KABANATA 2

50 9 8
                                    

4:00 a.m pa lang ay gising na ako. Bumangon ako sa higaan at humikab muna bago naisipang maghilamos. New day, new beginning. Tumingin ako sa salamin at kitang-kita na ang marka ng itim sa ilalim ng mata ko. Parang adik lang, pinunasan ko ang aking mukha at tinali ang buhok. Nang matapos na ako ay lumabas na rin ako ng kwarto.

Madilim parin sa labas at naririnig ko na rin ang mga taong abala sa pagwawalis. Lunes ngayon at simula na nang pasok ko sa university na iyon.Binuksan ko ang bintana malapit sa pinto at natanaw ko agad ang araw na sisikat na. Nadama ko agad ang malamig na hangin. I gives me a chill yet cold feeling.


"Ey, ang aga natin" Napalingon naman ako sa nagsalita at bumungad saakin ang bagong gising na si tita Marie.


"Opo, inagahan ko po para hindi ako malate sa unang araw ko po" tipid naman siyang ngumiti at pumasok sa loob ng banyo. Habang nagiinit ng tubig ay biglang sumagi saaking isipan ang friend request nung lalaki, si Skysafer.


"Ang layo ng isip mo ah" agad naman akong nabalik sa sarili ko. Shit, bakit ko nga ba iniisip iyon?


"H-Hindi po tita" utal na sagot ko. Umupo ito sa mini table niya at humarap saakin. "Ganyan rin ako nung kabataan ko, in-love" salad niya na ikinamula ng buong mukha ko.


"Hindi ho tita ako in-love" gitil ko. Hindi naman kase eh. Umiling-iling na lang siya. Nagsimula na akong kumain ng almusal dahil si Joaquin raw ay mamaya pang hapon ang pasok kaya mauna na daw akong kumain.


"Ito Ely, fifty-pesos pangbaon mo" sabay abot niya saakin. Tatanggi sana ako dahil meron naman akong pera para sa baon ko pero hindi siya nagpatinag. Tinanggap ko na lang ito at nagpasalamat sa kanya. 5:30 a.m ng magpasya na akong pumunta sa university. Nilakad ko na lang ito dahil maaga-aga pa naman. Habang nasa daan ay tanaw ko ang magandang tanawin. Napangiti ako nang maisip ko na mas masarap palang manirahan sa probinsya kaysa sa lungsod.


"Ineng, hindi ka ba sasabay?" may biglang humintong tricycle sa tapat ko. Wala pa itong sakay kaya paniguradong kakapasada pa niya lang. Tumingin-tingin ako sa paligid , walang mga estudyante.



"Sige ho, sa UST po" saad ko at pumasok na sa loob. Nakakaawa nanan kase kung hindi ako sasakay bwenumano pa naman. Hindi naman nagtagal ang byahe at nakapunta na agad kami sa paaralang papasukan ko

"Ito po, bayad" inabot ko ang twenty pesos ko. Ngumiti naman ito saakin. "Bago ka rito ineng?" tanong niya at binulsa ang pera. Tumango naman ako bilang sagot sa kanya.

"Ah, sige ineng goodluck" Ngumiti na lang ako at tumalikod na. Seems people here are very nice and hospitable. Habang naglalakad papasok sa gate ay agad kung napansin na ang dami talagang estudyante dito. Hindi naman ako nagtaka kase nung enrollment nga ay halos magsiksikan ang lahat sa registar office.


"Ey bro, college kana?" dining kong saad ng isang lalaki. Naka clean cut ito at complete uniform. May lumapit sa kanyang lalaki na kung titingnan ay hindi mo aakaling college na nga. In other words "pandak" not to short but a quite cute size.

"Stop bullying me, Francisco baka makita mo ang hinahanap mo" they just chuckled. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng mapahinto ako sa tapat ng mismong room namin. Kunti pa lang ang tao at ang iba naman ay nagku-kwentuhan na. Parang ako na lang ata ang walang kausap dito.

"Anong brand ng sapatos mo Asher?"

"Nike, bakit?"

"Wala nagtanong lang" saad ng katabi ko. Nakaupo na ako at pinili kong nasa hulihan dahil wala lang. Nagsimula na ang klase at nauwi na sa introduce yourself portion. Ang iba ay pangalan, edad at kung anong reason why sila nandito ang sinasabi nila sa unahan at nang ako na ay bigla akong nanlamig.

"Miss Aquino?" Tawag niya saakin. Dahab-dahan akong tumayo at pumunta sa unahan. Hindi naman ako mahiyain sadyang nanlalamig ako sa mga mata niya.

"Ahmm, g-good m-morning" utal na sambit ko. Ang mga mata nila ay tanging saakin lang nakatingin kaya mas lalo akong kinabahan.

"What's your name, age, and why?" Lumingon naman ako kay ma'am na nakangiti at sinabing okay lang yan kaya mo yan. I took a deep breath and shake my head. Wag kang mahiya Elyse ano ka ba..

"Good morning everyone, my name is Kleirence Elyse Dixon Aquino, 18, and the reason why I'm here is because —" I stopped.

"Ma'am hindi pa po namin pwedeng matakpan ito?"

"Sorry Mrs. Aquino, we can't do that, illegal drugs ang sakot ng anak mo. We don't want our school to be connected with that...."

"But is there's another option?" Nakatingin saakin si Mommy. Alam kong galit na galit na ito saakin. Tumingin saakin ang dean at muling sumalyap kay Mommy.

"Transfer to other school....."

"Miss Aquino are you with us?" napanganga ako. Shit, nawala ako sa ulirat.



"Uhm, ano wala lang gusto ko lang. Thank you"

Dali-dali akong bumalik sa upuan ko. Pinagmumura ko ang aking sarili dahil sa kahihiyaang nagawa ko. Nagsimula na magturo ang teacher namin at nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala naman silang pakialam sa nangyari.

Break time na ngunit wala parin saakin nag-aya na maging kaibigan man lang ako. Bitbit ang wallet ay malungkot akong lumabas ng room at pumunta sa canteen. Okay lang, sanay naman akong walang kaibigan.

"Pres. naman akala ko ba ay sasama ka?" sambit ng isang kulot na babae na may salamin. Kung saiba ay nerdy tingnan pero sa kanya hmm, parang doll lang. Nandito na ako sa pintuan ng canteen at hindi ako nagkamali, madaming estudyante at ang iba ay nagtutulakan na.

"Sus, Ashley wag kanang umasang sasama yan eh nung isang araw nga nagyaya din tayo diba hindi siya sumama"

"I'm busy" tipid lang na sagot ng kausap niya. Pumila na lang ako kaysa hintaying maubos ang mga tao dito. Nasa pangalawang linya na ako at malapit na sa tindera. Abot ang ngiti ko nang nasa unahan na ako at nagtanong na ang tindera.

"Isang C2 dalandan flavor at isang burger po" Agad naman niyang binigay saakin at nagbayad na ako. Tatalikod na ako ng may isang mahabang kamay ang humarang sa dadaanan ko.

"Excuse me" I said. Hindi naman niya ito inalis kaya matapang ko itong tiningnan. Mula sa kulay puti niyang polo at suot na gold necklace masasabi kong napa— it's him.

"Oh, I found you" He said and gave me a wide smile. Nakatingin ito at ang mga mata nito ay biglang kumislap ng makita ang gulat sa mukha ko.

Touching the dangerous Sky (De Luna Series 1)| ON-GOINGWhere stories live. Discover now