling na lang ko at tunawa habang nakikinig sa kanya. Hindi naman siya madaldal kase sobrang daldal niya parang hindi nauubusan ng ikekwento.


"Busy ka sa sabado?" I gave her a puzzled face. " Tara, gala libre ko"


"Saan?" Hindi na ito nagsalita pa at lumabas nang banyo. Sinundan ko na lang siya. Nasa hallway kami ng makita ko ang isang babae na animoy manunugod dahil sa talim ng tingin nito saamin. To be exact kay Eunice siya nakatingin. Napahinto naman si Eunice. Nagcruz siya ng braso at matapang na sinalubong ang tingin nito.


"Is your name Eunice?" tanong nung kasama ng babae. Kulay itim ang labi nito at may earring na dalawa sa isang tenga.


"Anong sadya nindo?" mataray na tanong ni Eunice. "Siya ata Chara iyong babae na sinabi ni Jamine" tumango naman iyong babae na masama ang tingin saamin at lumapit sa gawi ni Eunice.


"Tsk, saang banda ba nagusto ni Wise ito? Eh make-up lang naman siya maganda" nakita kong kumuyom ang kamay ni Eunice dahil sa sinabi ng babaeng iyon sa kanya. "Ano bang problema mo Chara? Kung dahil sa pinili ako ni Wise, well deserve ko siya at hindi ikaw!" galit na sambit ni Eunice. Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ni Eunice. Agad naman itong napasigaw sa sakit.


""Aray, sakit nun ah." sabi niya at nagtigis bagang sinampal niya ito pabalik. Biglang nagkainitan at nagkagulo tuloy sila. Ang mga kasama nung Chara ay pinagtulungan si Eunice habang siya naman ay patuloy parin sa pagsipa kay Chara. Imbes na tulungan ng iba at pagalisin ay naging sabungan ito ng manok.


"Sa pula"


"GO! CHARA GALINGAN MO!!!"


Napailing-iling ako at lumapit sa kanila. If no one will do, then I'll do it. Agad kong hinila si Eunice palayo sa tatlong babae. "Umalis ka nga dyan!" sita nung isang babae na punit na ang blouse. 


"Umalis ka na Eunice" sambit ko. She nodd and start walking away. Akala ko ay tapos na ngunit isang kamay ang humablot sa buhok ko. Agad akong napadaing dahil sa sakit. "Bitawan mo ako! Ano ba!" sigaw ko. Mas lalo niya akong hinila at napadaosdos ako sa semento.


"Ikaw, bida-bida ka rin no? Bakit kaibigan ka ba ng babaeng iyon?" Kahit masakit ay sinubukan kong tumayo at hinila rin ang buhok niya. Mabait ako pero kung ganito ay magpasensyahan tayo. "Sabi ko bitawan mo ako!" saad ko kasabay ng pagsipa ko sa kanyang tyan. Nabitawan niya ako at natumba ito. 


"That bitch!" sigaw niya at tinuro ako. Lumingon naman ang dalawang alalay nito at akmang sasampalin ako ng may isang malakas na boses ang nagpahinto saamin. His deep voice echoes along the hallway. Halos lahat ng estudyante ay natigilan at natakot.


"All of you get out and back to your rooms! I'll count 1 to 3 kapag hindi pa kayo umalis ay makikita ninyo!"


Lahat ay nagsipagtakbuhan maliban saaming lima. Habol ang hinga ni Chara habang masama ang tingin saakin. Narinig ko ang yabag ng paa sa gawi ko at nang makalapit ito saakin ay huminto ito. "What have you done, Elyse" I looked up and my eyes widen with I saw his face. Hell no, bakit siya nandito?!


Tulala at wala ako sa sarili. Nanginginig rin ang kamay ko at hindi makatingin sa kanya. I thought he went to States to study. Pero bakit nandito siya? Narinig ko itong huminga ng malalim bago umupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa clinic.


"KLEIRENCE ELYSE DIXON AQUINO" napalunok ako. 


"LOOK AT ME" pero hindi ako tumingin sa kanya.


"I SAID LOOK AT ME!" napapikit ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Nanginginig man ay dahan-dahan akong lumingon. Nakita ko ang matalim na tingin niya saakin at hindi ko mapigilang manubig dahil doon. Wala akong ibang nasabi kundi ang...


"SORRY, SORRY QUIERO" 


Napayuko ako at napahagulgol. Ang pangako ko sa kanya nung umalis ako ay hindi na ako madadawit sa kung saan man na gulo lalo na ngayong college na ako. Pero heto ako, hindi pa nga nagsisimula ay napaaway na. Napahilamos ito ng mukha at tumayo.


"You promised Ely, nung iwan kita sabi mo titino kana pero Ely? Please wag munang gawin ulit iyong dati? Ayaw kong nadadawit ka sa kung saan man"


"S-Sorry, sorry" iyak na sambit ko. Isang mainit na yakap ang bumalot saakin. Quieo is hugging me. Sinubsob ko ang aking mukha sa leeg niya na ang bango ng amoy. "Shhh, sorry. Nataas kita ng boses, sorry hindi ko sinasadya" pagaalo niya saakin.


"I'm sorry Elyse..."



Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGWhere stories live. Discover now