KABANATA 4

32 7 0
                                    


Lumipas ang ilang araw at hindi parin nawala ang chismis nila sa nangyari saamin. Pinatawag rin ang mga magulang namin at humingi ako ng dispensya kay tita Marie dahil sa nangyari. Sabado ngayon at naisipan kong gumala kasama ang kaibigan kong si Nicca. Matangkad at morena ito. Nakasuot siya ngayon ng floral na bestida habang masayang kumakaway saakin. 


"Bilisan mo na Ely!" ngumisi ako at tumango. Pababa na ako ng hagdan ng mapansin ko si tita Marie na tinitingnan ang bill ng kuryente. Nangunot ang noo niya kaya tinanong ko siya, "May problema ba tita Marie?" tanong ko sa kanya. I heard her took a deep breath and place the bill on the table.


"Ang taas ng bill tapos wala pang binibigay na pera ang tito mo" 


Almost 2 months na rin nung umalis si tito para raw maghanap ng trabaho sa Maynila. Pero dumaan na ang ilang araw ni tumawag o mag text ay hindi man lang niya nagawa. Nag-aalala na rin si tita Marie ngunit wala naman itong magawa. Tinapik ko ang balik niya at ngumiti. "Ako na nito tita"


"Sorry Ely, ito kasing tito mo" napakamot pa ito sa kanyang batok kaya umiling-iling na lang ako. Nagpaalam na rin ako sa kanya at sinabi kong sa linggo pa ako makakauwi. Buti nga at pumayag naman siya pero mag-ingat lang kami. Nung umaga ay bumayahe kami papuntang Camarines Sur para puntahan ang isa sa sikat nitong isla na kung tawagin ay Atulayan Island. Medyo malayo-layo ito sa lugar namin. Halos limang oras kaming bumyahe makarating lang sa islang iyon.


"Welcome to Atulayan Island!" pagbati saamin ng isang lalaki na nakasuot ng hawaiian polo. Ngumiti naman si Nicca at nagpaalam saakin. Naiwan ako sa labas at hinihintay ang pagbalik ni Nicca. The island was so pure and gorgeous. Ang buhangin nito ay kulay puti at ang tubig nito ay kulay asul na lumiliwanag dahil sa init ng araw. Marami ring tao na nagswiswimming at ang iba naman ay tamang chill ang sa lilim ng coconut tree.


"Ganda no?" nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Nicca sa tabi ko. Kailan pa ba siya? May kinuha ito sa kanyang bulsa at binigay saakin. "Key chain yan, tara na" saad nito at nauna na saakin. WELCOME TO BALAY ATULAYAN BEACH RESORT


"Sissy, dito ang kubo natin. Share share muna tayo eh malaki naman ito" Tumango naman ako at sumunod sa kanya. Dumaan kami sa baybayin at huminto sa isang kubo o hut. Kinuha niya muli saakin ang susi at binuksan iyon. Bumungad agad saamin ang dalawang kama na kulay puti at dalawang picture. Nilapag namin ang mga gamit namin at si Nicca naman ay lumabas may kukunin raw. Naiwan naman ako sa loob kaya naman ay humiga muna ako.


Isang mahinang yugyog ang nagpagising ng diwa ko. Nakatulog pala ako ng hindi ko alam. Pagmulat ko ay bukas na ang ilaw, nakatayo si Nicca na ngayon ay nakasuot ng sando at maong na short. Kinusot ko naman ang aking mata at bumangon. "Ang sarap ng tulog mo sige ka di ka makakatulog niyan mamaya" sambit niya habang nagaayos ng kanyang sarili sa salamin.


"Saan punta mo?"takang tanong ko sa kanya. Ngumisi naman ito at kinindatan ako. "Hanap pogi na mamahalin" 


Nakita ko itong naglagay ng lip gloss bago magpalit ng damit. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpaalam saakin. I just shake my head and stood up. Nag-unat ako ng katawan at tumingin sa relo ko. Mag-aalas otso na pala. Tumingin ako sa labas, madilim na at tanging ilaw lang mula sa resort ang makikita mo. 


"Nagugutom na ako" Tiningnan ko ang pera ko sa wallet at nagpasyang pumunta muna sa isang kubo kung saan may tindahan ng kung ano-ano. Kinuha ko ang aking kulay brown na hoodie at lumabas. Nadama ko agad ang malamig na simoy ng hangin kaya agad akong napayakap sa katawan ko. "Ang lamig" usal ko at nagsimula nang maglakad. Madami paring gising dahil rinig na rinig ko parin ang videoke at ang mga tawanan nito. 


"Isang chicken with rice po" tumango naman ang tindera ang nagbayad ako. Umupo ako sa may gilid kung saan walang tao at tahimik na naghintay sa order ko. Habang naghihintay ay tinanaw ko muna ang dagat sa labas. Kahit madilim ay kumikinang parin ito dahil sa ilaw ng buwan. Napangiti ako dahil iniibig ko ang buwan at ang dagat. 


"Beautiful.." agad akong napalingon at ganun na lang ang gulat ko ng may mainit na hininga ang tumama sa mukha ko. When I turned around, I saw that our faces were close to each other. Namilog rin ang mata nito kaya dali-dali ang umiwas sa kanya. "Pasensya na miss"


Naiilang na tumango ako at tumuwid ng upo. Nakita ko naman itong umupo sa tabi ko at umusog ako. Napansin niya siguro iyon kaya lumayo ito ng kunti saakin. "Sorry talaga hindi ko naman sadya eh" 


"A-Ayos lang" sagot ko kahit hindi naman talaga. Buti na lang at dumating na ang order ko. Ilang  minuto na ang lumilipas ngunit ni isang kagat ay hindi ko magawa dahil sa katabi ko. He's staring me! 


"You should it na miss, lalamig na iyong kanin mo"


"Can you please stop staring at me?"saad ko. Naramdaman ko itong tumalikod saakin at ngumiti. "I'm sorry, I can't take my eyes off to you, ang ganda mo kase" nabilaukan ako. Nagulat naman siya at dali-dali akong binigyan ng tubig. "Yawa, ayos ka lang miss?" natatarantang tanong saakin. I gave him a stop sign and tell him that I'm okay.


"Anong pangalan mo miss? Ngayon lang kita nakita dito ah" tanong niya. Nakatalikod ito saakin. I took a deep breath and finish my meal. Lumagok muna ako ng tubig saka sumagot sa tanong niya. "I'm Ely"


"ELY? Ang ikli naman iyong full name mo ba?" tanong niya ulit. Ngayon ko lang napansin na medyo gwapo pala siya kapag nakatalikod, parang korean lang ba. "I'm Kleirence Elyse Dixon Aquino from Palawan but transfer to Albay"


"Wow wow, ang layo pero pwede na" he chuckled. Taka naman akong napatingin doon. Ngayon ay humarap na ito saakin dala ang gwapo nitong ngiti. Ang makapal niyang kilay, makinis na pisngi at ang mapupulang labi nito na ngayon ay nakangiti. "Nice name, bagay sa surname ko" umirap na lang ako at tumayo. I don't have time to flirt. Pero bago pa ako makalayo sa kanya ay bigla itong nagsalita.


"Nice meeting you Ely, by the way I'm Ramelo Lucas Terino, Ramram for short at your service ma'am"

Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGWhere stories live. Discover now